We're soaring, flying.
"Baby, are you ready?" Tanong niya habang nag-aastang kapitan ng yate. Naka-tayo na siya sa tabi ng steering wheel habang unti-unti nang pinaandar ang barko.
"Baby! Today! You'll see the wide range of my sea!" Pagmamayabang niya.
"Your sea pala huh?"
"Yeah! I'm the king of the sea!" Banat niya habang humahalakhak.
Pinaandar niya yung barko habang dumiretso na ito sa malayo. Dinaan niya ito sa naglalarong mga bata sa karagatan, at napaka-tanga naman ng mga bata dahil kumakaway ang mga ito na para bang ngayong palang sila naka-sulyap ng isang yate.
"Huh, arrogant and foolish children," I murmured.
"Hoy Beatrice! Huwag kang ganyan!" Biglang sigaw ni Dave sa likod ko, lumingon ako sa kanya tulalang-tulala. "Huwag mo silang sabihan na arrogante at bobo!"
"Anong pake mo?"
"Dapat maging mabuti ka sa kanila, pasalamat ka nga at mayron ka nang wala sila!" Sabat niya.
"Mayaman kaya sila! Tignan mo nga at naka-ligo sila sa isang prestigious na beach," sabi ko kay Dave habang tinatarayan ko siya. "Ano bang meron ako na wala sila?"
"Ako, ang pinaka-mayaman mong baby," sabi niya habang nagpa-cute.
Tangin, "Ew!" lang ang nasabi ko. Inalis ko ang tingin ko sa kanya habang hindi maiwasan pagkaka-pula ng pisngi ko.
Habang pina-andar niya ulit yung barko ay hindi ko mapigilan ang bilis ng tibok ng aking dibdib, hindi ko alam kung bakit ako kung ano ang dahilan. Alam ko naman talaga sa sarili kong hindi ko siya gusto at alam ko ring hinding-hindi ako magkaka-gusto sa kanya.
"Baby!" Biglang tawag niya at lumingon ako. "Come here!"
"Huh? Bakit?"
"Basta... Ang dami mo namang tanong, e pinapapunta lang kaya kita dito," sabi niya rolling his eyes at me at nag-pout.
Oh shit. My weakness.
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya habang minamaneho niya ang yate. "What?" Tanong ko.
"Kita mo ba yan?" Sabi niya sabay turo sa napaka-lawak na karagatan. "Diyan natin itatayo ang palasyo natin."
"Don't be ridiculous. Anong akala mo saakin? Si the little mermaid?" Sabi ko rolling my eyes at him. "I won't dare to built a mansion deep in the middle of nowhere... and of course I won't with you."
He chuckled, "Huwag kang magsalita ng tapos Beatrice. Baka mamaya malaman mo nalang may gusto ka saakin."
"Never," sabi niya.
"If you won't then this deal of ours won't be a blast. Hindi to magwo-work unless..." he traced kisses around my neck, which made me shiver, "...you'll fall in love with me."
Napanguso ako habang nag-abot ang dalawang kilay ko, "Whatever pervert. Just keep your eyes on the road... er... sea."
"Okay madame, as you wish," sabi niya grinning. Aalis na sana ako ng bigla niya akong pinigilan at hinawakan. "Where are you going?"
"Sa baba"
"No. Stay here, with me," sabi niya in his earnest frown.
"Huh? Paano? E wala naman akong gagawin rito," sabi ko complaining.
"I want you to be here, with me," aniya pouting.
"And what do you want me to do?"
"Hug me" sabi niya na para bang isang bata.
BINABASA MO ANG
Somebody To You
RomanceNag-aalinlangan. Nauutal. Natataranta. Paano nga ba malalagpasan ng isang babaeng lutang ang kanyang tinatamasa?