Chapter 4 - Sayang.

147 7 10
                                    

Nia's POV

Naririto ako sa pwesto ni mame dahil may pinuntahan siya kasama ang kumare niya. For sure magshoshopping lang yung mga yun xD Hihi. 

Sabagay kailangan din kasi ni mame na magpahinga by going out with her friends.

Diba, way din naman yun upang makapagpahinga ang isang tao. Yung dahil sa pagshoshopping o paglalakwatsya eh nakaka stress free? Haha

Nakita ko si papa na papunta dito, so ang ginawa ko eh nilagay sa lalagyan agad yung cellphone ko kasi baka magalit. Hehe, ka-text ko kasi ang pinakamamahal kong kapatid na simula ng makilala ko siya sa Watty eh hindi ko pa siya nakikita ng harap-harapan mula ngayon. 

Ang lil'sis ko :">

Pina-abot ni papa telepono at siya'y tumawag sa pwesto ni kuya Mac.

"Hello, si Mac?" Tanong ni papa.

"Nasaan na naman ba siya?" Asar na tanong ni papa.

"Mac, san ka nanaman nagpunta?" 

"Sa labas lang .. Sino nagbabantay diyan sa pwesto, sa kaha?"

"Wag ka na umalis diyan. Alam mo namang walang magbabantay diyan eh."

"Ano pala mga hahakutin? blah blah blah.."  

Hindi ko na initindi yung mga pinagusapan nila. Yung nauna lang ang pinakinggan ko. Hindi ako chismosa uy! Ang lapit lang ni papa, halos katabi ko na siya, sa tigin niyo hindi ko maririnig? :)

-----------------------------

Kinabukasan.

Naririto nanaman po ako sa pwesto ni mame. Ako ulet ang nagkakaha.

Tumawag si papa sa pwesto ni kuya Mac (nanaman).

Parang ganun ulet pinagusapan nila, kung nasaan si Mac at ng makausap niya na eh pagsasabihan at itatanong na niya ang itatanong niya. (Like kung ano mga stock na kukunin sa bodega o kung anu man ang wala sa pwesto niya.)

"G, madalas ng wala si Mac sa pwesto." Sabi ni papa.

"Alam ko, minomonitor ko na nga mga gawain niya eh." Sabi naman ni mame.

"Kausapin mo nga yun. Tanungin mo kung magtatrabaho pa ba siya."

Mac's POV

Naririto ako ngayon sa pwesto na pinagtratrabahuan ni Macie.

Napapadalas na nga ako dito eh :))

Ito nga't kasama ko siya naglu-lunch ^_^

"Masarap hon?" Tanong ko sakanya.

Yup, tama kayo ng dinig. "Hon" ang tawagan namin. Bigla na lang kasi yan lumabas sa bibig ko, dahil diyan yun na lang ginamit namin.

"Oo." Sabi naman niya.

"Gusto mo pa?" Tanong ko ulet.

"Ayaw ko na, busog na ko eh." Sabay ngiti niya sa akin. Napangiti na lang din ako.

---------------------------

Nia's POV

Alam kung unti na lang eh mapupuno na si papa.

Alam niyo naman siguro kung bakit hindi ba?

Napaulit-ulit kasi ang nangyari. Yung lagi siyang wala kapag hinahanap siya.

Minsan napansin ko tuwing uuwi na kami ni papa eh sumusilip siya sa pwesto ni kuya Mac upang tignan kung naroroon siya. 

Ilang beses na siyang nahuli ni papa na wala doon.

Ilang chances yun?  Tanong ko sa sarili ko. (Pinagbibigyan lang nila si kuya Mac.)

Kaya ng mapuno si mama kay kuya Mac, dahil lagi ng nagsusumbong si papa AT .. at  hindi lang si papa kundi pati yung ibang costumers.

Pinapunta niya dito yung tita ko mula Bicol at siya muna ang pinag-handle ng pwesto.

At si kuya Mac? Kung itatanong niyo kung ano na ang trabaho niya ngayon o ano na ang ginagawa niya. 

Wag kayo mag-alala dahil hindi  naman siya tanggal, inilipat lang siya ni mame sa pwesto ng mame ko upang maging sales boy.

Sayang.

Yan ang naisip ko ng malam ko ang trabaho niya.

Pero wala paring ipinagbago dahil nawawala parin siya minsan kapag hinahanap ni mama.

Kaya ang ginawa ni mame

.

.

.

Hinayaan muna siya.

--------------------------

Dec. 24

Dumating mga pinsan ko mula Manila (Pasig). Tapos nag-invite ng kaibigan si mame.

Masaya naman ang pasko, mga games din. Ako at ang gay na kapatid ni mame ang nag-handle nun. 

Anong oras na rin kami natulog.

Nandito si kuya Mac kasali pa nga siya sa exchange gift namin eh. 

Hindi niya sinama yung girlfriend niya. Hindi ko pa nga nakikita eh.

"Kuya Mac. Hindi mo ba inimbitahan gf mo?" Tanong ko sakanya ng wala na masyadong tao.

"Hindi." 

"Bakit?"

"Wala lang." At ito'y ngumiti sa akin.

Doon na nagtapos ang usapan namin xD Haha. Kala mo na naman napaka-mahalaga eh.

Naaantok na kasi ako.

------------------------------

Eto po update mga kapatid ^_^

May part 2 po ito :))

Pero next time na po yun ^_^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Single Forever?Where stories live. Discover now