Chapter 24

493 17 1
                                    

Chapter 24

Leo’s POV

“Finally, after a month of pataasan ng pride, kayo na rin.”hindi ko mapigilang sambitin kay Iska at Silas nang madaanan ko silang naglalandian sa labas. Kita ko namang parehas silang nahihiyang dalawa. Napangisi na lang din ako habang tinitignan si Iska na siyang kaholding hands si Silas.

“When kaya?”tanong naman nang nasa gilid kong si Pulo. Nailing na lang din akong natawa sa kaniya. Nagpaalam naman na sila dahil may date pa ata. Hindi ko naman mapigil ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga itong paalis.

“Hatid na kita?”tanong ni Pulo, unang araw ko ngayon sa trabaho. Hindi naman ako nawalan dahil rumaracket racket din ako. Kung saan may trabaho ay nandoon ako.

“Hindi na. Dadalhin ko motor ko ngayon. Sabay na lang tayong maglunch, ako na lang pupunta sa’yo.”ani ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango roon. Naghiwalay na rin kami ng landas kalaunan.

Nang makarating ako sa BLC, nakita ko rin si Carol, dalawa lang kaming natanggap, hindi nakapasok si Polka.

“Kumusta ang baby mo?”tanong ko sa kaniya.

“Nandoon sa Mamita niya. Nagwawala nga kanina, ayaw akong paalisin.”aniya habang papasok kami sa loob. Agad din kaming giniya ng isang reporter sa mga nakaassign na magturo sa amin. Hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Ms. Manalastas. Alam ko’y sikat ‘tong reporter, talagang nagtutungo sa mga delikadong lugar para lang magbalita ng totoo.

“Good morning, Ms. Manalastas.”nakangiting bati ko sa kaniya ngunit abalang abala siya sa pagtitipa sa kaniyang computer. Ang ilang mga kasama ay kinakausap na ng kanilang mga senior samantalang ako’y nakatayo lang dito sa gilid at pinapanood siya. Imbis na tumunganga’y nagawa ko namang basahin ang report na ginagawa niya. Saka niya lang ako napansin.

“You may sit down.”anito bago binalik mula ang tingin sa kaniyang computer. Ganoon nga ang ginawa ko.

Natapos ata ang araw na ‘yon na kung paano lang gumagawa ng kape ang nalaman ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na wala akong ginawa o ano.

Nagtungo naman na ako sa media star dahil sabay kaming magdidinner ni Pulo. Nakasandal lang ako sa may motor ko habang nagtitipa ng mensahe para kay Pulo.

Ako:

Hey, I’m already in front of media star.

Habang nagtitipa, halos mabitawan ko ang phone nang may nagsalita sa gilid ko.

“Gago!”muntik ko ng batukan si Iska dahil sa panggugulat niya.   

“Parang gago kasi!”sabi ko na sinamaan siya ng tingin. Natawa naman siya sa akin dahil do’n.

“Anong ginagawa mo rito?”patawa tawa niyang tanong.

“Hinihintay ko si Pulo, may dinner kami ngayon.”sambit ko sa kaniya.

“Pulo? Nakita ko pa lang ‘yon na palabas kanina. Sabi niya’y magdidinner. Akala ko ikaw ang kasama kaya hindi ako nagreact.”aniya kaya napakunot ang noo ko.

Flash News: Paparrazi InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon