Unang-una sa lahat, ayokong pinangungunahan ang mga desisyon ko.
TUMABI ako kay kuya sa sasakyan niya. Mistulang dejavu ang lahat, para bang bumabalik ang mga nangyari kanina. Tumitingin ako sa bintana ng sasakyan ni kuya, tinitingnan ko si Dave habang pumapasok siya sa sasakyan niya. Maya-maya lang ay umandar ng ang karwahe ko tsaka dumiretso na ito papalabas ng gate.
Habang nakatingin ako sa bintana, hindi ko mapigilang mamangha kung paano lumubog ang araw pababa sa huli nitong hantungan.
"You look great," istorbo ni kuya saakin.
"I have to. Going out with one of the most watched bachelor in the country, I have to look best so that hindi masisira ang imahe ko sa public," sabi ko. "Diba yan yung matagal niyo nang pinapangalagaan? Yung imahe nang ating pamilya?"
Huminga siya ng malalim. At hindi na niya ulit ako inistorbo.
Lumingon ako sa likuran ng sasakyan ni kuya, nakasunod saamin ang isang puting SUV. Nagmamaneho nito ay si Dave. Bigla siyang ngumiti, yun bang 'alam niyang titignan siya' na tipong ngiti, iniwala ko yung tingin ko sa kanya tsaka inilipat ang mga mata ko sa bintana. Maya-maya lang ay tuluyan ng dumilim ang paligid, tanging nagbibigay ilaw nalang sa paligid ay nanggagaling sa sasakyang sinasakyan namin. Napahinto ang sasakyan namin sa haba ng traffic.
"Eto muna ang gamitin mo," sabi ni kuya sabay abot ng isang telepono.
"Ano yan?"
"Isang blackberry," paliwanag ni kuya.
"Alam ko! What I mean is para saan yan?" Sabat ko.
"Temporary phone mo."
"What!" Ani ko. "Matapos mong sirain ang pinag-ipunan kong Apple, eto lang ang ipapalit mo? HUH! I'd rather have no cellphone."
"Temporary nga lang yan," sabi ni kuya. "After your grounding session I'll replace that with an Iphone."
Kinuha ko yung inabot niyang phone, "Android ba to?"
"Hindi."
"Then this is worthless," inilagay ko ito sa purse ko tsaka ipinatong ang ulo ko sa kamay ko.
It was a long drive, around seven ay narating narin namin ang restaurant. Ipinarada ni kuya ang sasakyan malapit sa pintuan ng kainan. Bumaba akong iniwan siya tsaka pumasok sa restaurant, nakita kong naka-upo na si Dave sa isang lamesang pang-apat. Kinaway niya yung kamay niya para makita ko siya, ngunit nag-aalinlangan ako lumapit sa kanya ngayon. Inantay ko muna ang kuya ko na pumasok sa restaurant. Nang makapasok na si kuya ay sumabay na ako sa kanya tungo sa lamesang inuupuan ni Dave.
Umupo ako sa tabi ni kuya facing an empty seat.
"Wala bang uupo diyan?" Tanong ko.
"Uh... Maya-maya ay dadating na rin siya," sabi ni kuya.
"Pwede na ba tayong umorder? Gutom na kasi ako," ngunit bago pa makasagot ni kuya ay tinawag ko na ang isang waiter. Lumapit ito dala ang isang piraso ng papel at ballpen.
"Ano po yung order niyo ma'am?" Tanong nito.
"Uh- Isang lobster, pasta atsaka lasagna. Tapos sa dessert ay isang ice cream atsaka salad," lumingon ako sa kanila. "Sa inyo? Ano?"
Tinuro ni kuya ang ulo niya sa waiter. "Cancel her order, mamaya pa kasi kami kakain. Perhaps dalawang cappuccino, at chocolate sa kanya."
Umalis yung waiter habang void na yung mga pagkaing pinagsasabi ko kanina.
I looked at Ethan. "What was that all about?"
"Hindi pa dumating yung bisita natin kaya mag-antay muna tayo," sabi ni kuya.
At gaya ng sabi niya, inantay naming dumating ang 'mystery guy' na sinasabi nila. Bumalik yung waiter na may dalang isang tray, nakapatong dito ay tatlong mug. Isa-isa ay nilapag niya ang mga ito sa harapan namin, iniabot niya ang dalawang cappuccino kina kuya at Dave tsaka yung chocolate naman saakin.
"I want that cappuccino," sabi ko kay kuya.
"I-uh," nauutal na sumagot si kuya. "Khyla, I ordered you a chocolate drink."
"Did you even asked if I want a chocolate drink?" Pagtataray ko.
"Ah ma'am gusto niyo po bang palitan ko yang inumin niyo?" Tanong nung waiter.
Ngunit bago ako makasagot ay pinangungunahan na naman ni kuya ang mga desisyon ko. "No, I think I'll have to switch my drink with hers. Thank you mister, and I think we'll have our order later," sabi ni kuya sa kanya at umalis na ito.
"What the fuck was that all about?" Tanong ko kay kuya.
Slowly, he switched our drink. Na sa kanya na yung chocolate at cappuccino naman saakin. I rolled my eyes and took a sip from my coffee.
"Sana hindi nalang ako pumunta," I mumbled.
"Ano yun Khyla?" Tanong ni Dave.
"Wala ka nang paki-alam dun," sabi ko.
Biglang nabila-ukan si kuya, "Khyla! Is that how you answer a guest? How rude of you!"
"Whatever!" I rolled my eyes kay Ethan. Tumingin ako kay Dave, he was grinning.
I grabbed my purse and reached out for my phone. Jeez! Paano ba to gamitin tung blackberry na'to? This was like a 1980's phone. I switched it on, dumiretso ako sa gmail at ni-log in ang account ko. No new messages. I slowly pressed the keypad and wrote a message for Llaina.
From: Beatrice_Jagger
To: Ellaina_Gonda
7, 200 seconds and counting. I should've followed my instinct na hindi pumunta. IT'S SO BORING!
__________________
From: Ellaina_Gonda
To: Beatrice_Jagger
Regret occurs in the end sissy ;) BRB I'm making a pasta! And it's burning!
__________________WALANG hiya! Pati si Llaina ay iniwan ako sa ere, ngayon wala na akong ibang kasiyahan. Hinalukat ko yung bagong cellphone ko, buti nalang at may mga laro ito. Snake, Word Boggle, at iba pa. I pressed Word Boggle at nag-loading kaagad ang laro.
It was a fun game though, matetest kung gaano kalawak ang vocabulary niyo. You would form a lot of words in a short span of time. And it was fun!
Biglang tumunog ang isa sa phone ng kasama ko, lumingon ako sa kanila. It was Dave's phone, lumingon siya saakin atsaka kay kuya. "I should probably take this," sabi niya.
Umalis siya sa lamesa tsaka dumiretso sa labas. I took a glance at him, he was having a serious talk from a someone.
"What was that all about?" Tanong ko kay kuya.
"Let us not interfere with him," sabi ni kuya habang umiinon ng chocolate.
I can't fathom out what Dave and that someone was talking about. He was twitching his eyebrows as if he's not agreeing to a statement. It's a serious talk though. I read his lips and caught a glimpse of my name. Tumingin siya saakin at napansin niya sigurong nakatingin ako sakanya so he lose sight from me, I can sense the argument was all about me, hindi ko alam pero sa tingin ko hindi lang isang mariin na hapunan ang pinunta namin dito. Whatever this dinner is all about, it has someting to do with me.
Vote and Follow me for more updates :)
BINABASA MO ANG
Somebody To You
RomanceNag-aalinlangan. Nauutal. Natataranta. Paano nga ba malalagpasan ng isang babaeng lutang ang kanyang tinatamasa?