//@errors ahead!!!
"Maine, para sa'yo" sabi niya sabay abot sakin ng tatlong rosas."Carl, diba sabi ko sa'yo, tigilan mo na ako. I don't like you nga diba?" iritadong sabi ko sa kanya.
Simula first day of school, naging ganito na si Carl sakin. What's with me?
____
"Maine, pwede ba kitang yayain---"
"Carl naman, kita mo namang busy ako." giit ko bago umalis.
Nakakainis. Lagi na lang siya ganyan. Ewan ko ba kung bakit diko siya gusto. Atsaka, hindi pa ako handang pumasok sa love na yan.
____
"Anak, diba sabi ko sa'yo dapat mataas ang grado mo?! Anong nangyari ha?! Dahil ba dun sa lalaking umaaligid-ligid sa'yo?! Pumatol ka ba dun sa mahirap na yun?!" napapikit at napayuko na lang ako sa sigaw ni Papa sa'kin.
"P-pa. Pasensya na po hindi na po-"
"Aba, dapat lang na hindi na mauulit ito! Nakakahiya sa mga kaibigan ko. At yung Carl na yun sabihin mo sa kanya na tigilan ka na kung hindi, magdudusa siya sa hirap." mariin at seryosong sabi ni Papa sa'kin.
Kinabukasan, nakasalubong ko agad si Carl sa daan. Agad naman niya akong nilapitan.
"Maine---"
"Carl please, nang dahil sa'yo kaya ako pinagalitan ni Papa. Kaya pwede ba, layuan mo na ako!" galit kong sigaw sa kanya.
"Lagi namang ganyan eh. Maine naman, alam kong ayaw mo sa'kin pero---"
"Kaya nga diba, tumigil ka na sa kabobohan mo. Hindi naman kita gusto kaya wag mo nang ipilit yang sarili mo sa'kin." giit ko.
"Ganun na lang ba yun? Ni konting pagmamahal sakin wala ka?"
"Awa lang ang meron ka sa'kin." walang pag-alinlangan sabi ko.
"Awa? Dapat nga ikaw ang maawa sa sarili mo eh. Nakakulong ka sa sarili mo. Ni wala ka ngang kaibigan dito sa school dahil diyan sa ugali mo. Pero ako, natitiis kita dahil mahal kita. Pero bakit? Kahit hanggang kaibigan lang hindi mo parin---"
"Ayaw ko nga sa'yo! That's it. Kaya mabuti pang, tumigil ka na." inis kong pagputol.
"Hindi ako susuko. Kakausapin ko ang Papa mo. Dapat bigyan ka rin niya ng kalayaan. At ikaw..." nabigla ako sa paghila niya sa'kin.
"San tayo pupunta? Hoy, mapagalitan tayo-"
"Ako bahala sayo. Sa araw na to, wag muna tayong pumasok. Wala din naman tayong gagawin sa klase." nakangiti pa siya nung sinabi niya yun.
Huminto ako. "Wag mong hawakan ang kamay ko." malamig kong utos pero hindi niya binitiwan. "Ang sabi ko.." napahinto ako dahil bigla niyang inilahad sa'kin yung isang lunchbox
"Anong---"
"Nasa loob nito ang mga pagkaing hindi mo pa natitikman kaya, ipapatikim ko sa'yo. May baon pa ako sa loob ng bag kaya wag kang mag-aalala. Pero siyempre, may pupuntahan muna tayo." ngiting sabi niya na ikinatahimik ko.
Ngayon ko lang naramdaman to. Ngayon ko lang nakausap ang lalaking to ng ganito.
"Oh, ano pang hinihintay mo? Sumakay ka na."
"W-what?"
"Ang sabi ko sumakay ka na dito..." sabay hampas sa motor niya.
"Sasakay ako sa motor mo habang nasa likuran mo? Duh! Hindi ko pa naranasan ang sumakay sa motor kaya ayaw ko. Ayaw kong mahulog." iritadong sabi ko.
YOU ARE READING
RANDOM STORIES COMPILATION (Short Stories)
РазноеHi. Hope ya'll like my short stories^^ ⚠Warning ⚠ There are some grammatical errors and wrong grammars you've may encounter on this story. Sorry for that, thank you.