CHAPTER 12 |Liers|
I hated love 'cause love ruined me, love ruined my family. They say love is powerful but it's not to me. If love is powerful then why it would die?
Love brings forever daw, how? If love is not forever? If love fades in time?
I loathed my father so much for what he did, ang masayang pamilya na gusto ko ay bigla na lang bumagsak sa lupa. Pakiramdam ko noong araw na 'yon ay nasira ang buong buhay ko.
My father has a mistress, ang malaman 'yon ay tila inupos ang buong sestima ko.
The same day, I hated people who says everything is okay even if it's not. I hated Kuya Mike and my mother for saying that everything is okay even if it's not! I'm sure they knew about my father's mistress but they never told me! Sabi nila ayos lang ang lahat? Pero ano 'to? Bakit ganito?
My father is a respected lawyer, he's outstanding on his field and I can't believe that he did this to our family. He ruined me, he ruined our family!
Pakiramdam ko ay ako ang pinaka-tanga sa pamilya dahil ako ang walang alam, ako ang walang muwang. Yes I was a grade six student that time pero may isip na 'ko! Apektado na 'ko!
Kung sana sinabi ni, Kuya Mike at ni, Mommy na hindi ayos ang lahat sana ay may nagawa man lang ako kahit papaano, sana may nagawa ako para sa kanilang lahat! Mas lalo ko lang naramdaman na wala akong silbi sa pamilya, mas lalo ko lang naramdaman ang matagal na sa'king pinaparamdam ng mga magulang ko!
Kung sana sinabi sa'kin ni, Kuya Mike na hindi siya okay sa school sana ay may nagawa ako! Pwede ko siyang tulongan sa assignments niya kahit wala akong alam doon para hindi siya bumagsak. Sana nakatulong man lang ako kahit konti sa mga projects niya.
Sana sinabi niya sa'kin na hindi sila okay ni, Ate Chloe para sana ay kinausap ko si Chloe.Kung sana sinabi ni, Mommy na hindi sila okay ni Daddy sana ay may nagawa ako para e-comfort ang ina. Pero wala!
Sana sinabi nilang hindi okay ang lahat para may nagawa ako!
I hate people who's very great at pretending, sasabihin nilang okay silang lahat kahit hindi naman. Kapag ganu'n pakiramdam ko ay wala akong silbi dahil hindi ko alam kung anong tunay na nangyayari.
I hated this feeling, 'yung pakiramdam ko wala akong silbi, pakiramdam ko kahit anong gawin ko hindi ako sapat. Pakiramdam ko lagi akong kulang sa mga bagay.
I hate it when people tell me lies, it's preventing me for doing something to save them. Prevention is better than cure, I believe.
The feeling of atleast you tried no matter if the things failed is better than you've done nothing and you can't do anything anymore but to regret and repent.
Akala ko, pinakamasakit na ang hindi makita ng mga magulang mo ang halaga mo at kaya mo. Akala ko masakit na ang makompara sa iba, akala ko masakit na ang malamang may ibang babae ang Ama mo. Pero mas masakit pa rin pala ang maiwan. Mas masakit pa rin pala ang hindi mapili.
Si Daddy, pinili niya ang kabit niya kesa sa'min. Ganu'n din si Mommy, pinili niya ang bagong lalaki kesa sa'min. Hindi ko alam kung anong kulang sa'min ni, Kuya Mike pero pareho nila kaming iniwan. Para kaming mga bagay nila na basta na lang iniwan dahil wala ng halaga.
"I will provide for the two of you, huwag kayong mag-alala." Galit ang namuo sa'kin nang sabihin 'yon ng ama. Ganu'n na lang ba kami sa kanya? Responsibilidad na lang at wala ng iba pa?
Ayoko mang tanggapin ang perang e-su-sustento niya sa'min ay wala kaming magagawa. Pareho pa kaming nag-aaral ni Kuya Mike at hindi pa kami makakapagtrabaho ng maayos. Masakit sa loob pero patuloy naming tinatanggap ang pera ni, Daddy ngayon. Pinangako ko na lang sa sarili na pagkatapos kong mag-aral ay ibabalik ko sa kanya lahat ng binigay niya. Ayoko na sa kan'ya, kinasusuklaman ko siya!
Ang pamilyang akala ko ay manatili hanggang wakas ay bigla na lang nawasak sa isang iglap. Tagilid ako noong mga panahong 'yon pero sinikap kong mag-aral at makapag-tapos sa elementary. Bata pa lang ako ay grabe na ang emotional pain na naranasan ko.
Noong panahon din 'yon ay nag-break sina, Chloe at Kuya Mike. Mas lalo lang na sinampal sa'kin na hindi totoo ang pag-ibig, na makapangyarihan ang pag-ibig.
Si Kuya Mike ay two years na natigil sa pag-aaral at nagbulakbol dahil sa nangyari sa pamilya namin. Doon ko lang naintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagbago, nagre-rebelde siya kay Daddy noon.
Hindi ko makakalimotang lumuhod ako sa harap ni, Kuya Mike at pinakiusapan siyang bumalik sa pag-aaral. Edukasyon na lang ang tanging pag-asa naming dalawa at hindi mananakaw sa'min. Kapag pinalampas niya ito ay ayokong magsisi siya.
"I'm sorry Elaisle, please tumayo ka." Umiiling akong umiiyak habang nakaluhod sa harap ni, Kuya Mike. Lagi na lang siyang naglalasing gabi-gabi, naawa na 'ko kay Kuya Mike.
"Please Kuya, ayosin natin ang buhay natin. Wala na sina Daddy at Mommy ikaw na lang ang meron ako kaya pakiusap umayos ka. Ayosin natin buhay natin." Puno ng pagmamakaawa ang boses ko, si Kuya na lang ang meron ako ng mga panahon na 'yon kaya ginawa ko ang lahat para hindi rin siya mawala sa'kin.
"Elaisle, paki-usap tumayo ka." Lumuhod na rin si, Kuya sa harap ko at naiiyak na niyakap ako. "Patawarin mo si, Kuya Elaisle."
"Kuya, huwag ka ng uminom pwede? Ikaw na lang ang meron ako, huwag ka ng mawala gaya nila Mommy. Ayokong mawala ka." Pakiusap ko sa kanya.
"Patawarin mo ako Elaisle, patawarin mo ang Kuya. Dapat ay nagpapaka-kuya ako sa mga panahong ito sayo pero mas inuna ko pa ang sarili. Patawarin mo si, Kuya."
Umiling lang ako at umiyak nang umiyak.Ipinangako sa'kin ni Kuya Mike na magpapaka-kuya na siya, na hindi na siya magbubulakbol at babalik na siya sa pag-aaral. Kaya naman nang tumuntong ako ng grade 7 ay magkaklase na kami.
Ipinangako ko sa sarili na magiging matapang ako, experience taught me to be brave in this life. Bata pa lang ay matinding sakit na ang napagdaanan ko. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig o sa happy ever after dahil alam kong hindi 'yon totoo.
Ipinangako kong hindi ako magpapaloko sa pag-ibig dahil 'yon ang rason kung bakit nasira ang pamilya ko.
Nang makilala ko ang mga kaibigan, ipinangako ko rin sa sarili na po-protektahan sila at gagawin ang lahat para matulongan sila. Gusto ko ay makita nila na laging nand'yan ako.
I hate the feeling na parang wala akong silbi. I hate to remember how my father used to let me feel that feeling.Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️For more updates!
Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan HeartsLike My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhiFollow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi
BINABASA MO ANG
It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)
Dla nastolatkówMara Elaisle or Mae never believes in the concept of pure or unconditional 'LOVE'. She has a broken family, her parents separated when she was young kaya hindi na talaga siya naniwala sa pag-ibig. For her love is nothing but a distraction. It can do...