Byahe Moments :")

84 2 1
                                    

Sa totoo lang, wala kaming idea ni Joanne pa'no pumunta sa venue. Nakakatawa nga na kami pa yung nagsama eh wala naman kaming idea sa byahe na yun.

Sumakay kami ng bus. Nakita ko kasi sa plakard (tama ba ispeling?) nung Bus na "Starmall Alabang" Dun kasi kami tatagpo ni Joanne sa isa pa naming co-fan na si Sarah. Alam daw kasi nung kasama nya yung venue.

Bale, bandang 10 na din umalis 'yung bus namin. Ayun. Kwentuhan sa bus. Kamustahan. Mag-wa-oneyear na din ata kaming di nagkita ni Joanne. Haha. Ang tagal na pala. Lol.

Halos 2hrs din ata yung inabot ng byahe. Nangalay talaga mga pwet namin dun. Tumigil 'yung bus. Nagsibabaan na lahat ng pasahero. 'Di namin alam ni Joanne kung bababa na din ba kami kasi hindi namin alam kung yun na ba 'yung sinasabi nilang Starmall.

Bumaba na din kami. Tinext ko si Sarah. Malapit na din daw sya. Naglibot muna kami sa loob ng mall. Okay naman pala yung mall. Malaki din kaso di nga lang gaya ng mga SM.

Naisipan namin bilhan ng regalo si Abra. Actually, si Joanne ang may gusto. Minsan na nga lang makikita yung idol mo, syempre abutan mo na din ng regalo para naman may remembrance ka sa kanya. Haha.

Nakakita kami ng Tshirt. Bob Marley un. Kaso kulay green. Tapos ang panget pa ng tela. Mas malimit kasing magsuot ng black or white na color si Abra. So naghanap-hanap pa kami.

Nalibot na ata namin buong mall. Wala pa din kaming maisip na ibigay sa kanya. Nagpunta kami sa book store. Try namin sa libro. Mahilig naman sya magbasa kaso anong klaseng libro ba binabasa nun? Hahaha.

Naglibot-libot na ulit kami. Napunta kami sa isang religious store. May nakitang t-shirt si Joanne. Naka-display sa labas ng store. Black sya. Tapos may inspirational message na naka-tatak. Ang ganda pa ng tela. Tinanong namin kung available pa ung ganung T-shirt. Hinanap ni Kuyang Tindero kaso wala na daw. May iba't-ibang kulay ng t-shirt kaso alam naming hindi 'yun type ni Abra. Pero, may white T-shirt naman tapos 'yung nakatatak eh something about "corruption" basta ganun. Tapos sa likod may: "God Fear". Okay naman sya. No choice na din eh. Hahaha. (Halata bang hindi namin masyadong napaghandaan yung ibibigay kay Abra sa sobrang excited?) Haha

Nagtext si Sarah. Nandun na daw sya sa groundfloor. Bumaba na kami ni Joanne. Hinahanap ko kung nasan na ba 'yun. Actually, hindi pa kami nagkikita in person. Sa fb ko pa lang nakikita picture nya. Wtf! Sorry. Haha. Alam kong maliit lang sya, parehas kami pero ang ganda nya pala. (Kota ka na sakin' Twinny) Oo. Tapos yung suot pa nya, pang-dalaga talaga. Nahiya naman 'yung suot namin ni Joanne. Haha. Naka-shorts kasi sya at sabi nya, nung araw lang din na 'yun nya nagawang mag-suot nun.

Ayun. Naglibot-libot kami para bumili ng burger. (Pang-tanghalian) Tapos bumili na din kami ng paper bag. Nakakahiya namang iabot namin kay Abra yung T-shirt na wala man lang sa lalagyan. Haha

Tapos, hinintay namin si Shiela. Sya ang mapa namin papunta sa venue.

Nung makita ko si Abra ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon