Chapter 6

1.5K 50 0
                                        

HINDI alam ni Leira kung anong klaseng damit ang susuotin niya para sa date nilang dalawa ni Khairus. He's going to take her out, of course this is a date! In her mind, kailangan niyang mag mukhang maganda pero kapag naaalala niya na si Khairus ang kasama... lahat ng pagpapaganda na kailangan niyang gawin nawawala sa utak niya.

Khairus loves it when she's just being herself. No make ups and fancy jewelries. So she ended up wearing a faded mom jeans and a pull over crop top paired with her black air max, it was Ves, her boss, gift when she held her very first fan signing event. She took a selfie and mirror shot before posting it on her instagram account.

She just bring her belt bag, nasa loob na ang powerbank, alcohol, liptint at wallet niya. Hindi siya ang tipo ng tao na halos dalhin lahat ng kagamitan sa bahay kapag aalis. She can move freely, kapag kaunti lang ang dala niya. Minsan nga ay wallet at cellphone lang ang dala dala niya kapag umaalis silang magkakapatid.

Alas diyes ang usapan nila ni Khairus pero alas otso palang nakahanda na siya, natawa nalang si Leira sa sarili habang tinitignan ang sarili sa life size mirror niya. Umupo muna siya sa harap ng lamesa niya at binuksan ang laptop, she's in the mood to write, besides may dalawang oras pa naman siya bago dumating ang ka date niya. Ang sabi ni Khairus sa kanya, aalis din siya kaagad kapag pinakilala na ng pinsan ang ex partner nito na sinusuyo nito simula ng maka balik sila, hanggang ngayon.

"Come to think of it, parehas lang naman silang mag pinsan." bulong niya sa sarili.

His cousin was pursuing his ex and she'd like to think that Khairus was doing the same thing. Khairus was taking advantage of her situation para makalapit ulit ito sa kanya, akala siguro ng lalaki, hindi magsusumbong sa kanya ang boss niya na kaibigan pala ni Khairus. Ves told her that Khairus made a deal with him, kung gusto ni Ves na maging Architect niya si Khairus sa pinapagawang bagong building ng publishing company nito, kailangan niyang bigay lahat ng mga na published niyang libro, but Ves was the one who offered Khairus to help her. Na agad naman sinunggaban ni Khairus.

Nalipat ang atensyon niya sa cellphone, nang mag-ingay ito. Her boss name was shown in her screen, kaya agad niya 'yong sinagot.

"Yes?" ini-loud speaker niya ang tawag para makapag sulat pa rin siya.

[How's your project? Doing good?] Ves casually asked. She smiled and stoped what she's doing. Kinuha niya ang Ipad at tinignan ang outline na ginawa niya, Ves will be very shock kapag sinabi niya na nakalahati na niya ang story.

"Yep!" she cheerfully beamed.

[Wow, confident ka ah?] natatawang tanong ni Ves sa kabilang linya. Umayos ng upo si Leira at binitawan ang Ipad na hawak hawak niya.

"Are we going to published this one? O pinapagod mo lang ang utak ko?" pabirong tanong niya sa boss. Ves chuckled.

[Depende kapag nalagpasan mo ang mga bed scene ng mga erotic writers ng Vessarios.] Leira pouted and crossed her arms and legs. That's imposible, walang wala ang gawa niya kumpara sa mga beteranong erotic writer ng Vessarios. [Kidding, of course. I p-published ko ang gawa mo. Anyway, tumawag lang naman ako para mangamusta. Enjoy the date with Khairus!] he said before dropping the call.

Hindi makapaniwalang umiling si Leira, hindi na siya magtataka kung paano nalaman ng boss niya. Of course, Khairus loves to broadcast his whereabouts. Nakatapos siya ng dalawang chapter bago dumating si Khairus. He was wearing a faded jeans and a plain white hoodie paired with his black sneakers. Simple clothes yet every head will turned.

Leira smiled upon seeing Khairus. Kinuha niya ang belt bag niya at sinuot, Khairus helped him locked her door and gate. Ang sasakyan na ni Khairus ang ginamit nila paalis, bahagya pa siyang natawa nang ang lalaki na mismo ang magsuot ng seat belt sa kanya. Her breathing hitched, isang tulak nalang mahahalikan na niya ang mapupulang labi ni Khairus.


Claiming the Sunrise Where stories live. Discover now