ABRATISTINATICS 2ND ANNIVERSARY PREPARATION

205 5 0
                                    

"Sinong sasama sa Anniv? Comment down. Yung sure ha. Dapat nakapunta na sa gig ni Abra. Yung totoong gig na may ticket. Tsaka dapat may Abra Album."

Yan yung agad kong nabasa sa group namin na ginawa para kay Abra.

Well, mag-aanniversary na pala ulit 'yung Fansclub namin. Second Anniversary na. At never pa kong nakapunta sa GT ng grupo o kahit yung simpleng meeting lang. Saklap 'no? May mas sasaklap pa dyan. Mag-tu-two years na akong Fan ni Abra at hindi ko pa rin sya nakikita sa personal. Ang saya-saya! Ako 'yung 'Self-proclaimed' na Super Duper Mega Over Into the Highest Level na # .01 Fan ni Abra. Oh diba? Pano nangyari yun?? Hindi nga ako makapunta sa gig. Hindi makabili ng mga merch. (Yung merch na meron ako, magazine, album at picture ni Abra na puro BIGAY lang!) Yup. Hindi ako marunong bumili ng para sa sarili ko. Baka pulubi eh. :'( Hindi rin ako makasali sa mga usapan sa social media. Hindi makapagtanong para sa #AskAbra. Hindi makaboto sa mga poll kung san nominated sya. Hindi makapagpatrend. Eh kasi naman, bawal gumamit ng laptop ng matagal kasi may susunod pang gagamit. Hayyyyyss. This is my life! Tanggapin na lang. :(

Nung nabasa ko yung post na 'yun sa group. Dedma na lang. Malabo ba sa sabaw na makapunta ako dun. Pero may promise kami ni Sarah (close friend ko na nakilala ko lang din dahil kay Abra) na pupunta na kami next anniv kasi nga di kami nakapunta nung 1st Anniv. Pero wala eh, ang dami kong isasakripisyo pag nagkataon! Una, may trabaho ako. Mahirap umabsent sa trabaho ko, may pa-medical medical certificate na dapat ipasa kung sakaling aabsent ka dahil may sakit ka. Pangalawa, WALA akong pera! Yung sahod ko, nakabudget na yun. Daming pag-gagastosan! Pangatlo, Masyadong malayo yung venue. Probinsya pa naman yung amin. Hirap bumyahe. Baka maligaw pa ko. At ang huli, Wala ng oras! 2 weeks na lang yata at anniversary na. Walang preperasyon. Syempre kailangan ko pang magpaganda, bumili ng bagong damit, bumili ng pinakamagandang regalo kay Abra. Pero, joke lang yung magpaganda. Hehe. Maganda na ko eh. Choss! Jk.

Basta! Hindi ako ready. Wala talagang kasiguraduhan na makakapunta ako. Bahala na.

'Yung classmate ko nung Highschool na na-recruit ko lang din para sumali sa group (Na-recruit? Parang Fraternity lang ah! lol) Ayun, sasama daw sya! Nakapagbayad na nga para sa contribution eh. Pano ako??? Ayun.. Mamamatay na sa inggit.

Si Sarah nga hindi rin daw makakapunta! Hayssss.

Take note: Si Sarah ay taga Laguna na nakilala ko rin dahil sa kaka-Abra. Nakilala ko sya sa fansclub naming matinde na suportado ng Buong puso at may pagmamahal kay Abra! Naks.

Hirap talaga ng buhay namin. Pinanganak na mahirap eh. lol

Pero napag-usapan naman namin na sa Birthday concert ni Abra, pupunta kami! Promise na talaga!!! 23 days after ng Anniversary. Oh, mahaba-habang preparation yun! Sa sobrang excited nga netong si Sarah, magpapareserve na daw sya agad ng ticket! Oh diba?? Sya daw muna mag-da-down. Nice! Haha!

Kaso, nababasa ko pa din dun sa mga post sa group na sinasabing sumama na lahat. I think, konti lang talaga sasama.. May iba't-ibang rason sila eh.. May taga malayo, mayroong may pasok sa araw ng anniv, hindi pinayagan at yung mga walang budget. At dun kami sa huling category kabilang ni Sarah. Hahaha!

Yung venue nga pala sa isang magandang resort! Wow! Pool Party pala ang peg nila! Nakakainggit! :'(

Nung makita ko si Abra ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon