Anino

1.3K 32 22
                                    

"Walang sikretong hindi nabubunyag."

Napatunayan ko na ito nang malaman ko ang sikretong itinatago sa akin ng pamilya ko.

Noong bata pa lamang ako, naiinggit ako sa mga kaedad ko kapag naririnig ko silang nag-ku-kwentuhan tungkol sa mga anino nila.

Pinagkakatuwaan nila palagi ang mga anino nila lalo na kapag maliwanag pa. Minsan para silang nakikipaghabulan sa mga sarili nilang anino. Minsan naman ay gumagawa sila ng mga kahit anong bagay o hayop gamit ang anino.

Ang lahat ng iyan ay hindi ko pa nararanasan dahil hindi ako pinapayagang lumabas ng magulang ko kapag mayroon pang liwanag. Ni minsan, hindi ko pa nakikita ang sarili kong anino.

Nang ako ay mag-kolehiyo, ang klase ko palaging pang-gabi. Dumating ang isang gabi na hindi ko sinasadyang makita ko ang anino ko, sa unang pagkakataon, na iba ang galaw kaysa sa aking sarili. Nakakapagtaka. Talaga bang ganoon?

Dala ng kuryosidad ko, lagi na kong tumatapat sa ilaw o sa kahit saan basta mayroong liwanag para lang makita ko ang anino ko.

Iba talaga ang aking anino, parang mayroon itong sariling isip.

Isang araw, nahuli ako ng aking magulang na nakikipaglaro sa anino ko.

Pinagalitan nila ako at ikinulong sa isang silid na sobrang dilim. Walang liwanag na pumapasok.

Lumipas ang isang linggo. Nandito pa rin ako sa silid na ito. Biglang nagkaroon ng liwanag at uminit bigla. Naririnig kong sumisigaw ang aking Mama, humihingi sya ng tulong.

Nasusunog na pala ang buong bahay.

Nakita ko ang anino ko, mayroon na itong mukha. Nakangiti s'ya sa akin at sinabing, "Matagal na tayong pinaghihiwalay ng magulang mo. Oras na para singilin ko sila. Mamamatay sila, at kasama ka. Habang-buhay na kitang makakasama."

Unti-unting nagdilim ang aking paningin, ngunit, nakita ko pa rin ang pagbabago niya ng anyo.

Isang demonyo pala ang nasa aking anino.

Compilation of One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon