//@errors ahead!!!
Hi!
I'm Megs.
Ako'y isang simpleng babae, magtatapos ng highschool ngayong taon. Sa buong taon kong nag-aaral ng highschool, marami akong naka-kasalamuhang tao. Mga kaibigan, kaklase, at mga guro. Ibang-iba klaseng lalaki na rin ang nakilala ko. Kung baga, CRUSHES kasi marami sila. >//<
Sabihin na lang natin na, meron akong TATLONG CRUSH. Oh diba, bongga! Para akong ewan. Eh kasi sabi nila, ABNORMAL raw pag wala kang crush.
Nung nag-grade 7 ako, may hinahangaan akong lalaki. MATALINO, MATANGKAD at siyempre GWAPO. Humahanga ako sa kanya dahil, mabait siya. PINA-PAKILIG niya ako na alam ko naman na, BIRO lang iyon. Mas lalo akong humahanga sa taong 'yon dahil, pinapasaya niya ako kahit biro lang ang lahat. HONOR STUDENT siya ng paaralan, at minsan nag-uunahan kami sa pwesto ng pagiging top student. Oo, isa ako sa naging top student sa classroom namin. Kaya lang, nung patapos na ang klase, hindi umabot sa 90 yung grado ko. Pero ayos lang, dahil top 3 naman ako.
Huli kong nakita si crush ay yung graduation day. Pinarangalan siya noon. NASAPAK ko pa nga ang ulo niya na hanggang ngayon, hindi ko parin nakakalimutan. Nakakatawa yun, kaya MAHIRAP KALIMUTAN.
Noong nag-grade 8 naman ako, hayst! Masaya dahil nakakasama ko ang mga kaibigan ko. At, na-late ako sa first flag ceremony namin. At habang nagmamadaling tumakbo papunta sa linya namin, nakasalubong ko ang isang lalaki. Bago siya sa paningin ko. At oo naman, bagong estudyante lang siya. Pikot yung mata, matangos ang ilong, maganda manamit, at bakas sa mukha ang pagiging mabait. Kaya ayun, na-CRUSH AT FIRST SIGHT na naman ako.
At dahil kasama ko ang mga kaibigan ko nung grade 7, sa section namin. Nalalaman agad nila kung sino ang crush ko. Ang nakakainis lang, inaasar nila ako doon sa NEW STUDENT. Tahimik na lalaki yung new student. Kaya, mahirap basahin sa taong yun kung ano ang iniisip niya.
Ang mga tao talaga, ay paiba-iba ng nararamdaman. Merong isang tao na, minsan ko lang nakakasalamuha nung grade 7 na naging kaklase ko at... nasa harapan siya ng inuupuan ko. He's not cute, pero na-a-attract ako sa kanya! That's so insane right?!
That's why, noong grade 8 ako, naging dalawa ang CRUSH KO. Si Zack at si Mario. Si Zack ang new student, si Mario naman ang naging kaaway ko simula nang nag-grade 8 ako.
Sa loob ng classroom, walang araw na hindi ko SINU-SUKLAMAN si Mario. 'Yung ugali niya kasi. Kaibigan pa siya ng pinsan ko! Na mas lalo kong ikina-inis dahil lagi nila akong ina-asar kay Mario. Pero, kung naiinis ako sa loob ng classroom namin, paglabas naman ay sobrang laki ng ngiti ko. Lagi ko kasing ina-abangan si Zack na lumabas sa classroom nila. Sa tuwing ina-angat ko ang tingin ko, nakikita ko siya. Lalo na nung araw na KUMINDAT siya sa akin. Sobrang laki ng ngiti ko dahil sa ginawa niya. Kung kumindat kasi, para siyang ARTISTA. Kaya sobrang laki ng pagka-crush ko sa kanya. Minsan pa nga, pinagdadasal ko na sana, maging kaklase ko siya kapag nag-grade 9 kami.
Pero, kahit na bata pa ako at walang alam sa love noon. Naiinis ako sa sarili ko dahil, nung nakikita ko si Mario kasama ang girlfriend niya... medyo nasasaktan ako. Na para bang hindi ko maipaliwanag. Pagpasok sa loob ng klase, inaasar parin ako ng mga kaibigan ko sa kanya. Pero siya naman, parang timang. Naki-kisabay rin. Baliw kasi ako eh. Kapag inaasar ako ng mga kaibigan ko sa isang tao, nagugustuhan ko yung taong iyon. Argh! Kaya naiinis ako sa sarili ko!
Pero si Zack naman talaga ang crush ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit si Mario pumapasok sa isip ko. Tuwing naglalaro silang dalawa, kay Zack lang ang tingin ko. Mga nakaw na tingin lang. Dahil ayaw kong, malaman ni Zack na crush ko siya. Kapag nag-tama ang mga mata namin, agad akong umiiwas. Dahil yung mga mata niya, parang may mahika na kapag titingin ka, mahuhulog ka talaga.
YOU ARE READING
RANDOM STORIES COMPILATION (Short Stories)
DiversosHi. Hope ya'll like my short stories^^ ⚠Warning ⚠ There are some grammatical errors and wrong grammars you've may encounter on this story. Sorry for that, thank you.