(A/N: Please kindly read the prologue and characters profile before reading this to avoid any confusions.)"Hoy buraot, asan ka na? Kanina pa kita hinihintay dito." Tanong ni Thea sa kanyang kausap sa telepono na si Yanna.
Hinihintay kase ngayon ni Thea ang kanyang best friend sa kotse nila na ginagamit pang hatid-sundo kay Thea na nasa tapat na ngayon ng bahay nila Yanna.
"Teka lang, eto na oh. My gosh hindi ka talaga maka pag hintay." Sagot naman ni Yanna.
Napa kamot ng ulo si Thea. "Alam mo naman kase na excited na ako, matagal ko na kayang gusto maka pasok dun."
Nagulat ng bigla si Thea ng bigla nalang patayin ni Yanna ang tawag nilang dalawa at kumatok agad ito sa bintana ng sasakyan.
"Andito na po, tara na manong." Sabi ni Yanna sa driver ni Thea habang pumapasok sa sasakyan kasama ang mga gamit nya na kakaylanganin sa dorm nila.
Tuluyan ng nakapasok si Yanna at isinara ang cover sa binatana ng sasakyan nila Thea.
"Ang bagal mo talaga kumilos kahit kaylan."
Hindi muna ito pinansin ni Yanna dahil may kinakalkal pa ito sa bag. Dali-dali nyang kinuha ang kanyang blush at nag umpisa ng ayusin ang muka.
"May chika ka?" Tanong ni Yanna habang nag ba-blush on.
Napataas ang kilay ni Thea. "Bat ako tinatanong mo? Nawalan ka ba ng chika? Aba himala."
"Wala eh, nasabi ko na lahat sayo kagabi." ani Yanna ng ibalik nito ang blush on sa kanyang bag.
Napa buntong hininga si Thea. "Meron pero nakakainis."
Tinignan ni Yanna ang kanyang best friend upang ipa-halata na nag aantay ito ng kanyang sasabihin.
Nawalan nanaman si Thea sa mood ng maalala nya ang mga nangyare. "Kilala mo yung OC Group diba? Eh ito namang sila mama at yung nag mamay-ari ng OC Group, pinapunta ako sa opisina kagabi dahil may ipapakilala daw na lalaki."
"Tapos?"
"Unang tingin ko palang sakanya napaka sungit na agad kala mo naman kung sino. Ang mas masaklap pa, gusto nilang maging kame ng anak ng OC Group. Si Kenneth Dane Ocampo. Para daw mag pakasal at ipag sama yung companies namin." pag ke-kwento ni Thea at umirap pa ito.
Napa takip si Yanna ng kanyang bunganga ng matapos ang sinasabi ni Thea. "Gwapo?"
Tinignan ni Thea si Yanna at umirap, "Sa lahat ng pwede mong sabihin yan pa talaga?"
Napatawa si Yanna at kinalabit ang braso ni Thea. "Gwapo nga ba??"
"Hay nako! Ewan ko sa iba pero para saakin hindi. Kung gusto mo edi sayong sayo na yon ikaw nalang mag pakasal dun dahil wala akong gusto dun!" inis na sabi ni Thea.
"Napaka KJ mo naman, nag tatanong lang eh. Ay by the way tara agad sa cafetaria mamaya, diba sabi mo hindi ka pa kumakain? Ako rin eh." pag i-iba ng topic ni Yanna.
"Oh tapos? Mag papalibre ka nanaman?"
"Hindi naman ako ganoon ka-buraot ah! Pero sige, pwede din." Dahil sa sinabi ni Yanna ay muntik na itong masapak ni Thea pero buti nalang ay nag salita ang kanyang driver.
"Ma'am, andito na po tayo. Maxwell University."
"Tol kanina pa kaya kami nag hihintay dito bat ang tagal mo?" Tanong ni Ian ng makita na si Kenneth habang pa pasok sa klase nila. "Hindi ka din umuwi ng dorm kagabi, anong ginawa mo?"

BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove
Fiksi PenggemarWho would've known that the "heaven" you've been dreaming of would be your living hell? *** Disclaimer: This book is a work of fiction and the language is tagalog.