Kaunting pasabi lang mula sa author....
“Kung nababasa niyo itong Episode 7 ay sabihin ko lang na late na late ko na ito ginawa dahil sa tinatamad na ko, sa pagkakaalala ko kasi yung Episode 6 mga August 30, 2021 ko na natapos. Sobrang late na neto pero yun nga, tamad akong tao kaya kung nandito pa yung nagbabasa at gustong malaman ang susunod na part ng A Demon, Color's and Demons nagpapasalamat ako sa inyo. Babaguhin ko na rin ang format ng kuwento, hindi na dikit dikit na salita para hindi masaktan yang mga mata niyo yun lang.”
///A Demon, Color's and Demon/// Season 2 Episode 7: We're back!
~
...
"Hello?" Tapik ni Coleen sa taong nakasuot ng hoodie.
"Huy! I'm hungry, may food ba kayong bitbit?" Tanong ni Yzabel.
"Meron akong chocolate, yun nga lang di ka mabubusog" sabi ko habang kinukuha ko sa bulsa ko ang chocolate.
"I'm hungry" napaluhod siya habang hinihimas ang tiyan niya.
"Buhay pa ba 'tong taong 'to?" Sabi ni Coleen habang tinatapik tapik ang taong nakasuot ng hoodie.
Hindi namin masabi kung lalake o babae dahil sa naka-daplak ito sa damuhan, hindi naman namin maiayos ng upo o magalaw dahil baka natutulog lang.
Kanina pa tinatapik ni Coleen yung tao dahil sa ayaw magising kaya inakala nalang namin na lasing ito.
Halos walong oras na kaming tumatakbo pabalik kung saan posibleng nalaglag si Gabb pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya mahanap.
"Sigurado ba kayong mahahanap pa natin siya? I mean, naandito na tayo sa lugar kung saan siya pwedeng malaglag pero hindi pa natin siya mahanap" sabi ko habang tumitingin sa damuhan.
Hindi nila ako sinagot dahil sa busy ang bawat isa sa amin. Except kay Coleen na kanina pa tinatapik yung natutulog na hoodie (guy).
Ilang sandali lang ay biglang nagliwanag ang batong hawak ni Coleen kaya naman agad kaming napalapit ni Yzabel kay Coleen.
"Please good news, Please good news" paulit ulit na dasal ni Yzabel.
Napalunok kami dahil sa sobrang bagal lumabas ni LaLa sa screen (bato).
Unti-unti lang ay tuluyan na itong lumabas na para bang kung maka-awra ito ay akala mo diyosa siya.
"Ohohoho! May maganda akong balita!" Pagtawa niya na medyo pataray.
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Si Gabb! Nararamdaman ko na napakalapit lang niya!" Napasapo naman kami sa noo dahil sa hindi niya sinabi kung saan ang eksaktong lokasyon ni Gabb.
"Sabihin mo nalang kasi kung saan banda!" Reklamo ni Yzabel.
"May reklamo ka? Ipa-tulfo mo yan,"
Naurat kaming tatlo dahil nagawa pa nitong magbiro.
"Pero sa totoo lang... Nararamdaman ko na malapit lang siya pero may kung anong pumipigil sa akin para lang mahanap siya... Nakakapagtaka." Napatingin siya sa sahig (damo) habang nagsasalita.
"Matanong ko nga, saan ba namin makikita yung sinasabi mong city? Nasa malawak na damuhan kaya kami ngayon," Sabi ni Coleen.
"Hindi niyo pa rin nakikita? Nasa likuran niyo na." Biglang tumaas ang boses niya.
Napatingin kami sa likuran namin pero wala talaga kaming makita. Tumirik ang mga mata namin at tinitigan siya ng masama
"A-Ano? Hays~ Ito na, bibigyan ko kayo ng kaunting kapangyarihan, PERO siguraduhin niyong makakalabas kayo ng buhay ah?"
BINABASA MO ANG
A Demon, Color's and Demon S̸e̸a̸s̸o̸n̸ 2
FanfictionI'm... Unknown. I don't know my name. Who am i? -•- Can i survive this hell? Maybe. Demon with a green heart and... "Resisting will make me suffer"