Uuwi na kami!

108 2 0
                                    

Umalis na sina Abra. 'Yung iba, nagsi-uwian na din. Kami naman, nag-iisip kung dito na magpapalipas ng umaga. Pero, kelangan kong pumasok eh. Wala na 'kong isasahod pag nagkataon. Haha. Pero, kung wala nga lang talaga akong pasok, naku. Babad kami magdamag sa pool. Hayss.

Nagpa-picture kami sa mga admin. Once in a blue moon na lang ulit mangyayari 'to. Hehe. Binigyan pa kami ni Head Admin ng gift. 'Yung songhits na si Abra 'yung cover. Hehe. Andami daw kasing natira kasi di naman masyadong madami 'yung na-prepare na games. Pagkatapos nun, nagbihis na kami. (Syempre sa Cr) Tapos, empake na. Uuwi na talaga.

11:30pm na, 'Yung sakayan daw hanggang 12 lang. Wtf! Pero sabi ni Kuya G, abot pa daw kami ni Joanne. Ibang sakayan kasi sasakyan namin ni Joanne, tapos 'yung kina Sarah at Shiela, iba din. Hindi namin talaga alam pa'no kami uuwi dahil kalagitnaan na ng gabi!!! Tinuturuan kami ni Kuya G, san kami sasakay, pero di namin maintindihan. Hahaha.

Maya-maya sabi ni Kuya G, uuwi na daw sya, sumabay na daw kami sa kanya. Ang baet!! Haha.

Sumakay kami ng taxi tapos binaba kami sa may terminal ng bus, Calabarzon. Nag-thankyou kami. Ang bait nya talaga! Haha.

Sumakay kami ng bus. Pero, isa pa lang ata ang sakay, at ang sabi nila pinupuno pa daw 'yun bago umalis! So, mga ilang years kaya kami dun?

Pero, maya-maya malapit na mapuno 'yung bus. Bumili muna kami ng mangunguya na tinda ni manong sa loob ng bus. Ang kulit pa ni Manong, bakit daw dis-oras ng gabi, gumagala pa kami. San daw kami galing? Wow! Daig pa tatay namin. Pero, nakakatawa naman si Manong, ang joker. Hehe.

Mga bandang 1am umalis na 'yung bus. Nag-try kami ni Joanne, umidlip ng konte. Pero, hindi ako makatulog. Parang sobrang hyper ko pa din. Hirap itulog nito. Si Joanne, ayun tulog na. Pumipikit ako, naaalala ko lang mga moments na kasama namin si Abra. Haysss. Di talaga ako makatulog.

Malapit na kami sa bababaan namin kaya, ginising ko na si Joanne. Akala ko, masasapak pa ko kasi ginising ko sya. Haha

Bumaba kami dun sa harap ng mall malapit sa boarding house ko. Nilakad namin ng konti hanggang boarding house. Bale, 3am na kami nakarating. Naka-lock 'yung kwarto Andun pala 'yung room mate ko. Binuksan nya tapos pinapasok kami nung kasama ko. Pinatulog ko muna si Joanne sa kama nung isa kong room mate. Tutal, wala naman nakahiga dun. Ayun, bagsak si Joanne.

Nagbihis ako, Damit pampasok tapos nag-try umidlip. Kelangan ko gumising ng 4am. Halos isang oras lang maitutulog ko. Pero, keri na! Sana lang makatulog ako. Humaharok na si Joanne pero di pa din ako makatulog. Ang hirap!

5mins bago mag-4am, ginising ko na si Joanne. Nag-ayos na ko. Papasok pa nga pala ako. Wala akong tulog, actually.

Hindi ko magising si Joanne! Haha. 2mins ata akong nag: "Joanne, gising na! Joanne! Uyy!"

Maiiyak na ko eh. Gusto kong buhusan ng yelo pero, nagising din naman sya. Akala ko magagalit na naman. Hahaha.

Naglakad kami papuntang mall, dun ang sakayan ni Joanne. Sinamahan ko muna sya hanggang sa maka-sakay sya.

Naka-sakay na din sya. Mga 5mins din kaming naghintay ng dumadaan na jeep. Tapos nagpa-alam na sya at nag-thankyou ako.

Naglakad na ako papunta sa shuttle service namin.

(Nung sinusulat ko 'to pumasok tuloy sa isip ko mga scene na 'to. At ramdam ko 'yung sakit ng mata dahil di ako nakatulog. Haha PUYAT PA!!!)

Nung makita ko si Abra ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon