Ika Labing-isang Kabanata

16 2 0
                                    

Some things changed.

NUNG sinabi ni Dave ang mga salitang yung ay para bang naghilom ang galit na pumupuno sa dibdib ko dulot ng pagiging arrogante at mayabang ng kapatid niya.

Parte saakin ay nasasaktan parin sa mga sinabi ni Brandon. Siguro naman ay masasaktan ka kapag yung taong siyang tangin umaasa ka ng pagmamahal ay siya ring sasaktan ka. Ngunit ng makasama ko si Dave ay para bang humilom ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. It's as if he's changed. Na para bang umiba yung tingin ko sa kanya.

Beatrice stop! Kalaban ang mga Brennan! Hindi ka dapat magpapaniwala sa kanila!

Nakatali parin ang kamay ko sa kamay ni Dave. Biglang bumukas ang pintuan ng elevator at sabay kaming lumabas dalawa sa lobby area ng building. Naglakad kami tungo sa maraming mamahaling sasakyan, huminto kami sa harap ng isang gray na Lamborghini, papasok na sana siya sa driver's seat ng ma-realize naming nakatali kami sa isa't-isa.

"Oh? Ano?" Sabat ko habang tinatarayan niya ako.

"Uh una ka munang sumakay tapos ilo-lock kita sa loob. Mag-antay ka hanggan makapasok narin ako," sabi niya.

"Kung pakawalan mo na lang kaya ako?"

"No baby, we're going to have a date today," aniya.

"Does it come to your mind na mapapangasawa ko na ang kapatid mo?" Tanong ko. "Huwag ka ngang tanga!"

"I'll explain later, kailangan mo munang sumama saakin. Pumasok ka sa sasakyan," sabi niya.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko, "Paano? Eh nakatali tayo! Ulol!"

Ipinasok niya ako sa upuan katabi ng seat na nakatali parin ang dalawang kamay, tinanggal niya yung tali niya at tinali ito sa sasakyan. Isinara niya ang pintuan at kinulong ako. Maya-maya ay pumasok na siya sa tabi ko, pinaandar niya yung sasakyan niya at inilabas ito sa lobby ng Cocktail Industry.

"Saan gusto mo?" Aniya.

"Sa condo mo, alam ko namang katawan lang yung pakay mo saakin," sabi ko.

"Really? Akala ko ba hindi ka cheap," sabi niya. "Gusto ko lang namang makilala ka ng husto. So that I could strengthen my love for you."

I rolled my eyes. "Love?! Sa ganitong paraan? Ganito mo ba nilalaro ang mga mahal mo? Tinatali mo?"

He smirked, "Well most of them sa kama ko tinatali. Pero ikaw espesyal ka, you have that different aroma from all those female creatures I encountered."

"Pathetic! Womanizer ka talaga! Pervert!" Sabi ko sa kanya.

"You see, yan yung nagustuhan ko sa'yo eh," sabi niya. "Iba ka sa kanila. You're rude, brat and a bitch."

"Bitch is a female dog. Do I look like a dog to you?" Banat ko habang tinatarayan siya. "Huwag ka ngang bobo!"

"I like you," bigla niyang nasabi. "And today I'm gonna show it to you."

"Whatever!" I rolled my eyes at him. "Bakit mo ba ako nagustuhan huh? Diba huli nating kita ay nagbabangayan tayo?"

"Kasi as I said, iba ka sa kanila. Ang then it hit me like a bullet, one day I woke up realizing that I am inlove with you," sabi niya habang kinukurot yung pisngi ko.

Ini-alis ko yung tingin ko sa kanya dahil baka mapansin niyang namumula na ang mga pisngi ko. Nahihingal na ako sa bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam pero may ibang kung ano akong naramdaman sa tiyan ko.

No Beatrice! The Brennan's are your enemies! Kung ano man yang nararamdaman mo! Tigilan mo yan!

I snapped out to reality nang hininto niya ang sasakyan niya sa isang garden restaurant. Lumabas siya ng sasakyan at iniwan ako.

Somebody To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon