///A Demon, Color's and Demon/// Season 2 Episode 5: Scarlet

66 11 10
                                    

///A Demon, Color's and Demon/// Season 2 Episode 5: Scarlet

~

"Hey... Ako lang ba? Parang sobrang tagal ni gabb sa banyo.."

"Oo nga eh, di pa rin siya bumabalik.. Sumakit kaya tiyan niya?"

"Imposible naman ata yun..."

"Kanina pa siya sa cr eh. Tsaka, sobrang lapit na natin sa istasyon.. Check mo nga Miho."

"Sandali!"

"Oh?"

"Sasama ako."

Sumunod ako kay Miho papunta sa cr. Pagkapasok namin ay nagtaka kami kung bakit walang tao.

"Wala siya... Teka.. Ano yun?"

Nakakita siya ng bato malapit sa bintana kaya kinuha ko iyon. Tumingin ako sa labas pero wala akong nakitang basag sa salamin. Tumingin ako kay Miho at kinausap ito.

"May bato malapit sa bintana, pero walang basag." Bigay ko sa kanya ng bato. Kinuha niya iyon at tiningnan. Ako naman ay binuksan ang bintana at tumingin tingin sa labas. Wala akong nakitang gabb kaya isinarado ko ito. Paglingon ay bigla nalang may lumabas na tao sa batong hinahawakan ni Miho. Tinuro ko sa kanya ang bato at ng makita niya ay ihinagis niya ito sa akin.

Maya-maya lang ay biglang nagsalita ang tao sa bato.

"Hm? Gabb? Nasan ka? Uh! Prinsesa Coleen." Sabi niya at nag bow.

Puno naman ng pagtataka ay tinanong ko siya. "Nasaan si Gabb?" Pagtitig ko sa taong nasa bato.

"Wala siya? Heh~ Ginawa niya talaga huh? Hmm.." Pakikipag usap niya sa sarili niya.

"Sagutin mo ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Uh.. Patawarin niyo po ako. Ipapaliwanag ko po ang nangyari. Si Gabb ay.. Nakipaglaban kay Abelaine." Sabi niya.

"Abelaine?? Sino siya?" Takang tanong ko.

"Ilang araw ng hindi bumabalik sa kastilyo si Abelaine kaya po nagtaka kami. Nagpadala ng iba pang demonyo ang hari para mag imbistiga sa lupa. Naabutan nilang walang malay si Abelaine kaya ngayon ay nagpapagaling siya sa kuwarto niya." Mahabang sambit niya.

"Wala akong pakialam diyan! Sabihin mo kung saan ko mahahanap si Gabb!" Sigaw ko sa kanya, dahilan ng pagluha ng kanang mata ko.

"Sasabihin ko rin naman po sa inyo kung may nalalaman ako kung nasaan siya. Pero sa ngayon ay wala." Pag bow ulit nito.

"Kung gano'n... Hahanapin namin siya." Sabi ko.

"Kung mahanap niyo man siya ay hindi na niya nila kayo kilala." Nanigas ako na parang bato sa sinabi niya.

"Huh?" Lingon ko sa bato ng dahan dahan.

"Para matalo niya si Abelaine ay kailangan niyang ibigay at burahin ang alaala niya. Hindi mo ba natatandaan kung paano ka niya niligtas kay Abelaine? Kung sabagay.. Wala ka nga palang malay noon," sabi niya.

"Kung gano'n... Hindi ako nananaginip nung mga oras na yun?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Ano ng gagawin mo?" Tanong niya. Napatingin ako kay Miho na hindi makapaniwala sa nakikita.

"Hahanapin ko siya." Sabi ko.

"Ikaw ang bahala Prinsesa Coleen." Sabi niya at nawala.

A Demon, Color's and Demon S̸e̸a̸s̸o̸n̸ 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon