4| Resto

4 1 0
                                    


"Sa wakas!" Hinihingal na sabi ni Thea matapos nilang tumakbo galing sa Maxwell University. Naka takas na sila at parang hindi naman iyon napansin ng mga guardya dahil abala sila sa isang estudyante na huling pumasok.

Sabay na tumatakbo si Kenneth at Thea palayo sa university at pumunta sa lokasyon na pag kikitahan nila ng driver ni Kenneth

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sabay na tumatakbo si Kenneth at Thea palayo sa university at pumunta sa lokasyon na pag kikitahan nila ng driver ni Kenneth. Tinawagan kasi ni Kenneth ang pinaka malapit nyang driver na pumunta doon.

"Nahirapan tayo dahil sayo eh!" Inis na sumbat naman ni Kenneth habang nag hihintay ang driver.

Makikipag talo pa sana si Thea ng napa isip sya. "Teka, bakit ka ba nandidito?"

"Wala ka na dun." Malamig na tugon ni Kenneth habang naka iwas ng tingin.

Napa kunot noo si Thea. "Edi don't."

"Eh ikaw? Bakit ka nasa damuhan na parang daga?" Tanong ng binata.

"May pupuntahan ako."

"Then go. What the hell are you still doing here?" Ani Kenneth habang naka iwas tingin. Hinintay nitong umalis si Thea pero nagulat ito ng hindi siya umalis.

"I can't go."

"Huh?" Napa tingin si Kenneth sa kanya habang naguguluhan. Nagulat nalang ito ng biglang tumaas ang kamay nilang dalawa.

Tinaas ni Thea ang kamay nyang hawak-hawak parin ni Kenneth hanggang ngayon at ngumiti ito ng mapait. "Eh baka lang naman gusto mo ng bitawan kamay ko, ano?"

Biglaang binitawan ni Kenneth ang hawak nyang kamay sabay napa ubo ito at nag iwas tingin. "I forgot."

Nang bitawan na ni Kenneth ang kanyang kamay, agad ng umalis si Thea ng wala man lang paalam.

"Aish, ang bobo mo Kenneth." Ani Kenneth sabay sapak sasarili.

Habang tinatanaw si Thea na umalis, saktong dumating ang driver niya at agad na din pumasok bago pa ito mahuli.

"Saan po ang punta niyo sir?" Tanong ng kanyang driver na nakatingin sa salamin.

Umupo muna ng maayos ang binata at inayos ang seatbelt bago mag salita. Nginitian nya ang kanyang driver.

"Sa resto namin na pinaka malapit dito. Finest Dining Restaurant."















"Rey, slow down." Mahimbing na utos nya sa kanyang driver na si Rey ng madaanan nila si Thea na tumatakbo.

Makikita sa kotse ni Kenneth na pagod ng tumakbo si Thea kaya nag lakad nalang ito. Tumawa ito ng mapait habang pinapanood si Thea na nag hihirap.

"I still remember what you told me when we first met..." Bulong ni Kenneth sa kanyang sarili na parang si Thea ang kausap nya.

"Sa tingin ko na kataas taasan ako? Well, kita mo naman na siguro sa school ngayon. Ipaparamdam ko sayo ang kataasan ko." Sabi ni Kenneth sa kanyang isipan.

Unexpectedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon