Kabanata 2

9 3 0
                                    

"Fuck!"


Hulas kong usal at pilit na hinahabol ang hininga. Tinukod ko ang kamay ko sa tuhod ko at mistulang nakatuwad sa daan. Ipinagod ako ng lalaking 'yon sa paghabol ko sa kanya. Gwapo kaya kahabol-habol eh! I just did it because may atraso siya sa akin!


But I bailed on my friends and my captains, wala na ata akong mukhang ihaharap sa kanila. I gave up following him when he turned his car away at mapapalayo ako ng daan. I thought he's going to park somewhere near kaya sinubukan kong habulin.


And from his get-up, maybe this guy came from some casino. He looked so rich, naaamoy ko pa rin 'yong pabango niya kagabi. I can't figure out what it is but it maybe more than thousand dollars.


Ganoon siya kayaman!


And speaking of mayaman, there's a lot of asukal de papa around, but I still have my respect and decency so goodbye, pero kung may irereto sa akin? Why not? I still can separate my work life and personal life. Kapag personal life, walang pakilamanan!


[Hoy, Ysabelle! Pupuntahan mo pa ba kami rito? We're waiting for you, itong mga gwapo nating piloto kanina ka pa hinahanap!] Tanong ni Dimmer, kausap ko sa phone.


Muli akong humugot ng hininga. Pero natigilan ako kasi mukhang may umutot na dumaan sa paligid ko. Napalingon pa ako sa mga grupo ng babae na halos kita na ang mga kuyukot nila sa iikli ng mga suot na super-short shorts. Ano 'to, ready bukaka, agad?


Parang slide the pants out and bring home the talong!


"No, Dimmer, I don't think I'll be joining you guys tonight. Nahihiya na ako kina Captain so might as well, bumalik na lang din ako sa hotel natin. I-take out niyo na lang ako, ah!"


[Ysabelle Natasha! Baka ikaw ang i-take out diyan ng mga sugar daddy, ah! Naku, sinasabi ko sa 'yo! Nandito ka for work, not to find a relationship! Wala nang nagtatagal ngayon, jusko.] Halatang problemado si Dimmer sa kabilang linya. [Ano namang sasabihin ko rito kay Cap? Kainis kang babae ka! Ako pa pinahihirapan mo!"]


She wanted to push to me join them pero ayokong humarap sa kanila ngayon. I'm too exhausted right now, hulas na hulas na ang make up ko. Gosh, ang mahal pa naman ng James Charles Pallette na nabili ko!


Humalakhak naman ako ng tawa. "Problema mo na 'yan, Dimmer! Sabihin mo na lang may biglaang LBM ako, hindi na kinaya! Sumirit na kamo kaya ako tumakbo ako palayo!"


[Okay, fine!] Kahit hindi ko nakikita si Dimmer, ramdam ko ang pag-ikot ng mata niya. [So, nasaan ka na ngayon? Babalik ka na nga ba ng hotel? Or mag-iikot ikot ka diyan? Bawal lumandi, ah!]


"Of course not! Hindi ako lalandi 'no! Hindi nga ako sure kung may asawa na ako, lalandi pa ba ako?! Mahanap ko lang 'yong putaragis na 'yon, masasampulan talaga sa 'kin 'yon!" Panggigil ko pa. Halos kagatin ko na ang labi ko at kulang na lang ay magdugo. "Pero susubukan kong pumunta sa Tiffany & Co."


[Oh, okay, anong gagawin mo do'n? Isusuli mo ba 'yong singsing mo?]


Flying through the Boulevard (Bons Amis Series #4)Where stories live. Discover now