LEIRA cursed herself when she woke up late. Agad siyang tumayo sa kama niya at dumeretso sa banyo, she washed her self thoroughly. She wear a dolphin shorts paired with her over sized hoodie. Mag m-me time siya ngayon dahil kailangan na niyang i focus ang utak sa isusulat niya. Luckily, natapos niya ang outline kagabi.
Wala ngayon ang parents niya, dahil umuwi ang mga ito kahapon sa bahay ng Kuya niya na si Akiron. They say they will stay there for the mean time and bothered Akiron a little. Nagluto siya ng pancake at nagtimpla na din ng gatas niya, dala dala niya ang laptop at ipad na gagamitin niya. She prepares to work on her room, pero sa kaso niya ngayon baka tamarin lang siya kung doon siya magta-trabaho.
"Owkaaaaaay! I'll start with the basic." she cheered herself.
She's not very fond of writing an Adult Romance, pero kapag may time naman siya nakakapag basa siya. Well, let's just say that she prepares to read it rather than to write it. Kakaiba ang nararamdaman niya sa katawan kapag naiisip niya ang sarili na magsusulat siya ng ganoong scene. Truth is, hindi niya nakikita ang sarili na magsulat nang ganoon. But because of his crazy boss who wants to widened her knowledge, that's what she thinks, gagawin na niya ito ngayon!
She was about to start typing for the prologue when she remembered something.
"PUTEK! WALA PA PALA AKONG TITLE!" sigaw niya habang binabaliktad ang notebook na ginamit niyang pang notes. She even scrolled up and down into her ipad notes, nagbabakasakali na may nailagay siyang title! Pero wala!
"Ano to? Natapos ko ang outline na walang title? Jusmiyo! Kagagahan mo Leira!" sinampal niya ang noo at paulit ulit na pinupukpok 'yon sa lamesa. Baka sakaling may maisip siya na pamagat. Her outline was perfect, at ang kawalan ng pamagat ang sumira sa perfection nito!
"Argghh! Lintek! Bahala na!" sigaw niya ulit at kinalma na ang sarili.
Ano ba ang nasa utak niya kagabi at nakalimutan niya ang pinaka importanteng parte ng story na isusulat niya?! Her mind was in turmoil ever since she saw her ex boyfriend, Khairus Perez. Ano ba ang meron sa lalaki na 'yon at bigla bigla nalang sumusulpot sa utak niya? Damn, he suddenly want to murder him.
"Pero nagawa ko na 'yon." bulong niya sa sarili nang maalala ang libro na naisulat niya. For her it was iconic. Ang dami niyang mura na natanggap mula sa mga Reader's niya na lubusang nagdamdam.
It was supposed to be a happy ending. That was her outline saying, but her mind was saying otherwise that the end of her story became tragic. Masyado siyang nagpadala sa bugso ng damdamin niya. Sa lahat ng story na naisulat niya, even if she denied it a lot of times, Khairus was always the leading man. Ang lalaki na 'yon ang laging nasa utak niya kapag nagsusulat siya.
And that day, ang araw na isusulat na niya ang pinaka huling parte ng story niya, was the day when Khairus leave her. Nang hindi nagpa-paalam. Nabalitaan nalang niya sa mga kasama nito na... He grab the opportunity and flew abroad. Naiintindihan naman niya ang lalaki, na mataas ang pangarap ni Khairus. Hindi naman niya 'yon ipagkakait sa kanya, she waited patiently. Naghintay siya na pagdating nito sa kung saang lupalop man ito nag punta, tatawag ito sa kanya but there's none. He did not call or did something to contact her. Hanggang sa mapagod nalang siya sa kakahintay.
Sa sobrang sama ng loob niya sa lalaki, nadamay pati ang mga readers niya. Sulat lang siya ng sulat noon habang umiiyak, hindi niya namalayan na lumiko na pala siya at nawala na sa ouline na ginawa niya. It was supposed to be a grand wedding but ended up as a grand funeral for the male lead.
"I actually murdered him in my book." para siyang baliw na natawa sa sarili. She tapped her cheek and started to type fast in her laptop, sulat lang ng sulat, mamaya na ang revising.
