Byahe Moments Part II :")

83 2 0
                                    

Naglakad kami papuntang bus terminal. Sa Baclaran daw baba namin eh. Ayun. Nagkanda-ligaw-ligaw na kami. Pagsakay namin sa bus. Juiceko! Isang oras ata o higit pa yung byahe. Inaliw na lang namin ni Joanne yung sarili namin sa kaka-picture gamit ang Dlsr Canon nya, este ng tito nya.

Yung moment na gusto mo na mag-GM kasi makikita mo na si Abra. Haha.

"Good aftie! Omg! Eto na yun! Otw na kami papunta sa venue! See 'ya Abra! <3"

Actually, yan talaga gusto kong i-send sa lahat ng contacts ko. Kaso, di-nelete ko din. Haha. Baka, di matuloy eh. Baka di makarating si Abra. O baka naman kami 'yung di makarating ng buhay sa venue. Grabe kasi magpatakbo ng bus si Manong driver.

Bumaba na kami. Sabi kasi ni Shiela. Bumaba na daw kami. Sumakay ulit kami. Sa pedicab naman. The Adventure of Rica & friends ata 'to eh. Haha.

Pagkasakay namin sa pedicab. Sabay ambon. Wala pa namang bubong dun sa backride. Saktong si Joanne pa 'yung nasa backride. Tiis ganda tuloy sya dun. Pagkababa namin, (Uy di kami basta bumababa lang ah. Nagbabayad din kami) naglakad lakad kami. Malapit daw yung venue sa... Ahm... Nalimutan ko 'yung pangalan! Haha. Tindahan ata 'yun eh. Nakita naman namin sya agad tapos maya-maya sabi ni Manong samin: "Derecho-hin nyo lang yan. Andun ata 'yung mga kasama nyo. Hinihintay na kayo."

Sinunod namin si Manong. Ayun. Unang bumati sa amin si Ate Janica (Head Admin ng Abratistinatics) Binati din kami ng ibang mga nandun. Medyo konti pa lang naman sila. 4pm na din pala kami nakarating sa venue.

Ang gaganda nila. Samantalang kami? Haha. Lubog ang beauty namin sa mga taga Manila. Haha. Probinsyanang -tunay kami eh. Lol.

Nakakatuwa lang na ma-meet mo sa personal 'yung mga friends mo sa fb. Hahaha. Bonus pa 'yung mga boses nila na di mo aakalaing ganun pala. Hahaha

Nung makita ko si Abra ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon