Party all the way..

71 2 0
                                    

Naisipan namin nina Joanne na mag-swimming na. Tutal, 6:30 na din. Baka di na kami makapag-swimming pa pag nakita namin si Abra. Haha.

Nagpa-games pa 'yung mga admin. Tawanan lang ng tawanan. 'Yung nanalong grupo sa palaro eh, yung makakalaban nila Abra sa larong "charades".

Bandang 7, napagpasyahan na ng mga admin na magpakain na. Daming pagkain. Iba't-ibang klase. Okay lang naman daw bumalik kung gusto pa. Syempre, di na 'ko bumalik. Itinago ko na muna 'yung Patay-gutom skills ko. Haha.

Maya-maya dumating na si Kuya Georgy (Road manager ni Abra) Kaso, di nya pa kasama si Abra. Susunod na daw. Oh myyyy! Nakaka-excite na tuloy lalo. Haha. Pinakain na muna sya ng mga admin. Grabe nga eh. Sobrang lapit ko kay Kuya Georgy. Magkatalikuran lang kami habang kumakain na nakaupo. Dahil nga, PG ako sa picture. Ayun, nagpa-litrato ako kay Sarah kahit nakatalikod si Kuya Georgy. Hahaha.

May lumapit kay Kuya G. Nagpa-picture tapos sumali din kami. Hanggang nagpa-pic na din 'yung iba. Wag ng itanong 'yung pic ko kasama si Kuya G kasi hindi ako nagandahan sa pic na 'yun. Hahaha.

Nung makita ko si Abra ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon