Chapter 4

3 1 0
                                    

"Hindi 'yon dadating," 

Napalingon ako kay Jane na biglang nagsalita. Kinunotan ko lang siya ng noo. Pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Hindi siya dadating, yung lalaki! Ano nga name nun?! Azcavel? Azazel? Wag mo nang hintayin yun." ulit niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Well, It's been a week since Azrael---Wow? Close?--- and I talked here at the cafe. Ang sabi niya magkikita pa kami dahil sa pabor niya. Don't get me wrong! Hindi sa gusto ko siyang makita, curious lang ako sa pabor na hinihingi niya.

Palagi kaming pumupunta pagkatapos ng klase dito sa Coffee Shop dahil nandito yung nilalandi ni Jane na si Kristopher. Nagcha-chat na daw sila thru IG. Syempre, siya yung nagfirst move, makapal mukha nyan e'.

"Hindi ko siya hinahanap,"

"Talaga? Kaya pala napapahinto ka sa tuwing may taong papasok, akala mo, siya." Sabi niya saka tumawa.

"Hindi ah!" Tanggi ko.

"Crush mo?" Pang-iintriga niya. Napailing lang ako.

Tumambay kami ng ilang minuto dun sa coffee shop bago namin naisipan na bumalik na sa campus, bigla namang nagpaalam si Jane na aalis. Tumawag bigla yung Kuya niya. Magkikipagkita daw si kuya Jackson sa mall.


Naisipan ko na pumunta na muna sa library para mag-aral since mamaya pa naman ang pasok namin ni Jane. Good thing at wala si Jane, puro daldal lang naman yun. Hindi ako makakapag-concentrate.

Kinuha na muna ng librarian ang ID ko bago ako pinapasok. Iilan lang ang taong pumupunta dito kung kaya't napakatahimik. May pupunta lang dito kapag may research o di kaya'y makikiwifi, o magpapa-aircon. Hinanap ko muna ang librong aaralin ko sa may geographic section.

Ayun!

Kaso nasa taas.

Timingkayad ako para abutin yun. Pilit ko yung inaabot nang biglang may kumuha na ng libro. Napalingon ako at nagulat nang makita si Brix sa likod ko.

"Here," aniya at inabot sa'kin ang libro.

Napatulala naman ako saglit.

"T-thank you," ngumiti lang ako saglit sa kanya, ngumiti naman siya pabalik. Agad kong hinila ang isang monoblock chair at umupo sa may mesa.

Lumipat si Brix tapat ko at naghanap ng libro sa kabilang shelf. May kinuha siyang libro sa shelf at agad umupo sa harapan ko.

Aish! 'Di ako makapagconcentrate lalo na't nasa harapan ko siya. Naalala ko bigla yung nangyari sa may cafeteria, nung biglang sumigaw si Jane na crush ko si Brix. Nakilala niya kaya ako? Sana naman hindi. Nakakahiya!

Sumulyap ako saglit sa kanya, binabasa niya ngayon yung librong tungkol sa law. Ewan, basta yun yung binasa niya.

Napatingin siya sa'kin kaya napatingin rin ako sa kanya. Ngumiti lang ako saka bumalik ulit sa pagbabasa.

I don't know but it feels strange when he's here. Nakaka-kaba. He's here in front of me! Siguro mababaw lang to para sa inyo pero napakabig deal sa'kin na makasama ko siya dito. Seeing your Idol studying in front of you! Ugh! Pwede bang mahimatay saglit?

Pinigilan ko nalang yung sarili ko na mapatili. Tahimik lang kaming nag-aaral nang biglang tumunog ang cellphone ko. The intro of 'Playdate' by Melanie Martinez suddenly played.

Shit. May tumatawag! Hindi ko na mute yung cellphone ko!

Napatigil sa pagbabasa si Brix kaya agad kong hinanap ang phone ko, kinapa ko ang bulsa ko pero wala. Kaagad kong kinuha ang cellphone sa bag ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Death Meets LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon