Chapter 4

213 10 0
                                    

****

RAMDAM NI DEVON ang pasimpleng pagsulyap ni Khairro sa kanya habang nag-aayos sila sa kusina. Tinignan nya ang oras sa relo at kinuha ang cellphone

"Anong gusto mong kainin?" tanong nya kay Khairro

"Kainin? Magluluto ka?" takang tanong nito

"Gusto mong sumabog yung kusina? Pwede naman" nakangiting sabi nya

"Sa bahay nalang tayo kumain" sabi nito na kinakunot ng noo nya

"Nang ganito ang itsura ko?" sabi nya at umiling "Nakakahiya sa parents mo. Umorder nalang tayo. Ano bang gusto mo?"

"Okay ako sa kahit ano" sabi nito

"Wala namang kahit ano na pagkain sa menu" natatawang sabi nya at tumawag sa isang restaurant

(Hey, Devon. It's been a while)

"Bring me some food here in my new house" sabi nya at sinarado ang cup board

(Ngayon na?)

"Oo. For two persons"

(May kasama ka? Sino? Bago 'yan ah)

"Huwag ka ng magtanong. Pumunta ka nalang dito" sabi nya at binaba ang tawag

Tumingin sya sa labas mula sa salamin sa kusina at nilingon si Khairro. Kumuha sya ng tubig at inabot kay Khairro "Sa sala muna tayo habang hinihintay yung pagkain. Baka pagod ka na eh" sabi nya at lumabas na ng kusina

Bumuntong hininga sya at binagsak ang sarili sa single couch. Pinikit nya ang mga mata at pinagkrus ang braso at hita

Ramdam nya ang paglapit ni Khairro at naupo sa couch. Minulat nya ang mga mata at nilingon ito "Sabihin mo nga sakin, anong naisipan mo at tinulungan mo ako?"

"Wala lang. Naisip ko kasi in this way mas makikilala kita. Sa opisina kailangan natin ng closure kasi magkatrabaho tayo" sabi nito na kinatango nya "Bakit nga pala wala rito yung boyfriend mo?"

"May trabaho sya sa ospital. Hindi ko sya pwedeng istorbohin kung anong oras ko man gustuhin, surgeon sya kaya normal na busy sya" sabi nya at nginitian ito

"Was it hard to be a Doctor?" takang tanong nito

"Wala namang madaling trabaho" sabi nya at bumuntong hininga "Naninibago lang ako sa trabaho ko ngayon, nasanay kasi ako nagtitingin ng mga pasyente"

"Ilang taon ka na bang doktor?" tanong nito

"Tatlong taon na rin nung naging ganap na doktor ako. Pero since 20 years old ako, intern na ako kaya lagi na akong nasa ospital" sabi nya at hinawakan ang kwintas nya

"Ilang taon ka na ba?"

Napangiti sya sa tanong nito "28 na ako"

"Wala ka pang balak magpakasal? Girls doesn't like to say goodbye in the calendar" sabi nito

"Hindi ko alam. Nageenjoy pa ako sa trabaho ko eh" sabi nya

"Okay lang sa boyfriend mo 'yon?" tumango naman sya bilang sagot "Kung ako siguro ang boyfriend mo, pinakasalan na kita agad"

Napailing sya sa sinabi nito at napalingon sa pinto ng may magdoorbell doon. Kinuha nya ang wallet "Kukunin ko lang yung pagkain"

"Ako na" sabi nito at hinawakan sya sa braso ng tumayo sya

Napatingin sya sa kamay nitong nakahawak sa braso nya at walang emosyong tinignan si Khairro

"Just sit there. Ako na" sabi nito at lumabas na

Napatingin sya sa salamin na nasa sala at napakurap ng makitang walang emosyon ang mga mata nya. Naupo sya sa single couch at muling tumingin sa salamin

Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Meter, ang tracker ni Richee

(Hey, how are you?)

Napangiti sya at bumuntong hininga "Okay lang. May gusto lang akong sabi---wala pala. Bye" sabi nya at binaba ang tawag

Hinilot nya ang sentido at nilingon si Khairro ng makabalik na ito. Naupo ito sa mahabang couch at nilapag ang laman ng paper bag sa center table

"Let's eat" sabi nito at nginitian sya "Hindi ko alam na tapsihan pala yung tinawagan mo"

Natawa sya sa sinabi nito "May-ari ng restaurant yung tinawagan ko. Alam nya kasi na mahilig ako sa tapsilog, magkababata kami eh" sabi nya at nagumpisang kumain

"Hindi ka masyadong nagkukwento tungkol sa inyo ng boyfriend mo" sabi nito

"Kami ni Felix? Wala namang interesting sa kwento naming dalawa eh. Nag-aral ako sa ibang bansa para maging Doktor bumalik dito nung ganap na doktor na ko tapos naging kami ngayong taon lang" sabi nya at uminom ng tubig

"Hindi ba sya seloso?"

Umiling naman sya "May dapat ba syang ikaselos?"

Biglang tumayo si Khairro at naupo sa armrest nang single couch na kinauupuan nya. Inangat nito ang mukha nya at sinakop ang labi nya

Natigilan sya dahil sa ginawa nito at wala sa sariling tinulak ng malakas si Khairro. Napakurap sya dahil sa nagawa ni Khairro at agad na tinulungan itong tumayo na nahulog sa couch "Pasensya ka na, binigla mo kasi ako"

"It's okay. That's a normal reaction, I'm used to it" sabi nito na kinakurap nya

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong nya

"I'm an asshole"

Napatango sya at muling naupo sa single couch

"Bakit parang wala lang sayo? May boyfriend ka diba?" takang tanong nito

"Wala lang ang alin?" balik tanong nya rito

"I just kissed you" sabi nito na kinatango nya

"Kapag nagwala ako edi para na akong tanga nun. Saka hindi ako OA. Hindi seloso si Felix. Wala syang dapat ikaselos kasi wala akong gusto sayo" diretsyong sabi nya at nagpatuloy sa pagkain

"Paano ako? Gusto kita eh" sabi nito dahilan para matawa sya

Natatawang binaba nya ang hawak at tinignan si Khairro "Alam mo nasa isip mo lang yan kasi hinalikan kita kagabi. Pero walang ibig sabihin sakin 'yon kaya dapat ganun din sayo. Sabi mo, gago ka. Suck it up and be an asshole in front of me if you want"

"Sa tingin mo ba, ginagago kita?"

Tumayo sya at tinignan ng diretsyo sa mata si Khairro "Hindi totoo yang nararamdaman mo, nasa isip mo lang 'yan. Got it?" sabi nya at nginitian ito

"You're unbelievable" sabi nito at umalis na. Napakurap sya dahil sa ginawa nito at napailing. Nababaliw na ang isang 'yon

TINIGNAN NI DEVON si Khairro na nasa balkonahe ng kwarto nito. Napangisi sya ng makitang nagbabasa ito ng libro at mukhang inis na inis dahil kunot na kunot ang noo

Katatapos nya lang ayusin ang buong bahay at ngayon ay patungo na sya ng banyo ngunit hindi nya maiwasan na mapatingin kay Khairro

Nagtungo sya ng banyo matapos ang ilang minuto at naghugas ng katawan. Napatitig sya sa kanyang likod mula sa salamin at bumuntong hininga

Hinawakan nya ang tattoo na paru-paru sa likod at niyukom ang kamao. Babalikan kita...at sisiguraduhin kong magdudusa ka...hintayin mo ako...

An Angel's Life (AGENT SERIES #16)Where stories live. Discover now