Chapter 1

7 2 0
                                    

Lahat nasa kanya-kanyang mga klase na samantalang ako tamad na tamad bumangon! Okay lang naman siguro na 'di pumasok sa first subject, no? Tutal minor subject naman yung first subject namin na nagpapakafeeling major sub.


Nakipagtitigan muna ako sa puting kisame bago ko naisipan na maligo. It's monday! Pero yung utak ko nasa sabado pa. Kung pwede lang na hindi pumasok ginawa ko na! Nakakaumay rin makita si Ma'am Leonor.

Pumasok na ako sa banyo. Konting wisik lang ng tubig---viola! tapos na! Nag-ayos na muna ako ng sarili bago ako bumaba para kumain.

Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ni Tobi. Inakay ko siya saka dumeretso agad sa kusina. Napalingon naman si mama na naghahanda ng pagkain sa'kin. Kinunotan niya ako ng noo.

"Oh, bat ngayon ka lang bumaba?" Sabi ni mama saka inilapag sa mesa ang pagkaing dala niya. "Alas otso na ah? Diba eight simula ng klase mo?!"

"Late na'ko nagising. Pano ba naman kasi andaming kong project! Nakatulog ako 12 na!" Pagdadahilan ko. Inilapag ko si Tobi sa sahig saka umupo sa silya. Kaagad akong pinagsingkitan ng mata ni mama.

Yun naman talaga ang ginawa ko kagabi kaya late ako nakatulog! Gumawa ako ng project tas nagnetflix kaya midnight na nakatulog. Tsaka ngayon lang naman ako magcucut sa first sub!

"Oh sya! Bilisan mo nang kumain dyan baka malate ka lalo!"

Malapit na mag 9 nang makarating ako sa skwelahan. Muntik akong di papasukin ng Guard dahil wala daw akong ID! Mabuti nalang at napakiusapan ko yung guard kaya nakapasok rin.

Patungo na sana ako sa Cafeteria ng may tumawag sa'kin.

"Cass!" Napalingon ako at nakita si Jane na kakababa lang ng hagdan. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya. Yakap-yakap niya ang librong dala niya, nakaglasses tsaka may bangs. Aakalain mong nerd dahil sa ayos niya. "Hey, Wala ka kanina ah?"

"Late ako nagising," sagot ko sa kanya. Sinabayan naman niya ako ng lakad.

Jane is my friend since freshmen ako dito sa university. We're both taking tourism tapos scholar ako. Akala ko nga nerd siya dahil sa ayos niya nung una kaming magkakilala, mukhang mahinhin, 'di makabasag pinggan tapos bigla nalang naging wild ang gaga, ewan ko ba sa babaeng 'yan.

"Anong ginawa niyo?" Tanong ko, habang naglakad pupunta sa susunod na klase namin.

"May pasurprise quiz si ma'am Leonor dzaii!"

"Anong surprise? E', palagi namang nagpapaquiz yun." Araw-araw nga yun nagpapaquiz! Pati nga nung first day namin may quiz siya! Iba talaga pagminor nafe-feeling major e'.

"Gaga! Surprise quiz talaga! Surprise nga kami kasi hindi naman siya nagtuturo pero may quiz! Kulelat grades namin!" Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Iba din kasi si Ma'am Leonor e', kailangan talaga mag advance lesson ka, kundi tres aabutin mo!

Pumasok na kami sa klase namin. It was just a normal day. Boring lectures, surprise quizzes, at kung ano pang kababalaghan ang pinag-gagawa sa'min. Being in college sucks! Nakakapagod, nakakastress, palaging nagca-cram.

The bell suddenly rang, senyales na uwian na. Iniligpit ko ang mga gamit ko saka lumabas na ng room kasama si Jane.

"Saan ka?" Tanong niya.

"Main. Ikaw?"

"2nd gate. May kikitain ako." Tumango lang ako sa kanya. "See you tomorrow!" Aniya saka kumaway at umalis na.

Siguro maglalakad nalang ako pauwi. Walking distance rin lang naman yung bahay namin mula rito. Madami rin namang estudyanteng naglalakad kaya okay lang.

I put my earphones on and plays a music in my phone while walking off the streets. The song "Recess" by Melanie Martinez suddenly hit up! Oh, I love her songs! Stan Melanie for brighter future!

I was humming that song while holding the strap of my bag.

Nang makarating ako sa may intersection ay agad akong huminto sa may pedestrian. Marami ring estudyante ang naghihintay na tumawid sa kabila.

The traffic lights turned red as if our cue to cross the road.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Just say, Recess I'm tired~♪"

The song ended. Suddenly we hear a loud crash. Napalingon naman kaming lahat sa pinanggalingan ng tunog. Napatigil kami at napalingon sa pinanggaligan ng tunog.

Biglang pumalibot ang mga tao 'di kalayuan. Nakipagsiksikan naman ako dahil na curious sa kung anong nangyayari. Nang makarating sa unahan ay agad kong nakita ang isang sasakyan na nabangga sa isang poste.

Umuusok ang kotse, nabasag ang windshield dahil sa lakas ng impact. Lumapit ang ilang tao roon para tingnan kung okay ba yung driver na nakasakay roon. Binuksan nila ang pinto nang sasakyan at nakita ang katawan ng isang lalaki.

Walang malay.

Puno ng dugo.

I hear the other gasped.

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

"Oh my Goodness!"

"Buhay pa ba 'yan?"

Napatingin ulit ako sa lalaki.

He's full of blood. He's eyes are already shut.

Is he dead?

Biglang nalang sumakit yung ulo ko kaya naisipan kong umalis na.

"Excuse me po," sabi ko habang hawak ang ulo ko. Nahihilo ako. "Padaan."

Bakit ba andaming tao rito? Andaming chismosa ah?! Aish! Manonood pa ako ng Netflix e'! May ilang tao na tumabi para bigyan ako ng daan.

I was saying "Excuse me," when someone just stood there and ignored me. He's blocking my way!

"Excuse me po, padaan," ulit ko pero hindi siya umimik. Bingi ba to? Nakatingin lang siya dun sa lalaking naaksidente na parang ewan.

Nakapamulsa pa siya habang yung isang kamay niya ay hawak-hawak ang isang itim na notebook at isang ballpen. Nakablack pants at long sleeve polo. He looks good by his posture and he's kinda handsome. Well that's the least of my concern, kailangan ko nang umalis.

"Tabi!" Napasigaw ako dahil sa inis. Antagal namang tumabi, gusto ko nang makauwi!

He looked at me with his bored look. With that stare I feel a chill down on my spine. Lahat ata ng balahibo ko nagsitayuan. His face were emotionless. His presence were enough to intimidate you.

"Dadaan ako, tabi!" Sabi ko ulit sa kanya ngunit hindi parin siya tumabi.

Problema nito? Tinitigan niya lang ako.

Dark Eyes.

Napahawak ulit ako sa ulo ko. Nahihilo na talaga ako. Kailagan ko nang makauwi.

He just stare at me for a second before he gave me a way. Dali-dali naman akong umalis.

Hindi pa man ako nakakalayo ay lumingon ako ulit dun sa lalaki. He was standing there. He was staring at me.

Weird.

When Death Meets LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon