Dalawang taon na kami ng nobyo ko nang magpasya kaming mag-live-in.
Noong una ay maayos pa ang pagsasama namin, pero habang tumatagal, parang nagbabago na siya.
Ayaw niyang may kinakausap akong ibang lalaki, ayaw rin niyang magkaroon ako ng mga kaibigang lalaki.
Nasasakal na ako sa kanya dahil pati ang tatay ko at mga kapatid kong lalaki ay pinagbabawalan akong kausapin sila.
Kinuha niya ang cellphone ko para hindi na ako magkaroon pa ng komunikasyon sa pamilya ko.
Dahil wala akong pinagkakabalahan dito sa bahay, lumalabas ako minsan para makipagkwentuhan sa mga kapitbahay.
Isang araw, nagalit siya sa akin ng maabutan niya akong nasa labas at nakikipagkwentuhan.
Ikinulong niya ako sa kwarto.
Kahit anong iyak ko at tawag sa kanya ay ayaw niya akong palabasin.
Isang linggo na akong nakakulong at sa loob ng isang linggo na iyon ay puro bugbog ang inaabot ko sa kanya dahil sa tuwing papasukin niya ako sa kwarto at gagalawin ay hindi ako pumapayag.
Alam kong may karapatan siya ngunit ayoko talaga. Para siyang hayop na gutom sa laman.
Lumipas ang isang buwan. Naririnig ko mula sa kapitbahay na may mga pinatay daw na mga kalalakihan. Pinagtataga raw ang mga ito.
Kahit na nakakulong pa rin ako ay dinig ko pa rin sila dahil malalakas ang kanilang mga boses.
Makalipas ang ilang araw, may nagbukas ng pintuan kung saan ako nakakulong.
Lumabas ako sa kwarto.
Hinanap ko kung sino ang nagbukas.
Hanggang sa narinig ko ang boses ng kinakasama ko na parang tumatawa.
Sinundan ko ang boses niya.
At napunta ako sa isang kwarto.
Itong kwarto na ito ay ayaw niyang ipakita sa akin dati.
May narinig pa akong ingay bukod sa pagtawa ng kinakasama ko.
Nakakakilabot.
Umiiyak ang boses na iyon at nagmamakaawa na tigilan na ang ginagawa dito.
Sinubukan kong buksan ang pinto.
Sa pagbukas kong iyon.
Nakita ko siyang parang may kinakatay.
Natakot ako sa nakita ko.
Nanlamig sa nakita.
Tao ang kinakatay niya!
At sa paligid ng kwarto ay mga putol na bahagi ng tao ang nakakalat.
"Nandyan ka na pala. Huwag kang mag-alala, ikaw na ang susunod."
Sa narinig kong iyon mula sa kanya, bigla na lang akong tumakbo.
Tumakbo ako ng mabilis.
Sa paglingon ko ay nakita ko rin siya na hinahabol ako.
Puro dugo ang damit at ang katawan niya.
At may dala siyang itak.
Nang may makita akong traysikel, dali akong sumakay dito. Sinabi ko sa drayber na bilisan ang pagpapatakbo.
Lumingon ako sa pinanggalingan ko at gayon na lamang ang aking tuwa nang hindi ko na siya makita.
Ngunit nagkamali pala ako.
May gamit siyang motorsiklo at hinahabol pa rin ako.
Mabilis siyang magpaandar kaya naabutan niya kami.
Ngumisi siya sa akin sabay sinaksak niya ng dala niyang itak ang mukha ng drayber.
Gumewang ang traysikel at pasalamat ko na lang na hindi kami naaksidente. Pero ang drayber, sigurado akong patay na siya.
Tumakbo ulit ako ng mabilis kahit alam kong maaabutan niya ako.
Habang tumatakbo ako, naramdaman ko na parang may nahiwa sa katawan ko.
Pagtingin ko sa kaliwang kamay ko.
Putol na pala ito!
"HAHAHAHA! AKALA MO MABUBUHAY KA PA?!"
Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko, ang tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo mula sa braso ko.
Sinubukan kong tumakbo pa ng mas mabilis pero talagang naaabutan niya ako.
May nakita akong truck na papunta sa direksyon namin. Pagewang-gewang ang andar nito. Paniguradong lasing ang drayber.
Mabilis ang andar ng truck kaya hindi na ito naiwasan ng kinakasama ko.
Nabangga ito ng truck.
Hiniling ko na sana patay na siya.
Sana nga.
Bumalik na naman ang takot ko.
Naririnig ko siyang tumatawa.
Mas malapit na ngayon.
Pagtingin ko sa harapan.
Nakita ko siya.
Paano nangyari?
Dapat ay patay na siya.
Sinubukan kong tumakbo muli pero nahiwa na niya agad ang isang binti ko.
Bigla akong napahiga.
Ang sakit!
Ang sakit-sakit!
Sumigaw ako ng sumigaw dahil sinimulan na niyang hatiin ang katawan ko.
Hanggang sa.
Ibinuka niya ang bibig ko at hatiin ito.
At ang huling ginawa niya ay.
Itinusok niya ang itak sa mga noo ko.
BINABASA MO ANG
Compilation of One Shot Horror Stories
HorrorMga kwentong nabuo sa magulong pag-iisip ng baliw na author.