CHAPTER 20 |Walls|
Pakiramdam ko ay sinasakal ako sa bigat ng paghinga ko. I suddenly felt the loneliness of this house, it looks alive outside but someone is alone inside. I didn't expected the things I found out about Jayda's life. For once, I want to ask him if he's okay? If he's like me that every day battling up with a demon inside us. Everyday, does he wish to be something, to be someone? Like me, does he have an impossible dream?
Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili, nanghihina ang tuhod ko. Mahirap na nga ang pinagdaanan ko paano pa kaya siya? I wonder who inspire him to love the music more?
"Jayda," tawag sa kanya ni kuya. Pinanood ko lang ang kapatid na ugain ang kaibigan niya para magising. Umungol ang lalaki ng mapalakas ang yugyog sa kanya ng kapatid ko.
"Dahan-dahan! May sakit 'yung tao, sa ginagawa mo posibleng mahilo siya." Pinagalitan ko si kuya.
"Tagal gumising, eh," reklamo niya. "Buhosan ko kaya 'to ng tubig, argh!" Pinandilatan ko ng mata si kuya. Umiling siya ngunit hindi nakatakas sa 'kin ang multo ng ngiti niya sa labi.
"Gumaling ka lang talagang ugok ka, patay ka sa 'kin..." may binulong-bulong pa si kuya na hindi ko na naintindihan.
Muli niyang ginising si, Jayda at sa ikalawang pagkakataon ay umungol ito.
"M-mike?" gulat na aniya ng makita ang kapatid ko. Bumaling siya sa 'kin at agad na nanlaki ang mga mata. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa'min ng kapatid ko. Nakakunot ang noo at halatang nagulat siya sa'min.
"L-laisle," banggit niya sa pangalan ko.
"Ah, a-ano..." nag-iwas ako ng tingin. Hind ko alam paano siya kakausapin, lalo na sa mga nalaman ko kanina. Bigla ko na lang sinikap sa sarili na maging sensetive sa kanya.
"Laisle," tawag niya ulit. Gulat na gulat siya at kung tignan ako ay para bang nakakapagtaka akong aparato rito.
"Bakit?" tanong ko na. Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling tumayo. Natigilan nga lang siya ng napahawak siya sa ulo niya, malamang ay masakit ito.
Dahil sa taranta ay napatayo ako at hindi na napigilan ang sariling hawakan siya. "Humiga ka muna." Pilit kong kinukunot ang noo kahit ang totoo ay parang nagwawala na ang puso ko sa loob.
"H-hindi, ayos lang ako," aniya kahit halata naman na nagsisinungaling siya. Umiling ako sa kanya at istrikta siyang tinignan. Kahit moreno siya ay halatang-halata ang pamumula ng mukha niya pababa sa leeg. Bumuntonghininga siya at muling bumalik sa pagkakahiga.
"May hinanda ako para sa'yo, kainin mo 'yon para maka-inom ka na rin ng gamot," si kuya sa likod ko. Pumikit si, Jayda at muling dumilat. Masyado siyang transparent para sa 'kin ngayon kitang-kita ko ang pagkabahala sa mukha niya. "Dahil hindi mo pa kayang tumayo, susubuan ka ni, Elaisle."
"Ako?" angal ko kaagad. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng utos ni kuya sa 'kin.
"Alangan naman ako ang magsusubo sa kanya? Ang pangit." Ngumiwi ang kapatid ko. "Tsaka pagkatapos nito, pwede ka ng mauna sa bahay. Commute ka lang muna, Laisle. Pasensya na, kita mo naman ang sitwasyon ng isa." Bumuntonghininga ako at napairap, may magagawa ba ako?
Wala na akong sinabi at tahimik na lang na kinuha ang mga utencils at ang sabaw na hinanda ni kuya. Dinala ko ang tray sa gilid ni, Jayda at sinimulang haluin ito. Dapat galit ako sa lalaking 'to, hindi nakakatuwa 'yong nangyari sa kitchen namin. Pero since may sakit siya, palalampasin ko na muna.
"Elaisle, you don't have to do this." mahinang ani, Jayda. Medyo magaspang ang boses niya, epekto siguro ng lagnat.
"Ayos lang," sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Pinigilan ko ang kamay na manginig ng magsimula akong subuan siya. Jayda shut his eyes painfully, hindi ko alam kung bakit hirap na hirap siya. Sa itsura niya para siyang may pinipigilan na kung ano. Umalis si kuya sa kwarto at hindi ko alam kung saan nagpunta. Tahimik lang kaming dalawa ni, Jayda lalo na nang nag-umpisa ko siyang subuan. Nakaka-dalawang subo pa lang ako sa kanya ng magsalita siya.
"Iniiwasan mo ako." It wasn't a question! Muntik ko ng matapon ang sabaw dahil sa sinabi niya. That caught me off guard, I wasn't expecting him to say those words straightly! Pakiramdam ko ay nahigit ko ang hininga.
"Why the s-sudden question?" I stuttered.
"It's not a question, Mara Elaisle." Something with his words sent shiver down my spine. It's like something that locking me up on a thick walls, caging me so that I won't be able to free myself.
"Yeah, it's not," mahinang pahayag ko.
"Bakit?" Muling nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ko alam paano sasagotin.
"Because..." I lost words. "Jayda, let's not talk about this? Taposin mo ang pagkain mo para makauwi na ako." Hindi ko na napigilang magmaldita. I have no choice but to show him this side of mine! Kanina ay muntik na akong mahulog sa boses niya, kanina ay muntik na akong maging tuta sa mga tanong niya.
He nooded slowly, para bang tinatanggap niya na hindi ko gusto ang pupuntahan ng usapang ito.
"Promise to talk to me when I get better," aniya na parang bata. Something in my heart tugged. Parang may nagsindi ng apoy sa puso ko at nagsisimula itong magbaga. I sighed, ang itsura ng lalaki ay nakaka-awa.
"Laisle, huwag mo na akong iwasan please. Ang hirap..." parang sasabog ang puso ko sa sinasabi niya. Why, Jayda? Why do you have this effect on me? Bakit pakiramdam ko ay may paruparu na nagdidiwang sa sestima ko. "Please," he begged.
"Fine, get well first. Makikipag-usap ako sa'yo kapag okay ka na." Umalis ako ng bahay nila na gulong-gulo. I can't believe that, Jayda melted something in me! It's like he's a hammer that's starting to pound the walls I made.
Nakahiga na ako sa kama pero mukha pa rin ni, Jayda ang iniisip ko. I thought about his life, and his lost love ones. Sobrang hirap siguro ng pinagdaanan niya. Jayda's life is more complicated than mine, we both lost our parents at a young age, we both lost our parents in a different way.
Napaisip din ako kung ano ang mas masakit, ang mamatayan ng magulang o buhay nga ang mga magulang mo pero para kang patay sa mata nila?
I expected, Jayda not to come to school because of his fever. But I was wrong. Hindi pa tapos ang second period namin ay nakita ko na siya sa labas ng classroom namin. Kinabahan ako at inisip na ako ang hinihintay niya.
Sakto namang papasok si, Lian sa room namin galing siyang C.R. Nakita kong kinausap niya si, Jayda. Pagpasok niya ay dumeritso agad siya sa 'kin, may multo na ng ngiti sa labi.
"Labs, may naghahanap sayo sa labas. Manliligaw yata, huwag mong bastedin, ah! Sayang, gwapo pa naman." Humagikik pa ang talandi.
"She's courting you, Mae?" si, Rose sabay baling sa pinto. "O gosh."
"Tumahimik nga kayo, Jayda is not courting me!"
"Galit si, Mahar," sabay tawa ulit ni, Lian. Lakas ng topak sa buhay.
Pagkatapos ng klase ay dumeritso ako kay, Jayda. Ang mga kaibigan ko ay sinadya pa talaga akong iwan. "Sa garden na tayo mag-usap," sabi ko bago nagpamauna sa paglalakad.
"Okay," aniya bago sumunod sa 'kin.
Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️For more updates!
Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan HeartsLike My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhiFollow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi
BINABASA MO ANG
It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)
Ficção AdolescenteMara Elaisle or Mae never believes in the concept of pure or unconditional 'LOVE'. She has a broken family, her parents separated when she was young kaya hindi na talaga siya naniwala sa pag-ibig. For her love is nothing but a distraction. It can do...