Chapter 2

3 1 0
                                    

Alas syete palang nang umaga nang umalis ako sa bahay. Alas otso pa yung simula ng klase ko.

Naisipan kong maglakad nalang papuntang skwelahan. Palagi kasi akong nagco-commute kahit na malapit lang ang bahay namin sa University.

Dumaan ako sa may Beunavesta Avenue, malapit sa 2nd gate ng school. Mas malapit yung main gate e, kaso trip kong dumaan sa 2nd gate ng school. Marami naring tao since rush hour mamaya kaya may iba na maaga para makapasok agad sa trabaho nila.

Nagsusuot pa ako ng earphone nang napatigil ako nang makarinig ako ng may nagchi-chismisan. Nakatingin sila dun sa taas ng building.

"Magpapakamatay ba yan?"

"Mukhang tatalon beh,"

Napatingin din ako dun sa taas ng building. Napasinghap ako nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa gilid at nakatingin lang sa baba. Goodness! Is he planning to suicide?

Kahapon lang may aksidente tas ngayon naman may suicide na magaganap?! Kahit saan ako magpunta may nangyayaring masama! Ang aga-aga!

Nakita kong may sinasabi yung lalaki sa taas. Mukhang may tao rin sa taas na pinipigilan siyang tumalon. Dumadami na rin yung tao dito na nakichismis. Parang may shooting bigla! Lahat ng tao kinukunan yung lalaking balak tumalon! Errr! Ako yung kinakabahan e, ang taas ng pagbabagsakan niya kung sakaling tatalon siya. Dapat umalis na ako eh! Baka tumalon pa yung lalaki at makita ko ang katawan niya na nakahandusay sa daan!

Mas lalo pang dumoble ang kaba ko nang may nagsalita malapit sa tenga ko.

"Tch. People, sometimes think ending their life will solve their shits in life." Napalingon ako sa katabi ko. Siya yung lalaki kahapon diba? Yung sa bungguan sa may Morayta! Yung tinitigan lang ako na parang tanga. Nakatingala lang siya at nakatingin dun sa lalaking nakatayo sa taas ng building. "They didn't know they're just making their situation worst. Pathetic."

Is he talking to me?

Napatingin ulit ako sa taas. Napasinghap kaming lahat nang biglang tumalon yung lalaki! Mabuti nalang at may humatak sa kanya pabalik. That was close!

"Tsk. I thought there will be a bloody scene here." Aniya kaya napatingin ako sa kanya saka sa relo ko.

Shit! 7:55 na! Ang aga ko nagising tapos malalate ako?

Paalis na sana ako nang tinawag ako nung lalaki.

"Cassandra Gomez." Napahinto naman ako. Biglang nagsitayuan ang mga balhibo ko nang binanggit niya ang pangalan ko.

Okaay.

I'm done here. Is he a stalker or something? Pano niya nalaman ang pangalan ko?

Bigla nalang siyang may dinukot mula sa bulsa niya at agad inihagis ito sa'kin, mabuti nalang at nasalo ko. Kaagad naglakad paalis yung lalaki habang nakapamulsa pa. Napatingin ako dun sa ibinigay niya.

ID.

I'm out of my mind in the entire class after what happened. Biglang hindi gumana yung brain cells ko kanina tapos nangungulit pa si Jane. Lutang lang ako hanggang ngayong lunchbreak. He knew my name! Hindi naman big deal sa'kin yun pero ang creepy ng lalaking yun.

"Hoy! Nakikinig ka ba?!"

"Ha?" Sabi ko nang tinapik ako ni Jane.

"Hakdog! May exam mamaya si Prof. Samuel, nag-aral kaba?" Tanong ni Jane saka napahigop sa binili niyang milktea. Tumango ako. Mukhang mangungopya na naman ang isang yan. "Pakopya ako ah?!" Walang ano-ano'y sabi niya.

Tumango nalang ako para hindi niya ako kulitin. Palagi namang nangungopya yan.

"Nga pala, samahan mo'ko mamaya coffee shop, ah." Aniya saka kumindat.

When Death Meets LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon