What are you waiting for?
NAGISING ako sa maalarmang tugtog ng isang kanta. Masakit parin yung ulo ko, pilit kong tumayo mula sa kinahihigaan ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.
"Shit," ungol ko.
Lingon ako ng lingon. Last time I check dalawa yung kama sa kwarto ko, atsaka nung huli ko itong makita ay makalat parin ito. Naaliwalas ako sa ganda ng kwartong hinihigaan ko, ginto yung ilang furniture atsaka maganda ito, napakalaki ng hinihigaan kong kama atsaka napakalambot. Nakita kong may Advil atsaka isang baso ng tubig sa bedside table ng hinihigaan ko.
'Eat me' ang nakalabel sa Advil. Kaya kinain ko ito, 'Drink me' naman yung sa tubig. Maya-maya lang ay napawi ng konti yung sakit ng ulo ko.
Biglang bumukas yung pinto atsaka pumasok ang isang pamilyar na lalaki.
"How's your sleep?" Keegan asked as he wipe the sweat off his tendering muscles.
"Galing ka ba nag jogging?" Tanong ko sa kanya.
"Obviously. How was your sleep?"
Nagkibit balikat ako. "It was fine? I guess?" Pagsisinungaling ko kahit may konting sakit pa yung ulo ko. "How long was I asleep?"
"Three days," sabi niya.
"Shit!" Pagmumura ko.
"Huh? Bakit?"
"Hindi ako nakapag-paalam kay Llaina. Baka napano na yun kakahanap saakin," sabi ko. "Fuck I have to go."
Tatayo na sana ako ng biglaan akong nadapa. Nagmadaling lumapit saakin si Keegan para alalayan ako, "Mag-ingat ka. Your feet is still sore. I'd probably get some hot compress, just wait here." Napa-upo ako ulit sa kama habang pinapanood siyang labas sa kwarto niya. Bumalik siyang dala ang isang balde na puno ng mainit na tubig, nakasabit sa kanyang balikat ang isang puting towalya.
Umupo siya sa sahig sa harapan ko atsaka inabot ang paa kong masakit. Hinay-hinay niyang hinilot ito, napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang sarap. Pinahiran niya ito ng hot compress atsaka hinilot ulit.
I moaned.
"Masakit ba?" Sabi niya.
"Obviously," I rolled my eyes. "Ikaw daw mabalian? By the way, can I go home after this?"
He fake coughed.
"Asan ba ako?"
"Nasa isla ko. Malayo dun sa resort na tinutuluyan mo," sabi niya. "I don't know where to bring you. I panicked you know. So dito kita dinala."
"So? Can I go home?"
"Hindi..."
Nanlaki yung mata ko, "Anong hindi? What the fuck Keegan! Don't tell me you did this on purpose."
"Well..."
"Well what? That's bullshit!"
"Hindi pa makakabalik ang bangka within two days. So whether you like it or not, you stay with me for two days," aniya.
"Holy shit!" Pagmumura ko.
"Ariana, stop with the foul words. It's kinda irritating you know," sabi niya.
Woah! Now I'm the bad guy here. What is wrong with this guys. "Can I atleast make a call? To Llaina?" I rolled my eyes.
"Yeah sure," inabot niya saakin yung phone niya.
I dialed Llaina's number and luckily she answered.
"Hey Llaina it's me," sabi ko.
"What the heck Khyla! Asan ka ba? Alam mo bang hinanap kota kung saan-saan?" Bungad ni Llaina. "Halos mabaliw akong kakahanap sa'yo! Where on earth are you?"
BINABASA MO ANG
Somebody To You
RomanceNag-aalinlangan. Nauutal. Natataranta. Paano nga ba malalagpasan ng isang babaeng lutang ang kanyang tinatamasa?