Chapter 9

739 26 1
                                    

Chapter 9
Leo’s POV

“Kumakain ka ba niyan?”tanong ko sa kaniya.

“Yeah, but not in some place like this, laging may dali si Silas no’ng terno ba ‘yon? We tasted it and it kinda taste good.”aniya sa akin, hindi ko naman mapigilan ang mapahagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya. Kita ko naman ang tingin niya sa akin na nagtataka.

“Anong terno pinagsasabi mo riyan?”natatawa kong tanong.

“Baka pares?”tanong ko na hindi pa rin nawawala ang hagalpak.

“’Yon nga.”nakanguso niyang saad. Hanggang sa makarating kami kina Aling Poleng ay natatawa pa rin ako.

“Your laugh sounds really good, mas maganda ka kapag laging nakangiti. Sungit mo e.”sabi niya sa akin kaya nawala ang ngisi ko. Inirapan ko lang siya at iniba agad ang usapan.

“Mas masarap kapag dito mo mismo kakainin!”sambit ko.

“Kapag sa bahay kasi, hindi mo tantiyado ang timpla ng mami o pares na bibilhin mo. Atleast dito, alam mo kung anong patok sa panlasa mo.”ani ko sa kaniya. Nakikinig lang naman siya sa akin at patangp tango pa sa sinasabi ko.

Umorder naman na ako kay Aling Poleng saka ko hinila si Pulo patungo sa isang upuan. Nililibot niya pa ang mga mata niya bago siya naupo sa tapat na upuan mg akin.

“Why are you so kind today?”tanong niya sa akin. Nilingon ko naman siya dahil do’n.

“Huh? Lagi naman talaga akong mabait.”sambit ko sa kaniya.

“Sa akin, hindi.”natatawa niyang saad.

“Well, guilty lang ako sa nangyari no’ng nakaraang araw.”sabi ko kaya agad siyang ngumiti sa akin.

“So you’re treating me right now because you’re guilty?”tanong niya sa akin na nakataas ang kilay.

“That’s right.”ani ko na tumango tango pa.

“Hmm, sana pala lagi kang nakokonsensiya.”natatawa niyang saad na inirapan ko lang.

Maya-maya lang ay dumating na ang order namin, it’s kinda fun talking to him, hindi ko akalain na matutuwa ako habang kausap ito. Hindi naman pala siya gaanong nakakaasar. Kapag ako ang nagkukwento, nakikinig lang ‘to sa akin at hindi ako pinuputol. Madalas ay may follow up question pa siya.

“Hala, sili ‘yan!”sambit ko nang lagyan niya ng powder ang mami niya.

“Oh.”aniya na hindi alam ang gagawin, sa huli’y nakipagpalit na lang din ako sa kaniya at ako na mismo ang magtimpla sa gusto nito.

“You don’t really like vegetables?”tanong niya nang makitang tinatabi ko ang simpleng dahon lang ng sibuyas. Tumango naman ako sa kaniya dahil do’n. Hindi ko lang kasi talaga trip ang lasa no’n.

“Are you sure you can eat that?”tanong niya pa muli dahil kitang kita na mapula ang mami ko dahil sa sobrang daming siling nilagay niya. Ayos lang naman sa akin, medyo marami lang ng kaunti sa karaniwan kong nilalagay.

“Oo, ayos lang.”sambit ko bago nagsimulang kumain. Parehas lang kaming tahimik, kita kong pabalik balik ang tingin nito sa akin kaya tinawanan ko siya.

“Kumain ka na nga lang.”sabi ko sa kaniya.

“You know what you’re not so sungit pala.”aniya sa akin nang nakangiti. Inirapan ko naman siya dahil do’n. Hindi naman talaga.

“Ikaw din, hindi ka naman pala ganoon kasama.”ani ko kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

“Hoy, grabe, mukha ba akong basura sa paningin mo?”natatawa niyang tanong sa akin. Nagawa niya pang magkwento ng kung ano ano sa akin, wala talagang takot ang isang ‘to.

Nang matapos kaming kumain ay inaya ko na siya.

“I want some pineapple juice too.”niya na tinuro ‘yong nagtitinda ng pineapple juice sa tapat. Bumili na lang din ako ng para sa aming dalawa.

“Seriously tho, sorry kung nawala sa isip ko.”ani ko sa kaniya.

“Yeah, sure. Next time kasi tanggian mo na lang si Gonzales.”pabiro niyang saad kaya nanliit ang mga mata ko. Paano niya nalaman na kasama ko si Daren.

“Pinapasundan mo ba ako, huh?”tanong ko kaya agad siyang napatawa, napataas pa ang kilay niya sa akin dahil sa sinabi ko.

“Hindi ahh, assumer ka. Kita ko lang mga kaibigan niya noong araw na ‘yon, they were talking about the two of you.”aniya na napakibit ng balikat. Tumaas naman ang kilay ko roon ngunit napatango lang din.

“Hatid na kita.”sabi niya.

“May motor nga ako.”ani ko.

“Fine, hatid mo na lang ako.”anito kaya agad ko siyang nilingon.

“May kotse ka.”naiiling kong saad.

“Pinakuha ko na.”aniya kaya agad nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Tapos ang lakas mag-aya?

“Tsk. Mautak.”ani ko kaya napatawa na lang siya.

“Huwag ka lang talagang manantsing, ihahagis kita sa tulay.”seryoso kong saad sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin dahil do’n.

“I won’t touch you.”aniya na nagtaas pa ng kamay. Pinaningkitan ko lang siya ng mata bago ako tumango.

Hindi ko naman mapigilang kabahan kahit na may espasiyo sa aming dalawa. Paano’y naaamoy ko ang mabangong halimuyak na nagmumula sa kaniya.

“Ang bango ng buhok mo. Anong shampoo mo?”tanong niya pa sa akin. Pakiramdam ko’y mawawalan ako ng hininga dahil dito. Parang gago kasi.

“Hoy, napakadelikado mo talagang magmaneho, kung saan saan ka sumisingit.”aniya nang makalusot kami sa traffic.

“Anong gusto mo? Hindi na tayo makauwi?”tanong ko naman na napairap pa sa kaniya. Inihinto ko pa ang motor nang malayo kami sa traffic. Nilingon ko siya habang siya naman ay nagtataka niya akong tinigna.

“Why?”tanong niya na nagtataka.

“Sure ka magpapahatid ka sa akin?”tanong ko.

“Yeah.”sagot niya naman, siguradong sigurado pa.

“I’m paparazzi.”ani ko.

“Luh, si Leo ka.”aniya naman kaya nahinto ako. That’s right, I’m Leo, but that was part of me.

“Paano kung sugudin kita roon?”tanong ko pa.

“Edi sugurin mo? I think you won’t do that. You’re a good person.”aniya pa.

“Huwag kang gaanong magpakasiguro, baka mamaya’y masira lang din sa huli ‘yang tiwalang mayroon ka.”seryoso kong saad.

“It’s fine.”natatawa niyang saad na napakibit ng balikat. Para bang tiwalang tiwala siya na hindi ko ‘yon magagawa. Ang masama lang kung gagawin ko nga talaga.

Sinabi niya lang naman ang lugar na kinatatayuan ng bahay niya. Nang makarating kami roon, inanyayahan niya pa ako ngunig hindi rin ako pumayag. Bukod sa takot ako na makuha ang bataan, takot din ako na baka may magawang hindi maganda.

“Fine, next time na lang.”aniya na ngumiti pa sa akin.

“Thank you for today, Leo, I really enjoy the Mami. And of course, your company.”aniya na ngumiti pa sa akin. Same. Hindi ko alam na masaya rin pala talaga siyang kasama.

That ended our night, kapag nagkakasalubong na’y may tanguan na nagaganap although minsan ay sinusungitan ko pa rin siya.

“Hey!”tawag niya sa akin nang makarating ako sa usapang lugar. Hindi na sa office ang shoot namin. Magtutungo kami sa mayon skydrive ngayon. Ramdam ko ang excitement dahil do’n, sana talaga maging maayos ang trip na ‘to.

“Tara?”tanong niya sa akin. Tumango naman ako, nakahanda na rin ang mga gamit na dala. Sumakay na kami sa kotse niya.

Nakatulog lang ako sa byahe dahil pagod na pagod din ako nitong umaga. Nagtungo kasi ako ngayon do’n sa bahay nina Ms. Legazpi. May issue kasing kinabibilangan ang pamilya niya. ‘Yon ang pinaasikaso ni Gani sa akin kagabi.

Nagising lang ako na nasa bus stop kami ni Pulo.

“Hey, good afternoon, what do you want to eat?”tanong niya sa akin na may binili pa atang chicharon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil he look so rich pero ang simple niya lang.

“Hmm, tubig na lang, Sir Boss.”sabi ko kaya agad siyang napatawa.

“That’s weird, just call me Pulo.”aniya na naiiling pa sa akin.

“And let’s eat, hindi ka pa naglalunch.”aniya na pinagbuksan pa ako ng pinto. Hindi ko alam na may tinatago rin pa lang kagentle-an ang isang ‘to. Napangiti na lang ako roon.

“Thanks.”ani ko. Namili pa kami ng kakainan, nagbato bato pick pa kami dahil hindi magkasundo sa kung saan kakain. Inirapan ko naman siya ng malapad ang ngisi niya sa akin dahil siya ang nanalo. Nang matapos ang pagkain namin, bumyahe ulit kami, this time ay gising na ang diwa ko kaya nagawa ko pang ivideo ang byahe namin. Nalibang naman ako dahil nakakakwentuhan ko rin si Pulo.

Maggagabi na rin nang makarating kami sa hotel malapit sa mayon skyrdrive. Pagkakain namin ay dumeretso na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto. Hindi ko na kinulit pa si Pulo na mamasyal dahil alam kong pagod din ito. Ako naman ay nalilibang habang inaasikaso ang mga nakuha kong litrato at video. Hindi ko naman maipagkakaila na nalilibang ako sa pag-edit ng mga ganitong litrato pati na rin sa paggawa ng travel blogs, ‘yon nga lang ay hindi naman ako madalas nakakapagtravel dahil hindi ko lang maiwasang mag-alala kay Jia kapag nasa malayo ako.

Nalilibang ako sa umaga pero kapag gabi na, hindi ko maiwasang isipin ang kalagayan nito. Minsan ay kinakain ako ng lungkot dahil ako, nagagawa ko ‘tong mga bagay na ‘to, samantalang ang kapatid ko, hindi niya man lang niya nararanasan ang mga ganitong bagay.

Nakatulog ako nang ‘yon lang ang nasa isip. Nagising lang ako kinaumagahan sa sinag ng araw. Nang silipin ko ang screen door sa labas na siyang may veranda, hindi ko mapigilang mamangha habang nakatingin sa ganda ng lugar.

“Wow,”bulong ko sa sarili habang nakatingin doon. Napangiti naman ako habang kinukuhanan ng litrato ang lugar. This place is really heaven, para bang kinukuha na lahat ng nasa isip mo, ang ganda na lang ng lugar ang matitira.

Napatingin naman ako nang makarinig ng kumakatok sa pinto, alam ko na agad na si Pulo ‘yon kaya pinagbuksan ko na.

“Hey, coffee.”aniya sa akin at iniabutan ako.

“Thanks.”nakangiti kong saad sa kaniya. Nginitian niya rin ako pabalik. Tumalikod na rin naman siya at hindi na nagpumilit pang pumasok. Hindi ko rin naman din siya tinanong.

Nilibang ko lang ang sarili sa view habang umiinom ng kape. Ang dami ko pang kinukuhanh litrato para sa gagawin kong travel blog, nandito na rin naman ako, sulitin ko na. Naalala ko ang sabi ng guro namin noon, kapag daw gusto mong magsulat ng travel blogs, dapat nasa isip mo na ang plano mo. Mag-isip bilang isang manlalakbay, hindi bilang isang turista.

Lumabas na rin ako kalaunan nang makapagbihis na. Ganoon din naman si Pulo na siyang hinihintay na lang din ako. Dala dala ko ang bag ko nang sumakay ako sa kotse niya. Sinuot ko naman ang ring earings ko kaya napatingin siya sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil nakatitig lang siya sa akin.

“You like wearing earings?”tanong niya. Tumango naman ako. Wala lang gusto ko lang.

“Bakit?”tanong ko.

“You look good.”aniya na ngumiti pa sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko dahil do’n. Hindi ko alam kung binobola niya lang ba ako o talagang nagsasabi ng totoo. Hindi ko na lang din pinansin. Nagtungo na kami sa mayon skydrive kalaunan.

Nang makarating doon ay nakahanda na rin ang tripod ko maski ang camera.

“Akin na.”ani Pulo sa akin.

“Ako na, I’ll take some photos while we’re driving.”sambit ko. Tinignan niya naman ako.

“You sure?”tanong niya. Tumango naman ako sa kaniya. Sanay naman na ako roon pero kinuha niya rin ang ilang gamit sa akin.

Nagsimula na akong kuhanan siya ng litrato, it was really fun lalo na at ang gwapo rin talaga ng isang ‘to, kahit na hindi siya mag-effort ay mukha na talaga siyang modelo kaya naman magaganda ang kinalabasan ng litrato.

Nang matapos ay pinahawak niya ang camera sa ilang kasama namin dito at niyaya pa akong magrace.

“Tara, race!”aniya sa akin.

“Huwag na, weak mo.”natatawa kong saad sa kaniya.

“Come on, takot ka bang malampaso ko.”natatawa niyang saad sa akin.

“Feeling ka! Tara, G!”sabi ko at nagsimulang ipaandar ng mabilis ang ATV ko. Buong ride ay tawa lang ako ng tawa dahil ang kulit niya, parehas kaming ayaw magpatalo. Sa huli’y tawang tawa lang din ako dahil nasemplang siya sa katangahan niya.

“Gandang ganda ka talaga sa akin no? Ganiyan napala mo.”natatawa kong saad. Inirapan niya naman ako dahil do’n.

“Feeling.”umupo pa siya sa tabi ko habang pinagmamasdan namin ang lugar. Parehas na kaming natahimik ngayon.

“It’s quite good. This place tapos it’s really fun being with you din.”aniya na nginitian pa ako. Napakunot ako ng noo. Hindi dahil sa kaniya kung hindi dahil sa sarili ko, nakakainis dahil bigla na lang nag-iba ang epekto nito sa akin.

Flash News: Paparrazi InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon