Workmates

1.1K 31 14
                                    

"Hay sa wakas! Natapos na rin ako. Nakakapagod! Lagi na lang akong O.T."

Napansin kong ako na lang pala mag-isa dito sa opisina. Umalis na siguro sila.

Sabagay. 10PM na naman kaya wala na sila.

Nasa third floor ang opisina namin. Kapag ganitong oras na, hindi na nila pinaaandar ang elevator. Ewan ko ba kung bakit. Kaya mula third floor, hagdan lang ang ginagamit ko. Kaya minsan, nakakapagod na.

Habang naglalakad ako, may narinig ako na parang nag-uusap.

May mga katrabaho pa ba akong nandito?

Sinundan ko na lamang kung nasaan ang mga boses. Oo, MGA boses. Marami kasi akong naririnig.

Nakarating ako dito sa isang kwarto. Sarado ang pinto at nakapatay ang mga ilaw. Pero sa loob nito nagmumula ang ingay.

Binuksan ko ang pinto ng kwartong ito at binuksan ang mga ilaw. Gayon na lamang ang gulat ko.

Napatingin silang lahat sa akin!

Bigla akong nakaramdam ng takot.

Halos lahat sila ay puro duguan, putol ang ibang bahagi ng katawan. Ang ibang mukha ay sunog.

Ang lalong nakapagpatakot sa akin ay ang katotohanang....

Lahat sila ay mga katrabaho ko!

Bigla silang nagsalita. Kinausap nila ako. Wala na akong magawa kundi ang tumakbo na lamang.

Dahil sa takot ko, hindi ko namalayang may hagdan na pala sa daraanan ko. Naramdaman ko na lamang na nahuhulog ako.

Hanggang sa magdilim na ang paningin ko.

Compilation of One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon