Panaginip

1K 32 5
                                    

Ang sabi nila, hindi raw nagkakatotoo ang nasa panaginip.

Pero bakit sa tuwing nananaginip ako, nagkakatotoo ito. Parang nakikita ko sa panaginip ko ang mga mangyayari pa lamang.

Noong una ay hindi ako naniniwala, akala ko nagkataon lang.

Ang unang panaginip ko ay noong nag-aaral pa lang ako ng elementarya. Nakita ko sa panaginip ko ang isa sa Tiyuhin ko, nasagasaan ito ng truck.

Kinuwento ko ito kay Inay, ang sabi niya sa akin, huwag ko na lamang daw pansinin. Dahil ang panaginip daw ay hindi nagkakatotoo.

Kinabukasan, nabalitaan namin na nabangga raw ang Tiyuhin ko. Patay na ito bago pa man makarating sa ospital. Inisip ko noon, nagkataon lang ang nangyari.

Sa ikalawang pagkakataon, muli akong nanaginip. Nakakatakot.

Sa panaginip ko, nilusob ng rebelde ang taniman nina Itay. Lahat ng mga kasama ni Itay ay namatay.

Sinabi ko kay Itay na huwag na siyang pumunta sa taniman dahil mayroong lulusob doon, pero hindi siya naniwala.

Nalaman na lang namin, namatay sina Itay dahil sa mga rebelde.

Nang dahil sa pangyayaring iyon, lagi ko ng ikinatatakot kung ano ang sunod na makikita ko sa panaginip ko. Takot na akong matulog.

Hanggang sa mag-kolehiyo ako. Dala ko pa rin ang takot sa panaginip ko. Walang panaginip ko na hindi nangyayari, at lahat ng iyon ay hindi maganda.

Hanggang kinabihan, sobrang pagod na ko dahil sa thesis namin. Pagkauwi ko sa tinutuluyan ko, dumiretso na ko agad sa aking higaan. Unti-unti, nakatulog ako.

Bakit parang may nasusunog? N-nasusunog ang dormitoryo?

Kinakain ng apoy ang mga paa ko, ang mga kamay ko, hanggang sa buong katawan ko.

Bigla akong nagising. Isang masamang panaginip. Nakita ko ang sarili kong mamamatay sa panaginip na iyon.

Nagmadali akong lumabas sa kwarto ko, dala ang takot na kanina ko pa nararamdaman.

Ngunit. Huli na pala ang lahat. Biglang nasunog ang dormitoryo at mabilis kumalat ang apoy.

Katulad ng sa panaginip ko, unti-unting kinain ng apoy ang katawan ko hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Compilation of One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon