Chapter 13

175 5 0
                                    

****

INAYOS NI DEVON ang mga gamit nya saka napatingin sa opisina ni Khairro ngunit wala paring lumalabas doon. Bumuntong hininga sya at nagtungo sa elevator

Kinuha nya ang cellphone sa bulsa ng pants na suot nya saka nagtinext si Khairro

'Khai, I'll go home na. I'll just wait for you in the house'

Binalik nya ang cellphone sa bulsa saka pinagkrus ang braso. Pagkababa ng elevator sa parking lot ay lumabas na sya at nagtungo sa motor nya. Nilabas nya ang susi at sumakay sa motor nya

Bumuntong hininga sya at sinabit ang bag na dala saka kinuha ang helmet nya. Napatigil sya sa akmang pagsusuot ng helmet ng makita si Khairro

Nangunot ang noo nya ng makita ang kasama nito. Albert Yangco...

Binuksan nya ang earpiece saka mabilis na sinuot ang helmet

"Albert Yangco is in the building"

"What building?"

"In Marques Company" sabi nya at nagmasid sa paligid "He's not alone. I can see some of his men"

"Estimate?"

"Less than fifty. One car on my 7 o'clock, another car on 9 o'clock and his car on my 12 o'clock" sabi nya at napahawak sa cellphone nya ng magvibrate ito

Nilabas nya iyon at nakitang si Khairro ang tumatawag. Fuck this! He's with Yangco...

Hinubad nya ang helmet at mabilis na bumalik sa building. Nagtungo sya sa banyo at sinagot ang tawag ni Khairro

(Babe, are you home?)

"Not yet" sabi nya at hinubad ang suot na blazer. Tinanggal nya ang pagkakaipit ng baba ng polo shirt na suot nya saka tinali ang ilalim nun "I dropped by a cafe"

(Hungry?)

"Kinda. You want something?" sabi nya saka nilugay ang buhok nya

(No. I'm just checking on you. I'll be late, is it okay?)

"Why?" tanong nya at lumabas ng banyo

(I'm gonna catch up with my good friend)

"Okay, take care" sabi nya at sumilip sa parking lot kung nasaan si Khairro at Albert

(Take care too. I'll see you later)

Binaba nya ang tawag saka binulsa ang cellphone nya. Sinuot nya ang mask at bumuntong hininga

"We're on the site. Gemini, are you still there?"

"I'm waiting for you cue, Einstein" sabi nya at nilabas ang baril na nakatago sa bag nya

"Don't kill the target" sabi nito na kinangisi nya

Then, I'll just hurt him....

Tinutok nya ang baril sa direksyon ni Albert

"Get him"

Mabilis nyang kinalabit ang gatilyo at nakitang tinamaan si Albert sa braso. Napangisi sya saka lumabas sa pinagtataguan. Mabilis syang nagtago sa isang kotse ng marinig ang sunod-sunod na putok ng baril sa gawi nya

Nakita nya kung paano pinasok sa loob ng kotse si Albert at Khairro. Mabilis nyang pinaputukan ang gulong kaya hindi ito nakaandar

Lumabas sya sa pinagtataguan saka tumakbo sa kotse kung nasaan si Albert. Mabilis nyang binuksan ang pinto at tinutukan si Albert

An Angel's Life (AGENT SERIES #16)Where stories live. Discover now