Chapter 32

461 16 1
                                    

Chapter 32

Leo’s POV

After what happened in pampanga, hindi na naging katulad pa ng dati si Pulo. The way he look at me? Parang hindi niya na nakikita ‘yong future niya kasama ako.

Hindi naman nawawala na lagi niya akong sinusundo ngunit alam kong mayroong nagbago. Hindi niya pinaparamdam sa akin ngunit malakas ang pandama ko, alam kong may mali.

“What do you want to eat tonight?”nakangiti niyang tanong ngunit hindi abot hanggang sa kaniyang mga mata. Hindi tulad noon na kahit mata lang ang nakikita mo, alam mong malapad ang kaniyang ngiti. He’s trying really hard to take care of me pero madalas nakikita ko siyang nakatulala, malalim ang iniisip. And I know what he’s thinking, nagbubulag bulagan lang ako dahil ayaw ko siyang mawala.

“Pusit na lang.”ani ko, ngumiti lang siya sa akin dahil do’n at hindi nagreklamo katulad ng dati niyang ginagawa. Para bang sa isang iglap, nawala ‘yong pagkakomportable namin sa isa’t isa o baka unti-unti ng nawawala ‘yong pagmamahal noong umpisa? Hindi ko rin alam.

“Thanks.”namuo ang katahimikan sa aming dalawa habang kumakain. Sinubukan ko namang isalba ang pag-uusap naming dalawa. Ang dami ko pang baon na tanong. Mga inisip ko kapag hindi kami magkasama. Hindi tulad noon na kahit na simpleng bagay ay may mapag-uusapan kami, mga bagay na hindi na namin kailangan pang pag-isipan. Noon, kahit na tahimik kami’y sobrang komportable lang ng katahimikan.

Ang bilis lang din namatay ng usapan naming dalawa kaya parehas kaming natahimik.

Maya-maya lang ay nakita kong may tawag mula sa kaniyang kaibigan. Galing kay Red. Nagsasabi ‘to no’ng nakaraan na magtungo raw kami sa party nina Dale, ‘yong isa sa mga kaibigan nila. Hindi naman ako iniimbita ni Pulo na sumama sa kaniya kaya pakiramdam ko’y hindi naman niya ako isasama.

“Dale is inviting us to his party, gusto mo bang pumunta?”tanong niya sa akin, mukhang napansin ang titig ko sa kaniya.

“Ayos lang, kahit ikaw na lang.”ani ko dahil alam ko naman na hindi ito magiging komprtable na kasama ako. I don’t know. Parang sa ilang buwan lang ay ang dami na agad nagbago sa aming dalawa, para bang gusto kong bumalik sa umpisa o baka mas magandang noong umpisa pa lang ay hininto ko na? Hindi ko rin alam.

“I won’t go. Dito na lang tayo.”aniya na ngumiti pa sa akin. But seeing him trying to understand me? Masaya ako na nakilala ko siya. Lahat ng memorya na nabuo naming dalawa, hindi ko ‘yon gustong mawala. Kumbaga sa isang kulungan, para siyang kalayaan. When I’m with him I’m free. Lahat ng bagay na akala ko’y hindi ko magagawa, nagawa ko kasama siya.

It makes me wonder na kung susubukan ko ba’y babalik kami sa dati? Kapag ba ginusto kong magkaanak, mananatili siya sa tabi ko? Dapat ko bang subukan kahit na hindi ko gusto? Hindi ko rin alam. Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na rin pala ako sa pag-iisip ng kung ano.

Nagising lang ako kinabukasan na natutulog sa kama ni Pulo. Kita ko naman na mahimbing ang tulog niya sa tabi ko. Hindi ko maiwasang pagmasdan ‘to. I was torn between choosing him or choosing what I really like. Hindi ko alam. Hindi ako pupwedeng magdesisyon na lang bigla dahil alam ko na mabigat ang desisyon na gagawin. Hindi pupwedeng basta basta na lang.

Flash News: Paparrazi InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon