Payapa at masiyahin ang buhay ni Althea.Enjoy sya sa araw-araw nyang buhay, pero nasira iyon ng may ipakilala sakanya ang kanyang mga magulang, at nung lumipat sya sa Maxwell University.
Hindi lang ang isang kinakainisan nya na lalaki ang nakita nya, kundi may mga iba pa pala syang mga kakainisan.
Nag simula ito noong pinatawag sya ng mga magulang nya para mag meeting sa kanilang CTL Group company building.
"Anak, meet Kenneth." Ani Marie, ang ina ni Thea.
Kahit hindi komportable ay ngumiti nalang si Thea at inabot ang kamay nya, "Hi, I'm Althea Mitch Castillo, but you can call me Thea."
Hindi sumagot si Kenneth, umirap lang ito at tinignan ang kamay ni Thea na makikipag kilala sana sakanya.
'Aba! Ang sungit!' sabi ni Thea sa kanyang isipan pero nag bigay parin ito ng plastik na ngiti.
"Kenneth anak, be nice!" Bulong ni Trisha, ang nanay ni Kenneth sabay siko pa nya dito.
Dahil sa pag pipilit ng magulang, napa buntong hininga nalang si Kenneth at sinagi na lang ang kamay ni Thea gamit ang kanang kamay. "Kenneth."
Agad na ibinaba na ni Thea ang kamay nya dahil dito. 'Naiinis na ako sa lalaking to ah.' Pag bibigay nya ng masamang tingin kay Kenneth.
Tumawa ng bahagya si Anthony, ang tatay ni Kenneth. "Sorry, sadyang cold at mahiyain lang talaga itong panganay namin,"
Nakitawa din ng bahagya ang ama ni Thea na si Marco, "It's okay, naiintindihan naman namin. Ganyan talaga ang mga kabataan ngayon."
"So, what do you guys want to do or happen?" Malamig na tugon ni Kenneth habang naka upo sa harap ni Thea.
Dito na medyo kinabahan ang mga magulang nila.
"Anak, we want you two to get together." Ani Marie at nakipag tinginan sa mga magulang ni Kenneth.
"WHAT?!" Sabay na sigaw ng dalawa.
"Hell no! I don't even know her!" Napakunot ang mga kilay ni Kenneth.
"Ken, we need it para sa companya natin. Mas lalaki ang companya natin nila Tita Marie mo kapag naging mag asawa kayo ni Thea at pinag-isa ang dalawang pinaka malaking food company sa pilipinas." Pag papa kalma ni Trisha sa kanyang anak.
Napatayo si Kenneth, "Are you saying that I'm having a forced marriage?!"
"It doesn't have to be forced, Kenneth. Subukan nyo mag sama at baka magustuhan nyo din ang isa't isa." Ani Anthony.
Tumayo na din si Thea, "Asawa agad?! Eh hindi pa nga ako nakakatapos ng college eh!"
"Pag katapos nyo mag aral kase, Thea." Maikling sagot ni Marco sakanyang anak.
"Thea please lang, sumunod nalang kayo. Para na din to sa mas nakaka buti sainyong dalawa." Sabi pa ni Marie habang patuloy na pinipilit si Thea.
Napakamot ng ulo si Thea at tumingin sakanyang mga magulang habang nakatayo. "Wag nyo na pilitin dahil hinding hindi ko sya magugustuhan!"
"Ayaw ko sakanya noh, napaka cold at sungit, kala mo naman kataas taasan!" dagdag pa niya at lumipat ang masama nyang tingin kay Kenneth.Itinuro ni Kenneth ang kanyang sarili habang naka kunot-noo, "Sa tingin mo gusto ko din sayo?! Napaka lakas kaya ng bunganga mo at oo kataas taasan ako!"
"Aba! Ang yabang mo!"
"Kenneth! Thea!" Pag susuway ni Anthony sa dalawa. "Tumigil nga kayo, hindi tayo nag punta dito para mag away kayo!"
Lumipat kay Anthony ang tingin ni Thea. "Sorry Tito, pero hindi din po ako pumunta dito para mapakasalan ang bwiset na to."
Sinagi ni Marie ang braso ng kanyang anak. "Thea! Respeto naman oh!"
Hindi na nakaya ni Kenneth ang kanyang inis, umalis na ito ng opisina ni Marie at tumungo sa elevator para tuluyan na itong umalis. "Kenneth! Bumalik ka dito!" Pero hindi nakinig si Kenneth.
Sobrang nainis na din si Thea kaya umalis na din ito. "Thea! Isa!"
Tumungo na din si Thea sa elevator at nag kataon na nandun pa pala si Kenneth at hindi pa nakaka alis.
"Oh? Bat ka andito?" Napa taas ang isang kilay ni Kenneth.
Dun lang napansin ni Thea na kasama pala nya si Kenneth sa isang elevator. Napa tadyak ito ng malakas at nag marcha sa kabilang elevator, "Aish! Pati ba naman sa elevator mamalasin ako!"
Napa atras si Thea, 'Teka, bat ako pa ang mag a-adjust eh building namin to?' Babalik pa sana si Thea para si Kenneth ang paalisin pero huli na ang lahat ng sumara na ang elevator. "Bwisit ka!"
Simula ng araw na iyon, palagi ng naiinis si Thea dahil pinipilit parin sya ng mga magulang nya.
Nag papa-wala nalang ng stress sakanya ang isipan na malapit na sya makapasok sa kanyang dream school, Maxwell University.
Pakiramdam nya ay magiging masaya sya once na maka tapak na sya sa eskwelahan na iyon kasama ang kanyang best friend na si Yanna.
Ang hindi nya alam, mas magiging impyerno pala ang buhay nya sa oras na tumapak na sya sa Maxwell University.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove
FanficWho would've known that the "heaven" you've been dreaming of would be your living hell? *** Disclaimer: This book is a work of fiction and the language is tagalog.