The River

1.8K 40 40
                                    

Malayo na ang aking nararating nang magpasya akong huminto.

Ah. Sa ilog na ito pa ako tumigil.

Ang ilog na puno ng misteryo.

Ang ilog na kumitil ng buhay ng mga tao.

Ipinagbabawal na sa aming lugar ang magpunta dito, pero ewan ko ba, dito pa naisipan ng aking mga paa na huminto.

Maraming kwento ang ilog na ito. Maraming tanong na hindi pa nasasagot hanggang ngayon.

May nagbabantay nga ba sa ilog na ito o mga kaluluwa lamang na hindi pa rin matahimik hanggang ngayon?

Ang usap-usapan dati dito sa bayan namin, dito raw sa ilog na ito itinatapon ang mga bangkay noong panahon pa ng mga kastila.

Mayroon namang sabi-sabi na, pinamamahayan daw ito ng mga maligno.

Marami na ang namatay dito, marami na rin ang mga nawala na kailanman ay hindi na natagpuan pa.

Naalala ko pa ang kwento ng aking lola. May magkasintahan daw na nagpunta dito upang mamasyal pero hindi na nakita. Naging usap-usapan iyon na tumagal ng halos isang buwan. Hanggang isang araw, natagpuan na lang daw ang mga katawan ng magkasintahan na palutang-lutang sa gitna ng ilog.

Ang isa namang kwento ay may dumayo raw dito na nagpasyang magpahinga lamang, pero kinabukasan ay nakita na lamang siyang wala ng buhay.

Mayroon namang naging usap-usapan dito na puro raw kabataan ang mga nawawala. Nagpasya raw na maglangoy ang mga ito sa ilog. Ang sabi raw ng isang nakaligtas, mayroon daw humila sa mga paa nila. Nalunod ang karamihan sa kanila, ang iba naman ay hindi na natagpuan pa.

Ang bagong usap-usapan dito sa bayan ay ang pagkawala ng isang dalaga. Dalawang buwan na itong nawawala.

Lagi kong nakikita ang pamilya niya na umiiyak, naghihinagpis, at isinusumpa itong ilog.

Lumipas pa ang isang buwan, narito ulit ako sa ilog. Nakita kong parang may nakalutang, katawan ng isang tao. Nilapitan ko ito at ako ay nagulat.

Bakit ako ang nakalutang? Bakit katawan ko?

"Anak!!!"

Boses iyon ng aking Inay.

Bakit niya nilapitan ang katawan ko? Hindi ba niya ako nakikita?

Biglang pumasok sa aking isipan, ang dalagang halos tatlong buwan ng nawawala. Ako ang dalagang iyon.

Kinuha rin pala ng ilog na ito ang buhay ko.

Compilation of One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon