Last Part

94 2 0
                                    

Pagka-sakay ko ng service, tinanong ako nung work-mate ko kung kaya ko na daw pumasok. Sabi ko, okay naman na ako. Kaya ko na. (Sige, magsinungaling ka pa Rjane) Tinanong nya ko kung dala ko 'yung medical certificate ko. Oo dala ko, sabi ko. Binigay nga pala sakin ni Sarah 'yung medical certificate nung nagkita kami sa mall. 'Yun ang ipapakita ko sa doctor sa clinic mamaya.

Habang naghihintay pa ng ibang pasahero. Nag-sulat ako sa online diary ko. Lahat ng nangyari, sinulat ko para di ko malimutan. Hehe. Sobrang saaaaaayaaaaaa! Walang katumbas! Kahit puyat. Haha. 'Di ko malilimutan ang araw na 'yun na dadalhin ko habang-buhay!!! :)

Bonus story:

(Wala tong kinalaman kay Abra o 'yung moment na nakita ko sya. Pero gusto ko lang talagang i-share 'yung super nakaka-touch na pangyayari nung magpapa-Fit to work ako sa clinic. Nakaka-touch talaga grabe. Makakasapak ka sa sobrang nakaka-touch)

Pumasok ako sa clinic.

Me: (Lumapit sa nurse)

(Nagsusulat 'yung nurse)

Nurse: Anong kelangan?! (Galit 'yung tono ng boses)

Me: Magpapa-Fit to work po.

Nurse: Kumuha ka ng form sa mesa, mag-fill-up ka. (Hindi sya tumitingin, patuloy sa ginagawa at galit pa din ang tono ng boses)

Me: Pwede pong pahiram ng ballpen? (Bakit nga ba naman kasi nalimutan kong dalhin ballpen ko! Haysss)

Nurse: MAG-PROVIDE KA NG SARILI MONG BALLPEN, GINAGAMIT KO TONG BALLPEN KO!!

Me: Sige po. (Ngumiti)

Hindi naman sya actually sumigaw pero, parang ganun na din. Haha. Tarayyyyy! Doctor ka? Doctor???!

Nang-hiram ako ng ballpen sa work mate ko. Pagbalik ko sa clinic, isinampal ko sa kanya sabay sabing: "Oh yan! Saksak mo sa baga mo!!" Pero, imagination ko lang 'yun. Bad 'yun. Binigay ko lang sa kanya sabay sabing: "Eto po." (Sabay ngiti)

Sabi nya, bumalik na lang daw ako ng 7am kasi wala pa si Doctora. Tingnan mo?! Mas mataray pa sya kesa Doctora?! Pinaglihi ata sa highblood si Ateng nurse eh. Hayss. Pero dapat smile lang, kelangan GV kasi ayokong masira araw ko. :)

Nung makita ko si Abra ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon