///A Demon, Color's and Demon/// Season 2 Episode 4: B-Killer

45 12 1
                                    

///A Demon, Color's and Demon/// Season 2 Episode 4: B-Killer

~

'Di pa kami nakakapasok ay pakiramdam namin ay welcome na welcome kami sa pamayanan. May mga tricycle na nagtawag sa aming tatlo kaya sumakay kami doon. Tuwang tuwa naman ang tatlo dahil sa first time nilang makalabas sa city. At ito pa ang una nilang napuntahan. "Sobrang bait ng mga tao para makilala agad tayo sa unang beses palang nilang makita tayo 'di ba?" Tuwang sambit ni France. Tumingin ako sa kanya at sinabing tumahimik siya. Malapit sa driver ang inuupuan nila Jamie at Ash. Nag uusap sila ng kung ano ano habang ako ay nagtaka dahil nung nakita kami ng driver ay agad itong lumapit sa amin at inaya kami na sumakay. May kakaiba sa ngiti ng driver kaya inihanda ko ang maliit na bala na binigay sa amin ng secretary ni Mr. Kurosawa, gamitin daw namin kapag kinakailangan.

Ilang sandali lang ay tumigil ang tricycle sa isang bahay na ikinataka naming lahat. Bumaba ang driver at sinabihan kaming maghintay dahil may kukunin lang daw siya. Lumipat naman ako sa inuupuan ni France at kinausap si Jamie at Ash. "Kayo ng dalawa ang gumawa ng report para mamaya ah? May aasikasuhin kasi ako." Sabi ko at lumabas para bumili ng candy. Nag rant pa sila kaya sinabihan ko silang gumawa ng false report tungkol sa akin. Bumaba naman si France at sumunod sa akin. Nakakita ako ng tindahan na malapit at doon bumili ng candy at dahil sa nakasunod sa akin si France ay kinausap ako nito. "Bakit mo sila sinabihang gumawa ng false report? May binabalak ka ba?" Tanong niya. Hindi ko ito sinagot at inabot sa tindera ang bayad ko. Kinuha ko ang candy ko at bigla nalang akong hinawakan sa balikat ni France at iniharap sa kanya, dahilan ng muntikan kong pagtalisod.

"Bakit?" Pagmamaang-maangan ko. Tumingin ito sa akin ng diretso bago bumuntong hininga. "Fine, kung ayaw mong sabihin edi wag," sabi niya at bumalik sa tricycle. Habang nakasandal sa istante ng tindahan, nakatingin sa asul na langit ay naabala ako ng makita ko ang driver sa harapan ko. Napaayos ako ng tindig at tinanong kung anong problema. Wala itong ibang sinagot kundi "Pwede mo ba kaming tulungan?" Puno man ng kalungkutan at pagkamuhi ay nilapitan pa rin ako nito para hingan ng tulong. Sinabihan niya kong sumunod sa bahay nila. Nakita nila akong tatlo at sinenyasan ko silang wag sumunod dahil pakiramdam ko ay hindi dapat madamay ang mga katulad nila sa sitwasyon na 'to.

Pagkapasok ko ng bahay niya ay biglang lumamig ang paligid. Hindi sa hangin kundi sa may kung anong yumakap sa akin. Nakakapagtaka man ay hindi ko nalang iyon ininda at tinanggal ang sapatos ko. Sinabihan ako na umupo sa sofa kaya naupo ako doon at hinintay siya, umakyat kasi ito at may tinawag kaya tumingin tingin ako sa paligid. Napansin kong madami silang litrato na silang buong pamilya ang magkakasama. Ilang sandali lang ay bumaba ang driver kasama ang asawa niya at naupo sa sofang kaharap ko. Inaya pa ko ng asawa ng driver ng maiinom pero umayaw ako dahil na rin sa abala. Habang tinitingnan silang dalawang mag asawa ay naramdaman ko ang kalungkutan sa mga mukha nila.

"Alam naming mga agent lang ang makakagawa ng sasabihin namin pero..... Kahit ano ibibigay ko maibigay lang ang hustisya sa anak ko," sabi ng asawa. Di ko man maintindihan pero ng tumingin ako sa paligid ay nalaman ko kaagad kung ano ang gusto nila. "Wag na po kayong magbayad. Sino pa ang ipapapatay niyo?" Tanong ko. Tumingin silang dalawa ng diretso sa akin at nagsalita ang asawa. "B-Killer." Diretsong sambit nila. Napatingin naman ako sa kanila at tinanong sila kung may kinalaman ba ang taong ito sa Duran Sister's. Tumango ang dalawa at lalo akong hindi mapakali sa upuan ko dahil sa magandang balita ko.

"Saan ko ba siya matatagpuan?" Tanong ko sa kanilang mag asawa. Napatingin naman silang dalawa sa isa't isa bago sagutin ang tanong ko. "Hindi ka na mahihirapan sa paghahanap sa kanila." Simpleng sabi ng driver kaya nagtaka ako. Tumingin ako sa kanilang dalawa na puno ng pagtataka bago nila sabihin ang totoo.

A Demon, Color's and Demon S̸e̸a̸s̸o̸n̸ 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon