"Would you mind explaining yourselves, Mr. Ocampo and Ms. Castillo?" Naka angat ang kaliwang kilay ni Mrs. Ignacio habang naka upo sa swivel chair.Naka tayo sina Thea at Kenneth sa tapat ng kanilang professor at halatang walang balak mag salita. Kasalukuyang nasa classroom nila sila ngayon habang nag lilinis naman ang ibang kaibigan sa mismong room na iyon.
Imbes na sumagot, napatingin si Thea kila Yanna, Janice, at Kyle na nag lilinis sa kanilang classroom. Pati na din si Kenneth ay pa sikretong sinulyapan si Kyle. Ang iba naman ay sa ibang room nag lilinis at sa labas para sa kanilang detention.
"Hello? Wala sakanila ang sagot. Saakin kayo tumingin at sabihin niyo kung ano ang nangyari." Ani Ms. Ignacio habag nakatitig sa dalawa.
"Ah- kasi po-" Mag sasalita na sana si Thea ng bigla din nag salita ang kanyang katabi na si Kenneth.
"I'm sorry Mrs. Ignacio. Ako po mag isa ang lumabas. Hindi ko po kasama si Thea. Sadyang sabay lang po kami bumalik." Pag rarason ni Kenneth na walang ekspresiyon sa mukha.
Pinag balik tingin ni Mrs. Ignacio ang dalawa. Halatang hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi. "At saan ka naman napunta when you were supposed to stay there?"
Tumingin si Thea kay Kenneth at parang nag aalala kung masasagot ba ni Kenneth ang tanong ng maayos.
"I didn't want to clean. But I decided to go back."
'Bakit naman pa-simple lang siyang sumagot? Ahh, siguro kasi ilang beses na ito nangyari sakanila.'
Lumipat naman ang tingin ni Mrs. Ignacio kay Thea. "And you, Althea?"
"Uhm... Ano po kasi-"
Imbes na mag explain si Thea, sumingit ulit si Kenneth. "Nakita ko po siya kanina, may kinuhang pagkain. Nag order po ata before she got in trouble."
"Is that true, Althea?" Tanong naman ng kanilang professor.
Napaka kunot ng noo si Thea at tinignan si Kenneth na wala paring ekspresiyon sa mukha. Pero dahil wala din naman siya maisip, napa tango nalang siya. "Y- Yes po."
Bumuntong hininga si Mrs. Ignacio at tumayo. "Well, since you two broke my rules, I'm adding 1 more hour to your detention compared to the others."
"Tulungan nyo muna sila Janine dito sa classroom. Linisan nyo ng mabuti dito, dapat pag balik ko malinis. Ok?" Utos naman ni Ms Ignacio habang itinuturo ang mga latte ng classroom gamit ang kanyang daliri.
"Yun lang po?" Mahinang tanong ni Thea.
"No. Lilinisan niyo ang buong 3rd floor, maliban sa ibang classrooms since may cleaners naman sila. What I mean by that is, sa mga hallways pati na rin ang mga washroom sa floor na ito." Pa simpleng utos ni Mrs. Ignacio at saka umalis na ng classroom.
Nag tinginan ng masama yung dalawa at hindi na nag balak pang umalis dahil wala na din naman silang magagawa.
"Bakit mo naman ako tinulungan mag rason?" Tanong ni Thea at tinabig si Kenneth. Halatang nag tataka ito.
"I didn't do it for you, I did it for myself. Baka mamaya sabihin mo pa yung totoo at madamay pa ako."
Dahan dahan namang lumapit sila Thea at Kenneth sa mga kaibigang nag lilinis sa room.
Napatigil si Yanna sa kanyang pag lilinis. "Hoy kayong dalawa. Ano nangyari sainyo? Ha? Nag kasama kayo ano? Nag sinungaling kayo sa teacher nyo ano? Sumagot kayo-"
"Shut up. I don't have to explain anything to you." Malamig na pag sasabi ni Kenneth.
"Luh, ang sungit naman neto. Eh kung sapakin kaya ki—"

BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove
FanfictionWho would've known that the "heaven" you've been dreaming of would be your living hell? *** Disclaimer: This book is a work of fiction and the language is tagalog.