HINDI mawala sa utak ni Leira ang sinabi ni Khairus sa kanya kanina nang nasa restaurant sila. It keeps lingering in her mind. Leira watched Khairus play dart games, umaandar na naman ang pagka feeling high school nito. Nandito sila ngayon sa likod ng Mall kung saan may mga rides and different games. Skyranch. He badly want to claim the human size teddy bear, kanina pa sila nasa stall na 'to pero kahit isang bala na hawak ni Khairus walang bumaon.
"Let's go try the other games? Wala kang chance dyaan!" she hissed before pulling the hem of his hoodie. Walang nagawa si Khairus kung hindi ang sumunod sa kanya, ang susunod na pinuntahan nila ay yung may mga rubber duck na lumulutang sa tubig. May human size teddy bear na naman na nakita si Khairus kaya agad itong naglapag ng pera.
"Ilang bibe dapat ang makuha ko?" nakangising tanong ni Khairus sa babae na nagbabantay. Umikot ang mata ni Leira at hinayaan nalang si Khairus sa gusto nito.
"Sir, every rubber duck po may mga number na 1 to 10 sa ilalim. Kapag naka 3 or 4 po kayo, may makukuha kayong key chain. Kapag naman po naka 5 or 7 kayo na bilang, may isang maliit kayo na teddy bear na makukuha. At kapag naka 8-10 kayo, makukuha niyo po 'yung teddy bear na kulang pink." iminwestra ng babae ang nag-iisang kulay pink na teddy bear sa gilid, it was just a normal size teddy bear.
"How about the human size? Ilang bilang ng bibe dapat?" tanong ni Khairus.
"That will be 20 sir." ngumiti nang pagkatamis tamis ang babae.
"Magkano?" she boredly asked. Pang bata lang naman ang mga laro na nilalaro ni Khairus. No fun at all.
"Bale, every three rubber duck po 100 pesos, if gusto niyo po siyang dagdagan, 500 pesos po 6 rubber ducks. Then kung gusto niyo po na i continue yung bilang, pwede naman po kayong mag extend." the woman explained.
Naglapag ng 500 pesos si Khairus sa counter. Huminga nalang malalim si Leira at kinagat ang pang ibabang labi para pigilang matawa nang inabutan ng pang huli si Khairus, may ginawa pa ang babae para gumalaw paikot ang mga rubber ducks. He looks so serious while catching those rubber ducks. Naka anim agad siya at isa isang tinignan ng babae ang mga number sa ilalim ng bibe. Tumalikod si Leira at tinakpan ang bibig gamit ang kamay niya. Puro uno ang nakuha ni Khairus, wala man lang naligaw na dos o tres!
"Another one." seryosong sabi ni Khairus at naglapag na naman ng 500 pesos sa counter.
Katulad kanina, naka anim na naman ito at puro uno. Hindi na napigilan ni Leira ang matawa kay Khairus, damn this game is just for kids pero pinapatos niya para lang makuha ang human size teddy bear na sigurado siyang ibibigay ng lalaki sa kanya!
"Another one, Miss. Akina 'yan! Pambatang laro na nga lang puro uno pa ang nakukuha mo!" natatawang singhal niya kay Khairus. He crossed his arms and watched her caught the little rubber ducks. Nakakangalay ang hawak niyang panungkit kaya isa isang bibe ang kinukuha niya, hindi din siya nag stay sa iisang lugar lang na kinukuhanan.
"Ilan na ang bilang?" she asked, bago siya kumuha ng isa pang bibe na panghuli na niya.
"Naka 12 po si Sir, Mam. Plus..." isa isang nilapag ng babae ang mga nakuha niyang rubber ducks, Leira wanted to laugh her ass off when she saw the numbers, puro dos at may isang tres. "Total of 25 po, congrats po!" the woman smiled and get the small teddy bear and the human size teddy bear na kanina pa kinukuha ni Khairus.
"Tch, bakit sa akin puro uno? Unfair." bulong ni Khairus at inabot na ang maliit na teddy bear habang kay Leira naman inabot ang human size. She laughed heartily when he saw how distorted his face is.
