Chapter 5

193 6 0
                                    

****

WALA SA SARILING napatitig si Devon sa bakanteng playground na nasa loob ng village at naupo sa isang swing. Uminom sya ng tubig na dala nya at bumuntong hininga

"Devon?"

Napalingon sya sa sidewalk at pilit na nginitian si Khairro "Good morning, Khairro"

Lumapit ito sa kanya at nakaupo sa kabilang swing "Nag-jogging ka rin?"

Tumango sya at pinagkrus ang braso "Tuwing umaga kong ginagawa 'to eh"

"Iniikot mo ang buong village?"

"Yeah. I want to familiarize myself here. Hindi naman pwedeng nasa bahay lang ako" sabi nya at napangisi

"The neighborhood is friendly. You could get along with them just fine" sabi nito

"Gusto kong maging pamilyar sa pasikot-sikot dito, hindi sa mga tao" sabi nya at tinignan ito

"Why is that?" takang tanong nito

"Kasi ayaw kong mapalapit sa tao. Hindi ko alam pero nasanay ata ako sa trabaho ko sa ospital" tumingin sya sa paligid at bumuntong hininga "Ayoko na ulit magkaroon ng koneksyon sa ibang tao eh kaya hangga't maari iniiwasan kong mapalapit sa iba"

"Did someone hurt you in the past?"

"Personal na yan" sabi nya at nginitian ito

"It's okay if you don't answer it"

"Tinakbuhan ko ang nakaraan ko. Magulo....masyadong magulo kaya tumakbo ako. Ang sabi ko sa sarili ko babalik ako....babalikan ko sila....hanggang sa makuha ko yung hustisyang gusto ko....."

Hindi nya namalayan na mahigpit na palang nakayukom ang dalawang kamay nya at punong-puno ng galit at sakit ang mga mata nya. Napatitig si Khairro sa kanya

What happened to her?

MATIIM NA NAKATITIG si Khairro kay Devon na nagtatrabaho sa table nito sa labas ng opisina nya. Bumuntong hininga sya at pinagkrus ang braso

"Dude, are you listening to me?"

Napatingin sya kay Leif "You're just like Lexxus. Are you in love too?"

Umiling naman sya at kinamot ang batok "I'm just thinking of something" sabi nya at muling tumingin kay Devon

Nilingon ni Leif ang tinitignan ng kaibigan at napakurap. Devon Sy? What is she doing here?

Binalik ni Leif ang tingin kay Khairro. Is he being watched by them? What the fuck is happening?

Napakurap si Khairro ng tumayo si Devon at naglakad palabas ng opisina nito. Bumuntong hininga sya at tinignan si Leif "Ano nga ulit ang sinasabi mo?"

"Why is she here?"

Kumunot ang noo ni Khairro "Who's here?"

"Devon Sy. What is she doing here?" tanong ni Leif

"You know her?" takang tanong ni Khairro "How?"

Hinilot ni Leif ang sentido at napailing "She's a Doctor in AGH. Candy's friend" sabi nito

"She's my substitute secretary for three months" sabi ni Khairro

"And? It seems like you're not fine with it" puna ni Leif at naupo sa gilid ng lamesa ni Khairro "You like her, right?"

An Angel's Life (AGENT SERIES #16)Where stories live. Discover now