CHAPTER 05 |Family|
"What's the secret of having a strong and happy family?" The host asked, tulala ako habang naka-upo sa isang monoblock chair dito sa gymn. It's family day and we're having a program right now, lahat ng mga students ng Love Academy ay pinapunta rito sa gymn para makinig sa exclusive live interview ng pamilyang nasa stage ngayon.
It's the Dela Fuenta family, ang kanilang dalawang anak na kambal ay sa Love Academy nag-aaral kaya sila ang napiling interview-hin. Kanina pa tanong nang tanong ang host tungkol sa parenting, and anong mga ginagawa nilang bond at kung ano ano pang ka-artihan. Ako naman ay hindi na mabilang ang buntong hiningang nagawa.
Edi kayo na may kompletong pamilya!
"There's a lot of things we can do to make our family happy and strong one of it is the communication. Hindi porquet nasa iisang bubong kayo o lagi kayong nagkikita hindi na kayo magkakamustahan. You should always ask each member of your family, kamusta ka na? How's your day? Cause most of the youths generation today is they are very secretive. Magugulat ka na lang na ganito na pala ang pinagdadaanan nila, that's why asking them a simple how are you is very important 'cause in that, there's a bigger chance na mag-o-open up sila sayo kung anong problems or struggles nila." The light of the family said, tumango naman ang haligi ng tahanan.
"Like what she said, there's a lot of things we can do to achieve a happy and strong family, additional is setting examples of a good parents. I believe how the elders will act, 'yon ang gagayahin ng mga kabataan. That's why parents should always set a good examples, 'cause it will give a big impact to their children. Things will always start from the parents." Wala sa sarili akong napa-irap.
Setting examples of a good parents huh? How I wish na naririnig nila itong dalawa.
"But of course there's this one thing na pinaka mahalaga sa lahat at lagi naming tinuturo sa mga bata." Pagpapatuloy ng haligi ng tahanan.
"What is it?" Nakangiting tanong ng host.
Sabay naman na sumagot ang mag-asawa. "Love, pagmamahal."
Umingay bigla ang crowd dahil sa iritan nila. "We always tell them na, binuo kayo sa pagmamahalan kaya dapat ay magmahalan din kayo. Love is the greatest power of all time."
Love? The greatest power of all? How sure you are? Ayaw ko mang magbalik-tanaw ay pasaway pa rin ang isip ko, pigilan ko mang alalahanin ang nakaraang nakapagpabago sa'kin ay hindi ko magawa.
I'm young and I don't see anything wrong with me, I'm contented of what I have, I'm tenderhearted and carefree.
All I know that time is, bilog ang mundo, same as with life. Sometimes up, sometimes down, sometimes happy, sometimes sad, there's light and there's darkness.
Akala ko noon darkness is just like this.
"Papa, pasensya na po bumaba ang grades ko ngayon." Nakayuko kong inabot ang brown envelope kung saan nakalagay ang report card ko for 4th grading. I felt so devastated, nagsikap naman ako ah? Bakit bumaba pa rin?
"Pero, dalawa lang naman po ang binaba, pasok pa rin ako sa honors," pampalubag loob ko.
My father took the envelope and take a look at it, hindi pa nagsa-sampung sigundo niya itong tinitignan ay binaba na niya. "Bumawi ka sa grade eight, gusto kong lagpasan mo ang grades mo na 'to. Pataas Mara, hindi pababa." Matigas na aniya, paulit-ulit akong tumango, I felt relieved kasi akala ko ay magagalit si papa but he seemed calm.
"Yung anak ni, Myla, Ilan ang grades?" he suddenly asked.
"96 po," I answered a bit nervous.
"Mas mabuti pa ang anak ni, Myla tumaas ang grado. Take that as an inspiration Mara kailangan mong lagpasan ang grado niya sa susunod."
Ngumiti ako bago sumagot, I know my father is just inspiring me to do better. "Sisikapin ko po."
"H'wag mong sikapin, gawin mo." Matigas na aniya, sa takot ay pagtango na lang ang nasagot ko.
Nang lumabas ako ng opisina niya, doon lang nag-sink in lahat ng mga negative thoughts sa'kin. Bumigat bigla ang dibdib ko at pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko. Dali -dali akong pumasok ng kwarto ko sa takot na may makakitang umiiyak ako.
Why just he can't praise me or be contented of what I can offer? Why did he failed to acknowledge my effort, nag-aral naman akong mabuti ah, sadyang ito lang talaga ang kinaya ko. At bakit kailangan akong e -kompara sa ibang tao? I know he's just pushing me to do more, to do better! Pero kahit simpling congratulations wala akong natanggap.
I badly don't want to disappoint my family. My parents are both respected lawyers that's why kuya and I are very much pressured to maintain our grades high. Ngayon mas lalo lang nadagdagan ang pressured ko, lahat ng hinanakit ko ay iniyak ko lang sa tahimik na apat na sulok ng kwarto ko. I can do nothing but to cry, wala akong mapagsabihan kaya sa iyak ko lahat binubuhos ang lahat.
I thought that time 'yon na ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. As a young Mara Elaisle all I think was disappointing my parents or seeing my parents disappointed of me is the worst thing that could happen to me. But I was wrong, really really wrong.
"Take this," halos mapatalon ako sa gulat nang bumulong si, Rose sa tenga ko. Napapagitnaan kasi namin siya ni, Lian, nagulat ako sa kanya dahil napakalalim ng iniisip ko.
Kumunot ang noo ko sa inabot niyang panyo. "Huh?" I muttered nalilito sa binigay niya.
"Wipe your tears," agad dumapo ang palad ko sa pisngi. Hindi ko alam na basa na pala ang pisngi ko. Tinanggap ko ang panyong inabot ni, Rose at ngumiti sa kanya.
"Ah, napuwing lang." I said while wiping my tears.
Ngumiti naman siya sa'kin, not buying what I said. "It's fine, nakaka -relate rin ako sa sinasabi nila. Pero mukhang malalim ang iniisip mo." Aniya sabay tingin sa entablado kung saan nagsasalita pa rin ang mag-asawa.
"Don't pressure your child to much, kung ano ang kaya nila tanggapin natin. And we should motivate them on a nice way not other ways like comparing them, kasi 'yon ang pinaka-ayaw ng mga bata ang kinukumpara sila sa iba." Isang buntong hiningang ulit ang pinakawalan ko, the woman looks good on speaking, confident siya sumagot at nakangiti pa.
I wonder, totoo kaya 'yan? O pakitang tao lang? Walang perpektong pamilya but the way she explanain things tila napakagaan ang mabuhay sa mundong ito.
You can find your true happiness in your family. But why can't I?
Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️For more updates!
Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan HeartsLike My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhiFollow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi
BINABASA MO ANG
It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)
Novela JuvenilMara Elaisle or Mae never believes in the concept of pure or unconditional 'LOVE'. She has a broken family, her parents separated when she was young kaya hindi na talaga siya naniwala sa pag-ibig. For her love is nothing but a distraction. It can do...