Devil's Phone

997 27 10
                                    

"Wow! Bagong cellphone.Thanks Ma!"

"Ingatan mo na yan ha? Ang mahal ng ganyang cellphone."

"Yes Ma. Thanks ulit."

Umakyat na siya sa kwarto niya pagkatapos niyang mag-thank you sa akin. Ang batang iyon, laging nawawalan ng phone. Sana naman ay ingatan na niya iyon.

Pupunta na sana ako sa kusina para magluto ng sumigaw na naman siya.

"May kasama na pala itong sim card Ma, hindi ko na kailangang bumili pa. Salamat ulit Ma!"

May kasama ng sim card? Paano nangyari iyon? Hindi naman naka-plan ang phone na iyon. Ah bahala na. Baka nga may free sim card na iyon.

Simula ng magka-phone ulit siya, palagi ko na siyang nakikitang hawak iyon. Hindi ko naman siya pinapakialaman sa text dahil nag-aaral naman siyang mabuti at sinusunod pa rin niya ang mga bilin ko.

Pero nagbago ang lahat ng iyon. Makalipas lang ang isang buwan, parang hindi ko na kilala ang anak ko.

Pinatawag ako sa school nila at doon ay may ipinaliwanag sila sa akin.

Hindi na raw pumapasok ang anak ko. Paano mangyayari iyon? Umaalis siya sa umaga para pumasok at umuuwi rin siya on time. Nakikita ko rin naman na nag-aaral siya sa kwarto niya.

Pagkauwi ko sa aming bahay, naabutan ko ang anak ko na nanonood habang nagtetext.

Dahil sa nalaman ko, nagpasya akong kausapin siya ngayon. Pinatay ko ang T.V at saka humarap sa kanya.

"Anak, may problema ka ba sa school?"

Naghintay ako ng limang minuto kung sasagutin ba niya ang tanong ko, ngunit hindi siya sumagot. Busy pa rin siya sa cellphone niya.

"Claire! Tinatanong kita!"

Tiningnan lang niya ako saglit at ibinalik na ulit niya ang paningin sa cellphone.

Ubos na ang pasensya ko kaya hinablot ko ang cellphone niya.

"Nang dahil ba sa cellphone kaya ka nagkakaganyan ha Claire?!"

"Wala kang pakialam! Ibalik mo na sa akin ang phone ko!"

Ito ang unang beses na pinagtaasan ako ng boses ng anak ko kaya naman lalo akong nagalit.

"Itong cellphone na ito ang may kasalanan! Hindi ka na nga pumapasok sa school, sinisigawan mo pa ako!"

Ibinato ako ang cellphone niya at nakakagulat dahil hindi ito nabasag. Tiningnan ko si Claire at gayon na lamang ang takot ko sa nakita ko.

Namumulang maigi ang mga mata niya! At sa isang iglap lang, sakal-sakal na niya ako.

"Hindi mo mababasag ang cellphone kahit anong gawin mong tapon dito. At huwag kang mangialam dahil nanay lang kita!"

Nakakatakot ang boses niya, parang nanggaling ito sa ilalim ng lupa.

Maya-maya ay nahihirapan na akong huminga at nandidilim na rin ang paningin ko. Tanging pag-iyak na lamang ang nagagawa ko dahil nanghihina na talaga ako.

Bago ako mawalan ng ulirat, nakita ko ang anak ko na nakangisi sa akin habang napapalibutan siya ng itim na usok, katabi nito ang isang lalaki na may sungay, namumula rin ang mga mata at nakangisi sa akin.

Compilation of One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon