Nov. 5 - This is the Day!!

84 3 0
                                    

Sorry nga pala kasi balak kong iksian yung mga chapter. Hindi naman mawawala o mababawasan yung mga scene. Hinati-hati ko lang para naman may maisulat pa ko sa ibang chapter. Haha.

Eto na!! Eto na talaga!!! Makikita ko na si Abra!!!!!! Teka, bawal excited baka 'di matuloy. Haha.

5:30 am ako nag-alarm. Bale, 3 pm pa po yung start ng party. Aga ba? Well, itetext ko kasi Boss namin. Baka kasi ma-AWOL (Absent without official Leave) ako eh. So, dapat may info man lang sya na matatanggap galing saken. Hiningi ko pa nga # nya sa work-mates ko na patuloy pa rin yung pagsuyo sakin na pumasok na daw ako. Kaya ko naman daw siguro. No way! Haha. Eto na un eh. Aatras pa ba ko? Haha.

Me: Ma'am, di po ako makakapasok ngayon. Masama pa po pakiramdam ko. Pasensya na po.

Actually, hinintay ko reply nya, pero di na nagreply eh. Haha. Okay lang. Atleast na-send ko sa kanya dalawang beses pa! Naku, pag di pa un nabasa. Haha.

Parang ang ganda ng araw ko ngayon eh. Hayy. Konting oras na lang, makikita ko na ang lalaking matagal ko nang pinagpapantasyahan. Haha. Fantasy? Lakas maka-fairytale! Hahahaha.

Bandang 9 nag-breakfast na 'ko tapos naligo. Oo nga pala. Si Joanne (classmate ko nung hs/abra fan) yung makakasama ko sa byahe. Sa Alabang kami bababa kasi dun tatagpo si Sarah kasama yung friend/abra fan nya na si Shiela. At dahil nakasakay na daw ng van si Joanne papunta sa SM kung san kami magtatagpo, bale 45 mins lang naman byahe eh so kelangan ko na magmadali. So nagmamadali akong pumasok sa cr. Si Kuya na boardmate ko, tinanong pa nya kung maliligo na daw ako. Sabi ko: "Opo." Tapos dere-derecho na ko sa loob ng cr. Parang napansin kong nag-aalinlangan pa sya na papasukin ako sa loob ng cr. Ewan ko dun.

Tapos, maya-maya kumatok sya. Kung pwede daw iabot ko sa kanya yung Lalagyan nya ng sabon at shampoo kasi sa ibang cr na daw sya maliligo. Paki-abot ko na lang daw. Lol.

Siguro sya talaga nauna gumamit ng cr kaso dere-derecho nga ako kaya di na nya ko napigilan. Haha. Ini-abot ko naman matapos kong magdamit ulit. Lol

Pagkatapos nun, nagbihis na ko, nagsuklay, nagpaganda (kahit wala namang igaganda) at nagpabango. Excited na ko talaga!!!!!!

Naglakad na lang ako papunta sa SM kung san kami magtatagpo ni Joanne kasi malapit lang naman sa boarding house.

Nung makita ko si Abra ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon