Malapit na ako sa starbucks.
HABANG minamaneho ko ang sasakyang ninakaw--uh I mean hiniram--kay Dave ay hindi ko mai-wala ang konting kaba sa loob ng aking damdamin. Sari-saring tanong ang umiikot sa aking isip, tama ba tong ginagawa ko? Tama bang pagdiskitahan ko ang pamilya ko, at iiwan silang hinanarap ang kanilang problema? I think I've been so rude.
Kinagat ko ang labi ko. Narinig kong tumunog yung Blackberry ko mula sa bag ko, kinuha ko ito tsaka sinagot ang tawag ni Ellaina."Spill up the words of wisdom," sabi ko.
"Uh I'm here na," sagot niya. "Asan ka na ba?"
"I'm on my way... Uh..." napatingin ako sa isang karatolang nagsasaad, 'Starbucks 5 miles away'. "Malapit na ako, just five miles away. Order me a frappe, though..."
"Oh sige," sabi niya.
"Yeah... I'm going to hang up now," sabat ko. "Okay bye..."
Napatigil ako sa isang gasoline station para makapag-gasolina, napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko ang dalawang magkakapatid na nag-aagawan sa isang piraso ng tinapay, biglaang may pumasok na alaala saaking isipan.
Naka-upo ako nun sa isang swing sa may park. That was the first time na maglayas ako sa aming bahay. I can't clearly remember the reason though, I was like ten years old that time, basta ang naalala ko ay may konting alitan sina mama at papa nun dahil sa ginawa kong pagsasabunot sa buhok ng guro ko.
Habang tinutulak ko ang sarili ko sa duyan, patuloy ko paring iniisip kung ano ang nangyari saakin kamakailan. I don't know, but I think my hatred towards my family started that day.
I never cried nor thought of what's going to happen towards my life onward. By then I knew my life would be fucked up.
Nalaman ko na lang may kumalabit sa balikat ko, napalingon ako at nakita ko si kuya.
"How did you find me?" Napatanong ako.
"I track you through GPS for God's sake," nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. "Kumusta ka? Alam mo bang natataranta na sina mama kakahanap sa'yo?"
I snare, "Really? By means of fighting each other kuya?"
Umupo siya sa kabilang duyan. Kagaya ng ginagawa ko ay dinuduyan rin niya ang sarili niya. Tumingin ako sa kanya, nakataas yung ulo niya at tumitingin ito sa itaas. I looked up and saw nothing- madilim na ulap atsaka nga bituin.
"What are you looking at?" Sabi ko.
"The stars..."
"Huh? Bakit?" Napatingala ako.
"If you whisper something throughthe stars, it will nearly happen," sabi niya.
"Ah? Talaga? Napaka-jologs mo naman kuya," napatawa ako.
"Di kaya, sige na try mo," aniya.
"Sige na nga..."
Pinikit ko ang mga mata ko at bumulong sa hinpapawid. Hindi ko alam kong magkakatotoo ba ito o hindi, idinilat ko ang mga mata ko sabay ihip ng hiling ko tungo langit.
"Ano yung hiling mo?" Tanong ni kuya.
"Nah, it's between me and the stars," sabi ko.
"Tara uwi na tayo?" Anyaya ni kuya.
I hesitated at first, but then in the end I did come home though. Not that same reason they usually do in movies, but because: a. I'm too young to commit mistakes in life and b. I don't have my own credit card.
BINABASA MO ANG
Somebody To You
RomanceNag-aalinlangan. Nauutal. Natataranta. Paano nga ba malalagpasan ng isang babaeng lutang ang kanyang tinatamasa?