For someone who doesn't want to see Khairus, Leira actually let him in inside her house. She must be crazy for taking his offer. May dala itong mga libro at ang ilan naman ay mga papel, which leira was very familiar with. Katulad noon, naging feel at home agad ang lalaki. He made his own coffee in her kitchen, cook for his breakfast. Yes, his only. Kay Leira ang mga pagkain na niluto nito at kusina ni Leira ang ginamit, pero hindi man lang siya nito naalala na ipagluto.
Khairus didn't bother to asked if it was okay to use her kitchenette. Hindi alam ni Leira kung ilang beses siyang bumuntong hininga at kung ilang beses din niyang pinaikot ang mga mata habang pinapanood ang lalaki na magluto ng pancit canton na hinaluan ng itlog.
"Hindi ka ba nag-almusal sa bahay mo bago ka nangapit bahay?" casual na tanong niya sa lalaki. Pagod na siyang maging sarcastic kay Khairus lalo na at hindi naman marunong makiramdam ang siraulo.
Lumabi si Khairus sa kanya. She made a disgusting expression. "Grabe diring diri siya oh! Kumain na ako kanina. Kaso nabitin ako, hati naman tayo dito!" he wiggled his eyebrows and smiled boyishly.
Hindi na sumagot si Leira at umalis na lang sa kusina, watching Khairus cooking, kung matatawag na pagluluto ang ginagawa niya e simpleng pancit canton lang naman 'yon. Brings back a lot of memories of the past. Na ayaw na niyang balikan. Umakyat siya sa kwarto niya at naligo nalang muna. She wear her usual clothes when she's staying inside her house. Oversized T-shirt and dolphin shorts, pero dahil kasama niya si Khairus, she wear a jogging pants.
"Azia! Kakain na!" sigaw ni Khairus mula sa kusina. Leira rolled her eyes upon hearing her second name.
"Don't call me Azia. Hindi tayo close." pagtataray niya kay Khairus bago umupo. Kumunot ang noo niya nang tumayo ang lalaki at lumipat sa katabing upuan niya. "What the heck are you doing? Doon ka nga!" taboy niya.
"Ayaw. Dito ako, para close na ulit tayo. Azia." Leira gritted her teeth and glared at him. Nakakaloko ang ngiti na mayroon ito.
"Alam mo? Pasalamat ka mabait ako, kasi kung hindi? 'Yang mukha mo na 'yan nakasubsob na sa lamesa!" she hissed, hindi man lang nawala ang ngisi ng lalaki sa labi. Instead, Khairus smiled and turn into a laugh. "Saya mo no?" sarkastikong tanong niya rito.
Tinulak ni Khairus palapit sa kanya ang pinggan na may lamang pancit canton, may tinidor na din. Then her eyes widened when he pushed her favorite glass tumbler na regalo sa kanya ng isa sa mga readers, niya noong unang beses siyang magkaroon ng book signing event. Leira loves to keep her readers gifts. May laman itong iced coffee na siguradong ginawa ni Khairus habang naliligo siya kanina sa kwarto niya.
"Alam kong hindi gagana ang utak mo, kapag hindi ka nakakainom ng malamig." Khairus smiled and pat her head like a good puppy. Hindi na nakapag salita si Leira, tahimik niyang inubos ang pancit canton at hindi na nag-abalang inaya si Khairus. Good thing, hindi siya nabulunan. Damn, Khairus was staring at her the whole time she's eating!
After eating, ililigpit na sana niya ang pinagkainan but Khairus held her hand and get the plate. "Ako na. Saan ka madalas tumambay kapag nagsusulat ka?" he asked.
Leira's brows furrowed. "Sa kwarto ko, andoon yung laptop ko. Tinatamad akong tumambay sa sala ngayon. Bakit?"
"Sige sa kwarto mo tayo."
Nanlaki ang mga mata ni Leira sa sagot nito. "Hoy! Anong tayo?!" singhal niya sa lalaki.
"Because I'm going to help you? Don't worry, I won't touch you. Hindi din ako manggugulo, hindi ko pakikialaman ang mga gamit mo kasi alam ko naman na mapapalayas mo ako kapag ginawa ko 'yon!" he reassured and smile playfully at her.
