///A Demon, Color's and Demon/// Season 2 Episode 2: Duran Sister's
~
Lalabas na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.
"Sandali!"
Lumingon ako sa likod ko at napansing ito ang babaeng nakalaban ko kanina. Napangisi ako ngunit hindi niya napansin.
"Oh?"
Napakuyom ito ng kamao.
"Sino ka ba talaga?" Tanong niya.
Tumingin ako sa kanya bago sumagot.
"Ako? Hindi ko alam, wala kong pangalan," sabi ko at nagpatuloy maglakad papunta sa elevator.
"Cole ang pangalan ko! Tandaan mo yan! Tatalunin kita sa susunod na pagkikita natin!" Huling sinabi niya. Pagkapasok ko sa elevator ay may biglang pumasok sa elevator.
Napansin kong yung Ecka ito na kanina ko lang nakilala.
"Mag ingat ka, hindi mo alam kung kailan ka nila aatakihin," huling sinabi niya bago mawala.
Kasabay ng pagkawala niya ang pagsarado ng pintuan.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Nang magbukas ang elevator ay lumabas na ko sa building. Habang naglalakad pauwi ay naisipan kong buksan ang love letter na binigay sa akin kanina.
Kinuha ko iyon sa bulsa ko at tiningnan ang buong papel. Tinapat ko pa ito sa araw para malaman kung may laman pero nagtaka ako dahil wala.
"Tsk! Walang kwenta," ibinalik ko nalang ito sa bulsa. Ngunit habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang sarili kong buksan ang love letter. Kinuha ko ulit ito sa bulsa ko.
"Curious lang ako," sabi ko sa sarili ko. Nang binuksan ko ito ay nag iba ang pakiramdam ko. Bigla nalang may lumabas na usok dito. Lumayo ako ng kaunti bago ito tuluyang sumabog. Sa sobrang lakas ng pagsabog nito ay may iba pang mga tao ang nadamay.
Mabuti nalang ay nakaramdam ako ng panganib sa sulat na iyon bago yun tuluyang sumabog.
"Tch! Kainis, tama nga si Nile." Singhal ko.
Pinagkumpol ko ang mga tao sa paligid na nadamay sa pagsabog. Sinabihan ko din ang mga taong tumawag ng ambulansya. Nang medyo nawala na ang apoy sa paligid ay umalis na rin ako.
Nang makabalik sa bahay ay naabutan ko si Nile na nanood ng balita sa tv. Napansin ako nito at nilingon ako.
"Ayos ka lang?" Tanong niya.
"Bakit?" Pagkunot ng noo ko.
"Sabi sa balita may pagsabog daw sa daan ah?" Sabi niya.
"Oh tapos?" Tanong ko.
"Nakita kita sa CCTV footage eh, ayos ka lang?" Tanong niya ulit.
"Oo," sabi ko at naupo malapit sa lamesa. Kumuha rin ako ng gawa niyang cookies.
"Blurgh! Alat," sabi ko. Nilingon naman ako nito.
"Experiment, cookie chips," pag ngiti pa nito.
"Sa'n mo ba nakukuha tong mga idea na 'to? Kasi kung sino man sila? Wala silang alam pagdating sa deserts," busangot ko.
"Ay, grabe ka naman, tanggalin mo na nga yang hood mo, nasa loob ka na ng apartment ko," sabi niya. Tinanggal ko ang hood ko at nanood ng balita.
"Isa nanamang atake ang naganap malapit sa MNL Association. Sigurado ang lahat ng tao na kagagawan nanaman ito ng Duran Sister's. Mag ingat po kayo kung may magbibigay man po sa inyo ng love letter. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makita sa lahat ng CCTV footage ang Duran Sister's. Sa ngayon ang naging biktima nila ay isang lalakeng nasa college at.... Huh? Walang pangalan? Mabuti na nga lang ay kaunti lang ang sugatan sa nangyaring pag atake. Hanggang ngayon ay gumagawa na ng aksyon ang MNL Association sa nangyaring pag atake. Yun lamang po ang mabilisang balita ngayong hapon."
BINABASA MO ANG
A Demon, Color's and Demon S̸e̸a̸s̸o̸n̸ 2
FanficI'm... Unknown. I don't know my name. Who am i? -•- Can i survive this hell? Maybe. Demon with a green heart and... "Resisting will make me suffer"