HUMINGA nang malalim si Leira habang nakatingin sa harap ng full length mirror sa kwarto niya. She had fun last night with the advanced celebration of her first year anniversary with her family and closest friends that pushes her to write and write! And today was her first year. The day she decided to write and dream to be a published author.
Pero hindi niya inaasahan na sa loob lang ng isang taon, makukuha na niya lahat ng pinapangarap niya noon. Nabigla siya ng maraming sumuporta sa kauna-unahang story na ginawa niya. Leira thinks that her work was lame and not worth to read, but her readers and babies proves her wrong. She thanks God for bringing them into her life. With her Family, friends and Reader's that became a vital part in her life. Wala na siyang mahihingi pa.
Sinuot na niya ang sneakers at nagmamadaling bumaba. She have an important meeting today and a little celebration with the other authors, na kasama niya sa publishing company and what excites her most was the surprise announcement of their big boss! Ang balita niya kasi ay kakauwi palang nito sa ibang bansa at may na close na deal sa isang sikat na publishing industry doon, that means, ang mga ibang libro nila pwede nang mapunta sa ibang bansa!
"Maaaaaaaa!" sigaw niya nang makababa siya sa may sala. She saw her mom cooking while having a quality time with her father. Ngumuso siya at lumapit sa dalawang naglalambingan at sumingit sa may gitna. She smiled cheekily at her father, na kasalukuyang umuusok ang bumbunan sa ginawang pag-agaw sa nanay niya. "Ibabalik ko din sayo si Mama, Pa!"
Inirapan siya ng ama at ito na ang nagpatuloy na mag luto sa niluluto ng Mama niya. Hindi niya madalas kasama ang dalawa dahil lagi ang mga ito na umaalis ng bansa, her parents loves to travel so much. Kaya hindi mahagilap ang mga ito, there's this one time that they told them they're in Japan. Pero nang magpunta silang magkakapatid doon at kumatok sa mismong hotel na tinutuluyan ng mga ito, wala na ang dalawa.
Pero sinisigurado naman ng dalawa na kapag may achievements silang magkakapatid, kahit gaano pa 'yon kaliit o kalaki, uuwi at uuwi silang dalawa para sumama sa celebration. Pero mukhang magtatagal ang mga magulang niya ngayon sa Pilipinas dahil masyado nilang ginalingan na magkakapatid. Tatlo silang magkakapatid at bunso siya. The spoiled one. Ang pinakaiingatan nilang lahat.
Umikot ang mga mata ni Leira nang tinanggal ng nanay niya ang pagkakayakap dito at bumalik sa tatay niyang tampu-tampuhan ang drama. She sighed as she watched her parents, kahit ilang taon o dekada na ang lumipas walang nagbago sa relasyon nilang dalawa. There's one time that her father needs to go abroad to work, but distance was not enough to break them apart. Unlike what happened to her. Ipiniling niya ang ulo at nagtimpla ng gatas.
After niyang mag timpla ng gatas, ibinagsak niya ang katawan sa sofa nila. But when she remembers that she have an important meeting today, mabilis pa sa alas kwatro niyang ininom ang mainit na gatas niya, gusto niyang maiyak dahil sa kagagahan na nagawa! Namamanhid ang dila niya at sobrang sakit ng lalamunan niya!
"Una na ako!" She shouted and grab her bag. Tumakbo siya papunta sa sasakyan na regalo sa kanya ng pinakamamahal niyang kuya. Well, perks of having a brother na matalino at mabilis pa sa gagamba kung umakyat sa pinaka mataas na posisyon sa isang kumpanya.
"Leira Azia! Mag-iingat ka sa pagmamaneho! Ang sasakyan mo! Papatayin ka ni Akiron kapag naibangga mo na naman 'yan!" sigaw ng Papa niya na sumunod pala sa kanya palabas. She shivered when the face of Akiron, his brother, getting mad like he's ready to throw her out, showed up in his mind. Mariing napapikit si Leira.
"Yes sir!" sagot nalang niya sa ama.
It was her fifth car this year, but she always choose the same model, dahil para sa kanya. Ito ang model ng sasakyan na pinaka mura at hindi mabubutas ng sobra ang bulsa ng dalawang kapatid. She's always in a rush, well, nag f-feeling lagi siyang maging kasing bilis ni Lightning McQueen kapag nasa may High way na siya. Because of her mad driving skills, like she was commiting a suicide, lagi din siyang nakakatanggap na katakot takot na sermon mula sa nakakatandang kapatid.