OSS 4: That Should Be Me

38 24 2
                                    

//@errors ahead!!!

I'm Kalix and I'm with the most beautiful woman in the universe. I choose to stay silent of what I felt towards her because I don't wanna lose her again. The memories that we have before are just a memories.

"Kalix! Do I look gorgeous in this dress?" she asked me with a wide smile on her face.

I nodded. "Bagay naman sa'yo ang lahat ng damit dito" I saw her smiles again.

Her smiles will always be my weakness.

"So, ano kaya ang isusuot ko? Dapat, magmukha akong presentable mamaya. Myghossh! I'm so excited!"

Bakas sa mga mata niya ang saya na minsan ko na lang nakikita.

I smiled again.

Sinamahan ko siya sa cashier para bibitin lahat ng binili niya.

"Thank you for choosing our mall! Come again!" paalam ng staff ng mall sa amin.

Nang nasa labas na kami ng mall, biglang lumapit sa amin ang isang bata na nasa sampung taon ang edad.

"Ang ganda naman ng girlfriend mo, kuya!" may halong tuwa sa boses nito.

Napatingin kami ni Ally sa isa't-isa. "HAHAHAHA!" tumawa siya kaya nagkunwari na lang akong tumawa.

"Bata, he is not my boyfriend, okay? He's my friend." walang pag-aalinlangang sabi niya sa bata.

"Ay! Sayang naman! Bagay po kasi kayo eh hihi!" biglang tumakbo ang bata paalis.

I was so quiet and felt hurt inside. Ally is my ex girlfriend before and now, she's my friend.

Naalala ko pa ang araw na sumuko ako sa relasyon namin. It was 5 years ago. Iniwan ko siya at inuna ko ang ambisyon ko. We love each other but it was my fault. I was weak on that time, hindi ko siya maipaglaban.

When I came back, everything is changed. Ally is changed. I want to go back and beg her to give me a chance. Pero, hindi niya ako pinayagan. But still, I don't want to lose her. That's why she's giving me a deal. Magiging kaibigan niya ako, pero hindi ko dapat siya magustuhan. Dahil kapag magustuhan ko siya, itataboy niya ako sa buhay niya.

Sobrang sakit. Kahit ganoon pa man, pumayag pa rin ako. I treated her as a friend pero, ang totoo bilang babaeng mahal ko.

"Finally! He's here!"

Bigla akong bumalik sa tamang pag-iisip sa biglaan niyang pagsigaw.

Biglang huminto ang sasakyan ni Leo sa harap namin.

"Honey!" lumabas ito at niyakap si Ally sabay hinalikan.

Leo is our classmate on highschool before. Siya rin yung may crush kay Ally noon. Naalala ko pa noong kami pa ni Ally. Leo is just one of the nerds student na ayaw ni Ally. Pero ngayon, si Leo pala ang taong makakatuluyan niya.

"Thank you Kalix dahil sinamahan mo si Ally dito" ngiting sabi ni Leo sa akin sabay kuha sa mga dala ko.

"Your'e welcome." ngiting sabi ko.

Pero sa loob ko, sobrang sakit. Sobrang sakit na ako ang dahilan kung bakit naging sila.

"Kalix, wag kang ma-late sa kasal namin ha? Ikaw pa naman ang bestman ko!"

Tumango lang ako at ngumiti sa sinabi ni Leo.

"Sige na, ingat!" paalam ko sa kanila.

"Kalix, you're the best!" tuwang sabi ni Ally bago sila umalis.

Ako dapat iyon.

Ako dapat ang kasabay ni Ally ngayon.

Ako dapat ang maging honey niya.

Ako dapat iyon.

Sising-sisi ako ngayon. Ang babaeng minahal ko, ng higit sa buhay ko, ikakasal na sa iba. Magiging masaya na sa piling ng iba. Habang ako, durog na durog na. Hindi na kailan man mabubuo ang pusong ito.






____________________
plagiarism is a crime.

RANDOM STORIES COMPILATION (Short Stories)Where stories live. Discover now