I watched him go upstairs and then I faced my family and friends as I announced that I'll be taking them all to their temporary rooms until the wedding day. Mostly ang rooms ay nasa second-floor ng Mansion. There are a few rooms sa first floor pero Damon said to bring them to the comfortable rooms in his mansion. I think there are roughly ten rooms on this floor. Hindi ko pa napuntahan ang iba dahil nakakapagod din lakbayin ang bahay niya.
As we walked upstairs, una naming nadaanan ang magiging kwarto nina Nixton at Dimmer. All their luggage and stuff ay nasa service elevator na at ihahatid na lang ng mga staff iyon sa mga kanya-kanyang kwarto.
Tinuro ko ang pinto sa dalawa at iniwan ko muna sila para dalhin ang parents ko at si Yosh sa kanilang kwarto. It was just next to their room and it's big as hell as well. Though I can't compare it to the master's bedroom because this is just the usual size of every room in the mansion. Umikot naman ang mga mata nina mama at papa. Of course, they haven't been inside any mansions before. First time ito para sa kanila. And I wouldn't like to tell them how my first time was here. It's embarrassing!
"Grabe, Ysabelle. Napakalaki nito," hindi makapaniwalang usal ni mama.
"Totoo ba talaga na rito kami tutuloy ng ilang araw at gabi?" Tanong naman ni Papa sa akin.
Tumango ako at ikinulong ko ang braso ko sa kanilang dalawa. "This is true, and this is happening. I know my decision was kind of abrupt, but I've been thinking about it thoroughly. At nandito na lang din naman tayo sa Vegas, don't mind all the negative stuff. Enjoy na lang natin ang mansion at pwede kayong mag-ikot sa city. I'll let Yosh take you guys with you."
"Yes naman!" waging-waging tugon ni Yosh. "Teka, Ate, kasama ba ako nila rito sa kwarto? Or I'll be having my own room too?"
Umiling ako. "No, you'll be having your own room."
"Tara na! Gusto ko ng makita!" Sabik niyang tugon sa akin. Pinagmamadali pa ako.
Before we head out of the room, may kumatok sa pintuan ng ng sinilip ni Yosh kung sino iyon ay ang staff lang pala dala dala ang mga maleta nila. Pinasok naman nila iyon at itinabi sa isang gilid. While they were busy, hinatak na ako ni Yosh papunta sa magiging kwarto niya. Nasa tabi lang din naman iyon. Magkakasunod lang naman ang mga kwarto sa hallway kaya hindi mahirap hanapin. I would be staying in Damon's room anyway.
I let Yosh open his room for him at nagtatalon-talon naman ito ng makapasok sa loob. Bigla siyang sumalampak sa higaan na agad ko namang sinita. Hindi naman niya ako pinakinggan at patuloy na lumundag-lundag sa kama. Lumapit ako at kinuha ko ang unan para paulin siya at patigiiln sa ginagawa niya.
"Makasira ka pa ng gamit!" Paninira ko pa.
Kumalma naman siya at huminahon. "Ano naman? Mapapalitan din naman agad kapag nasira, e."
"Magdadalhilan ka pa, e! Ni hindi ko pa nga asawa 'yong tao, makakasira ka kaagad. Wala tayong pampabayad diyan. Dolyar 'yan! Mabubutas ang bulsa ko riyan!"
"Ito naman si ate! Ang KJ!" Sagot nito sa akin.
YOU ARE READING
Flying through the Boulevard (Bons Amis Series #4)
Teen FictionBONS AMIS SERIES #4 Damon, a rich ass from Vegas, had a very bright future for himself because of wealth. Afterwards, he met Ysabelle who had a lay-over at Vegas. Cover is not mine. Credits to the rightful owners.