Chapter 8

177 8 0
                                    

****

NAKATITIG LANG SI Devon sa gwapong mukha ni Khairro habang buhat buhat sya nito. Hindi ito ang unang beses na binuhat sya ng lalaki ngunit ito ang unang beses na hindi sya nasasakal sa presensya ng lalaki habang buhat sya

Bumuntong hininga sya ng ilagay sya nito sa kama at naupo si Khairro sa gilid ng kama nya "I'll leave once you fall asleep" sabi nito

Umupo sya sa kama at tinignan si Khairro ng diretsyo sa mata "Hindi ako nakakatulog na may damit" sabi nya na kinakurap nito

"Ha?"

Natawa sya ng mahina at hinila ang tali ng robang suot nya saka hinubad. Tinupi nya iyon at pinatong sa side table saka humiga. Tinakpan nya ng kumot ang katawan saka tinignan si Khairro

"Do you know how hot you are, Miss Sy?" sabi nito na kinangiti nya

"Boss, huwag kang ganyan. Lalampas ka sa linya" sabi nya rito at tumingin sa ceiling "Alam mo ba na ang lalaking seahorse ang nagbubuntis?"

"Yeah...it was written in the book I used to read before" sabi nito

"Science lover ka?" takang tanong nya

Umiling ito "I have a thing on pregnancy of person and animals" sabi nito

Kumunot ang noo nya sa sinabi nito "What?"

"I always wanted a little verson of me that's why" sabi nito at bumuntong hininga "But at the age of 30, I lost hope that someone would love and marry me"

Napatango sya at pinagkrus ang braso "Alam mo bang matagal ko na ring gustong magka-anak. Some of my friends are happily married with kids and I want to be like them"

"You have a boyfriend..."

"Hindi ko sure kung sya nga ang pakakasalan ko" sabi nya at mapait na napangiti "Siguro hahanap nalang ako ng sperm donor para mabuntis ako"

"Sperm donor? Are you serious?" takang tanong nito

Tumango sya at umupo sa kama. Tinakip nya ang kumot sa dibdib at nginitian si Khairro "Sisiguraduhin kong wala syang kahit anong sakit, dapat may itsura rin para hindi naman ako lugi"

"You're just tired, Devon. Drop that thing on your brain" sabi ni Khairro at akmang aalalayan sya pahiga sa kama ng hawakan nya ang magkabilang balikat nito

"Ikaw nalang kaya, Boss"

"Me?"

Tumango sya "Mukha namang okay ka eh. Mukha ka namang walang sakit. Gwapo ka rin edi hindi ako lugi" sabi nya na kinailing nito

"Naalog pa yang utak mo at ganyan ang pinag-iisip mo?" tanong nito at tinanggal ang kamay nya sa balikat nito "Matino kang babae so act like one"

"Hindi ka ba nagagandahan sakin? Virgin kaya ako..." sabi nya na kinakunot ng noo nito

"You and your boyfriend didn't do the nasty?" takang tanong nito

Umiling sya "Para sa mapapang-asawa ko 'yon pero mukhang hindi sya darating kaya sayo nalang"

"Devon---"

"You can take me virginity whenever you want, Boss. It's yours" sabi nya at nahiga sa kama. Ramdam nya ang sandaling pananatili ni Khairro sa kwarto nya saka ito lumabas

Napaupo sya sa kama at paulit ulit na tinampal ang noo. Ano bang katangahan ang pinagsasabi mo, Devon?! Baliw ka na talaga! Hindi ka nandito para makipaglandian! Shit ka! Bakit ba kasi hindi ko naprenuhan ang bibig ko eh!

An Angel's Life (AGENT SERIES #16)Where stories live. Discover now